ECCD Calaca City - Nasa Tama ang Gawa

ECCD Calaca City - Nasa Tama ang Gawa NasaECCD ang pundasyon ng bawat Calacazens

Isang mainit na pagbati at taos-pusong pagtanggap sa 21 Child Development Workers (CDWs/CDTs) mula sa Bayan ng Lemery na...
20/07/2026

Isang mainit na pagbati at taos-pusong pagtanggap sa 21 Child Development Workers (CDWs/CDTs) mula sa Bayan ng Lemery na nagsagawa ng Benchmarking Activity sa Calaca City, Batangas sa pamumuno ni Mayor Nas Ona.

Layunin ng gawaing ito ang pagbabahagi ng mga pinakamahusay na pamamaraan, karanasan, at makabagong estratehiya sa pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program. Sa pamamagitan ng ganitong pagtutulungan at palitan ng kaalaman, mas lalo nating napapalakas ang ating kakayahan na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo para sa kapakanan at maayos na pag-unlad ng ating mga batang mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong pagbisita at sa pagkakataong makapagbahagi ng mga mabubuting gawain. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapabuti ang ating mga programa para sa bawat batang Pilipino.

"Sa pagbabahagi ng kaalaman, sama-sama nating binubuo ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan." πŸ’š







Isinagawa ang ating buwanang pagpupulong noong ika-15 ng Hulyo bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating serbisy...
20/07/2026

Isinagawa ang ating buwanang pagpupulong noong ika-15 ng Hulyo bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating serbisyo para sa mga batang mag-aaral. Tinalakay ang mahahalagang programa, mga update, plano, at mga gawaing makatutulong sa patuloy na paglinang ng kalidad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa pangunguna ng aming butihing Mayor Nas Ona.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagbabahagi ng kaalaman, mas lalo nating mapapaunlad ang ating mga programa at maihahandog ang mas ligtas, masaya, at makabuluhang pagkatuto para sa bawat batang Calacazen.

Sama-sama para sa dekalidad na serbisyo at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan! πŸ’™πŸ’›






Sa muling pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaa...
20/07/2026

Sa muling pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga batang benepisyaryo ay maaasahan nating mayroong:

S - siguradong
H - haing masustansiyang pagkaing
A - aagapay sa bawat batang CALACAZEN tungo sa malusog na pangangatawan.

Ang bawat linggo ng pamamahagi ay patunay ng ating sama-samang hangarin na matiyak na ang bawat bata ay may sapat na nutrisyon upang lumaking malusog, masigla, at handang matuto.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng wastong nutrisyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Calacazen! πŸŒ±πŸ’š





Isinagawa ang ikalimang pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City.Pasasalamat sa mga magulang, Child De...
13/07/2026

Isinagawa ang ikalimang pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City.

Pasasalamat sa mga magulang, Child Development Workers, mga katuwang na ahensya, at sa buong komunidad sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa.

Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog, masigla, at maunlad na kinabukasan para sa bawat batang Calacazen! 🌱✨





Patuloy na umaarangkada ang Supplementary Feeding Program sa Calaca City sa matagumpay na pagsasagawa ng ikaapat na pama...
06/07/2026

Patuloy na umaarangkada ang Supplementary Feeding Program sa Calaca City sa matagumpay na pagsasagawa ng ikaapat na pamamahagi ng masustansyang pagkain para sa ating mga batang mag-aaral.

Ang bawat pagkain na naihahain ay hakbang tungo sa mas malusog na pangangatawan, mas aktibong pagkatuto, at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Calacazen.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga Child Development Workers, mga magulang, mga katuwang na ahensya, at sa lahat ng sumusuporta sa programang ito. Ang inyong dedikasyon at pakikiisa ang nagbibigay-lakas upang maipagpatuloy ang serbisyong may malasakit para sa ating mga kabataan.

Sama-sama nating itaguyod ang tamang nutrisyon para sa masigla at malusog na henerasyon! 🌱✨




Matagumpay na naisagawa ng Calaca City Early Childhood Care and Development Program ang Parent Orientation sa lahat ng 4...
02/07/2026

Matagumpay na naisagawa ng Calaca City Early Childhood Care and Development Program ang Parent Orientation sa lahat ng 41 Child Development Centers (CDCs) sa lungsod noong Hunyo 8–12, 2026.

Layunin ng gawaing ito na maipabatid sa mga magulang ang mga programa, alituntunin, at mga gawaing isasagawa para sa School Year 2026–2027, gayundin ang mahalagang papel ng pamilya sa paghubog at pag-unlad ng ating mga batang mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga sa inyong aktibong pakikilahok at patuloy na suporta sa edukasyon at kapakanan ng ating mga Batang Calacazen. Sa sama-samang pagtutulungan ng tahanan at paaralan, masisiguro natin ang isang ligtas, masaya, at makabuluhang pagkatuto para sa bawat bata.

"Ang matagumpay na pagkatuto ng bata ay nagsisimula sa matibay na ugnayan ng tahanan at paaralan." πŸ’šπŸ’™






Isang karangalan para sa aming tanggapan na tanggapin ang mga kinatawan mula sa Our Lady of Fatima University para sa ka...
01/07/2026

Isang karangalan para sa aming tanggapan na tanggapin ang mga kinatawan mula sa Our Lady of Fatima University para sa kanilang courtesy visit kaugnay ng Volunteer/Internship Program na isasagawa sa Dacanlao Quest CDC.

Ang pakikipagtulungang ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng akademya at ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ang mga mag-aaral ng makabuluhang karanasan sa larangan ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at serbisyong pangkomunidad.

Umaasa kami sa isang matagumpay na partnership na magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang lider at magiging daan sa higit pang kalidad na serbisyo para sa mga batang Calacazen.

Maraming salamat at maligayang pagdating sa inyong lahat! πŸ’šπŸ’™






Matagumpay na naisagawa ang ikatlong pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City bilang bahagi ng patuloy...
01/07/2026

Matagumpay na naisagawa ang ikatlong pamamahagi ng Supplementary Feeding Program sa Calaca City bilang bahagi ng patuloy na pagtutok sa kalusugan at wastong nutrisyon ng ating mga batang mag-aaral.

Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog, masigla, at maunlad na kinabukasan para sa bawat batang Calacazen! 🌱✨
June 27, 2026





Patuloy ang ating pagkakaisa at malasakit para sa kalusugan at tamang nutrisyon ng ating mga batang Calacazen sa matagum...
01/07/2026

Patuloy ang ating pagkakaisa at malasakit para sa kalusugan at tamang nutrisyon ng ating mga batang Calacazen sa matagumpay na pagsasagawa ng ikalawang pamamahagi ng Supplementary Feeding Program.

Sa bawat masustansyang pagkain na naihahain, mas lalo nating pinatatatag ang pundasyon ng kanilang malusog na pangangatawan at masiglang pagkatuto.

Sama-sama nating alagaan ang kalusugan ng bawat bata para sa mas maliwanag na kinabukasan! 🌟





Address

Poblacion 4
Calaca
4212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ECCD Calaca City - Nasa Tama ang Gawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category