DepEd Dila ES -SDO Calaca City

Directions Contact the school

DepEd Dila ES -SDO Calaca City Public Elementary School

🌿✨ GET READY TO LEAD, EXPLORE, AND MAKE MEMORIES! ✨🌿Hey, Girl Scouts! πŸ‘§πŸ»πŸ’š Are you ready for an unforgettable adventure? ...
19/09/2026

🌿✨ GET READY TO LEAD, EXPLORE, AND MAKE MEMORIES! ✨🌿

Hey, Girl Scouts! πŸ‘§πŸ»πŸ’š Are you ready for an unforgettable adventure? πŸ•οΈβ›Ί

Join us at the PROVINCIAL ESCODA CAMP 2026 happening on September 26–27, 2026 at Dila Elementary School, Dila, Calaca City, Batangas! 🌟

This year, we gather under the inspiring theme:

πŸ’š β€œLeading On: Girl Scouts Carrying Our Legacy, Leading the Future” πŸ’š

Come and experience friendship, adventure, teamwork, leadership, learning, and fun as we celebrate the spirit of Girl Scouting! 🌱🀝

✨ LEARN. LEAD. SERVE. INSPIRE. ✨
Be part of an experience where every Girl Scout can discover her potential, build confidence, create lasting friendships, and carry the values of Girl Scouting into the future.

πŸŽ’ Pack your courage.
πŸ•οΈ Bring your adventurous spirit.
πŸ’š Wear your Scout pride.
🌟 And get ready to LEAD ON!

πŸ“… September 26–27, 2026
πŸ“ Dila Elementary School, Dila, Calaca City, Batangas

Girl Scouts, your journey starts here. Your legacy continues. Your future is waiting. πŸŒŸπŸ’š






πŸ₯‰πŸ€ TAGUMPAY NG DILA ES WARRIORS! IPINAGMAMALAKI KAYO NG DILA ELEMENTARY SCHOOL!Isang mainit at taos-pusong pagbati ang i...
11/09/2026

πŸ₯‰πŸ€ TAGUMPAY NG DILA ES WARRIORS! IPINAGMAMALAKI KAYO NG DILA ELEMENTARY SCHOOL!

Isang mainit at taos-pusong pagbati ang ipinaabot ng buong pamunuan ng Dila Elementary School para sa ating mga magigiting na atletang nagwagi bilang Silver Medalist (2nd Place) sa katatapos lang na 3x3 Basketball Championship (DAAM - Calaca City Division)!

Ang matamis na tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang gabay, sakripisyo, at estratehiya ng ating mga mahuhusay na tagapagsanay at katuwang sa koponan:

Coach: Ma'am Maryjane B. Casanova
Asst. Coach: Ma'am Diana Criszel C. Mahilum
Katuwang na Gabay: Patrick SeΓ±a at Dave Jefferson Cabral

Isang malaking pasasalamat din ang aming ipinaabot sa ating mga mahal na magulang sa kanilang walang sawang pagsuporta, pagtitiwala, at pag-aalaga sa ating mga batang atleta mula sa simula hanggang sa huling segundo ng laban. Ang inyong presensya at pagmamahal ang tunay na lakas ng koponan! ❀️

Ang inyong ipinamalas na dedikasyon, disiplina, at determinasyon sa bawat laro ay nagdala ng malaking karangalan sa ating paaralan. Pinatunayan ninyo na sa pamamagitan ng pagkakaisa, maayos na gabay, at pusong palaban, walang hindi kayang maabot!

Patuloy na magsumikap at abutin ang mas matatayog pang pangarap. Saludo kami sa inyo, Dila ES Warriors, mga Coaches, at mga Magulang! πŸ₯‰πŸ”₯






"Ang husay ng isang g**o ay hindi nasusukat sa tagal ng pagtuturo, kundi sa walang humpay na paghahanap ng bagong karunu...
11/09/2026

"Ang husay ng isang g**o ay hindi nasusukat sa tagal ng pagtuturo, kundi sa walang humpay na paghahanap ng bagong karunungan para sa kapakanan ng kanyang mga mag-aaral."

Nakibahagi ang mga dedikadong g**o ng Dila Elementary School sa idinaos na School-Based In-Service Training (INSET).
Layunin ng pagsasanay na ito na mas mapalawak pa ang kasanayan ng ating mga kaguruan sa pagbuo ng mga makabagong estratehiya sa pagtuturo, lalo na sa paglinang ng Higher Order Thinking Skills (HOTS) ng mga mag-aaral.Naging mas makabuluhan ang bawat sesyon sa gabay at pagbabahagi ng ating mga mahuhusay na tagapagsalita:

❀️ Ma'am Glenda D. Cabral – Principal I
❀️ Ma'am Eunice D. SeΓ±a – Teacher III
❀️ Ma'am Catlyn D. Cabral – Teacher III
❀️ Ma'am Joanlyn V. Bitang – Teacher III

Sa pamamagitan ng patuloy na propesyonal na pag-unlad, sinisig**o ng Dila ES na ang bawat silid-aralan ay magiging handa, ligtas, at puno ng makabuluhang diskurso para sa tagumpay ng bawat batang Calacazen!



Every Writer is a Winner: Pagbati sa Lahat ng DSPC Participants at Winners!Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa l...
09/09/2026

Every Writer is a Winner: Pagbati sa Lahat ng DSPC Participants at Winners!

Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng ating mga mag-aaral na lumahok sa Division Schools Press Conference (DSPC). Ipinagmamalaki namin ang inyong sipag, dedikasyon, at lakas ng loob na ipakita ang inyong talento sa larangan ng pamamahayag.

πŸŽ‰ Congratulations sa ating mga Top 5 Winners!
πŸ… Dennise Dimailig – Top 5, Column Writing
πŸ“ Coach: Mam Diana Criszel C. Mahilum

πŸ… Christoph Clarence Lugmao – Top 5, Feature Writing
πŸ“ Coach: Mam Eunice Cristia SeΓ±a

Journalism Coordinator: Cristy Mendoza

Isang malaking palakpakan din para sa ating mga kalahok na buong pusong kumatawan sa ating paaralan:
✨ Samantha Gabriel Dimailig
✨ Janine Cornejo
✨ Ysabella Alvarez
✨ Krystel Carolino
✨ Jhade Aldrich Vergara
✨ Vincent Delos Santos

Ang inyong paglahok ay isa nang malaking tagumpay. Maraming salamat sa inyong pagsisikap, sa suporta ng inyong mga coach, mga magulang, at sa patuloy na paggabay ng ating School Head, Mam Glenda D. Cabral.

Patuloy nating pagyamanin ang husay sa pagsusulat at pamamahayag.

πŸŒˆπŸŽ‰ KID/KABSAYAHAN 2026 | City of CalacaπŸŽ‰πŸŒˆIsang araw na puno ng saya, pagkatuto, at masasayang alaala para sa ating mga m...
06/09/2026

πŸŒˆπŸŽ‰ KID/KABSAYAHAN 2026 | City of CalacaπŸŽ‰πŸŒˆ

Isang araw na puno ng saya, pagkatuto, at masasayang alaala para sa ating mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa ginanap na **KID/KABSAYAHAN 2026** ng City of Calaca!

Lubos ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng programa sa pangunguna nina KAB Coordinator Ma'am Catlyn Cabral, KID Coordinator Ma'am Diana Criszel C. Mahilum, at sa walang sawang suporta at gabay ng aming School Head, Ma'am Glenda D. Cabral.

Maraming salamat din sa lahat ng mga g**ong nakiisa, sa mga magulang na nagbigay ng buong suporta, at higit sa lahat sa ating masisipag at masisiglang mga mag-aaral na aktibong lumahok sa iba't ibang gawain tulad ng Flag Making, Dance Games, First Aid Demonstration, at Knot Tying. Ang inyong sigla at mga ngiti ang naging tunay na sukatan ng tagumpay ng programang ito.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang mga natutunan at masasayang karanasang ito upang lalo pang mapaunlad ang kakayahan, disiplina, at pagtutulungan ng ating mga kabataan.

Congratulations sa lahat ng nakiisa! Hanggang sa susunod na KID/KABSAYAHAN!πŸ’™πŸ’›β€οΈ

Part II School Intramurals 2026
06/09/2026

Part II
School Intramurals 2026

Part ISa pagtatapos ng Dila Elementary School Intramurals 2026, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging ba...
06/09/2026

Part I

Sa pagtatapos ng Dila Elementary School Intramurals 2026, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng pagkakaisa, talento, at sportsmanship.

Maraming salamat sa aming School Head, Mam Glenda Cabral , sa kanyang walang sawang suporta, gabay, at inspirasyon upang maisakatuparan ang programang ito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng mga g**o, mga magulang, mga mag-aaral, at sa aming mga hurado (judges) na naglaan ng kanilang oras, sipag, at dedikasyon upang maging maayos at makabuluhan ang bawat bahagi ng programa.

Mula sa makulay at masiglang Yell Presentation, sa kagandahan at kumpiyansa ng mga kalahok sa Mr. and Ms. Intramurals 2026, hanggang sa kapanapanabik na Sports Competitions, tunay na ipinakita ng bawat isa ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, respeto, at patas na paglalaro.

πŸŽ‰ Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagwagi at sa bawat kalahok! Ang inyong determinasyon, talento, at magandang asal ang tunay na sukatan ng tagumpay. Tandaan, sa bawat laban, hindi lamang medalya ang mahalaga kundi ang mga aral, pagkakaibigan, at alaalang ating nabuo.

Mabuhay ang Dila Elementary School! Hanggang sa susunod na Intramuralsβ€”patuloy nating isabuhay ang diwa ng sportsmanship, excellence, at pagkakaisa. πŸ’™πŸ’›πŸ†

Isang taos-pusong pagbati kay Lhanz V. Lugmao sa pagkamit ng TOP 10 Outstanding KAB SCOUT sa Search for That’s My KAB 20...
05/09/2026

Isang taos-pusong pagbati kay Lhanz V. Lugmao sa pagkamit ng TOP 10 Outstanding KAB SCOUT sa Search for That’s My KAB 2026 na ginanap sa SDO Calaca City ngayong Setyembre 5, 2026! πŸŽ‰βšœοΈ

Maraming salamat sa kanyang mga magulang Babylinda Lugmao at Christopher Lugmao sa walang sawang suporta, kay Alwina Santillan, sa masigasig na pagsasanay at paggabay, kay Mrs. Glenda Cabral , Principal I, kay Mrs. Catlyn C Cabral, Coach, at kay Mrs. Diana Diana Criszel Cristino Mahilum sa kanilang mahalagang suporta at paggabay.

Salamat din sa lahat ng mga magulang at g**o na patuloy na nagbigay ng suporta at paghihikayat. ❀️

Lhanz, ipinagmamalaki ka namin! Ang iyong sipag, tapang, at determinasyon ay tunay na kahanga-hanga. βšœοΈπŸ…

πŸŽ‰ Congratulations, Mrs. Jenny Mendoza Eguia ! πŸŽ‰Buong pamunuan ng Dila Elementary School  ay taos-pusong bumabati sa inyo...
30/08/2026

πŸŽ‰ Congratulations, Mrs. Jenny Mendoza Eguia ! πŸŽ‰

Buong pamunuan ng Dila Elementary School ay taos-pusong bumabati sa inyong pagkakahalal bilang Disciplinary Committee Officer ng Division Federated Parent-Teacher Association of SDO Calaca City.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong tapat na paglilingkod, dedikasyon, at malasakit sa kapakanan ng mga magulang at mga mag-aaral. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang makapagbigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

Lubos naming ipinagmamalaki ang inyong tagumpay. Congratulations at mabuhay po kayo! πŸ’šπŸ’›

– From your DES Familyβ™₯️

πŸŒ±πŸ’š TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG NAGING BAHAGI NG ATING GULAYAN SA PAARALAN!πŸ’šπŸŒ±Ang tagumpay ng ating "Gulayan sa Pa...
28/08/2026

πŸŒ±πŸ’š TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG NAGING BAHAGI NG ATING GULAYAN SA PAARALAN!πŸ’šπŸŒ±

Ang tagumpay ng ating "Gulayan sa Paaralan" ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamalasakit ng bawat isa. Mula sa kaibuturan ng aming puso, "maraming salamat" sa lahat ng naglaan ng oras, lakas, talento, at biyaya upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Isang taos-pusong pasasalamat sa aming masipag na **SPTA President, Mrs. Jenny Zara Mendoza **, na halos araw-araw ay naroon upang manguna, mag-monitor, at tiyaking maayos ang bawat gawain.

Maraming salamat din lalo't higit sa aming mga **PTA Presidents** bawat baitang na siyang nagpupursige araw araw para maisaayos ang Gulayan:

🌿 Kinder – **Jenny Rose Eguia**
🌿 Grade 1 Love – ** Miguela Mendoza Vinuya **
🌿 Grade 1 Faith – ** Bennett Alcazar **
🌿 Grade 2 – ** Michelle Vergara **
🌿 Grade 3 – ** Richelle Ann Dimailig Santonia **
🌿 Grade 4 – ** Jocelyn Andal **
🌿 Grade 5 – ** Warren Pilac **
🌿 Grade 6 – **Jenny Rose Eguia**

Kasama ang kanilang mga **PTA Officers, mga magulang, at mga volunteers** na hindi lamang nagbigay ng kanilang oras at pagod, kundi maging ng **pinansyal na tulong at iba't ibang donasyon** para sa ikauunlad ng ating paaralan.

Lubos din naming kinikilala ang mga g**o ng Dila Elementary School Diana Criszel Cristino Mahilum , Joanlyn Villalobos Bitang Maria Lourdes Malapitan-Pastoral Catlyn C Cabral Cristy Benedicto Mendoza Relyka Gabiola Bitang Maryjane B Casanova Eunice SeΓ±a at Patrick SeΓ±a sa kanilang walang sawang gabay, koordinasyon, suporta, at aktibong pakikiisa upang maging maayos at matagumpay ang bawat gawain. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa paaralan at sa ating mga mag-aaral ay tunay na kahanga-hanga.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming mga naging gabay at tagasuporta:
✨ **EPS-MAPEH Sir Arenas sa kanyang paggabay, pagmomonitor, at mahahalagang rekomendasyon.
✨ **Principal I, Mrs. Glenda Cabral** sa kanyang mahusay na pamumuno, walang sawang suporta, at inspirasyong nagbigay-lakas sa buong komunidad ng Dila Elementary School.

Ang ating **Gulayan sa Paaralan** ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng gulayβ€”ito ay pagtatanim ng **pagkakaisa, bayanihan, responsibilidad, at pagmamahal sa kalikasan**.

Sa bawat kamay na tumulong, sa bawat pusong nagmalasakit, at sa bawat sakripisyong inyong ibinahagi, **maraming, maraming salamat po!**

**Patuloy nating alagaan at pagyamanin ang ating paaralan sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa.** πŸ’šπŸŒ±



Address

Dila
Calaca
4212

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Dila ES -SDO Calaca City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Dila ES -SDO Calaca City:

Shortcuts

Share