24/08/2026
𝚆𝙸𝙺𝙰, 𝚃𝙰𝙻𝙸𝙽𝙾, 𝚃𝙴𝙺𝙽𝙾𝙻𝙾𝙷𝙸𝚈𝙰, 𝙰𝚃 𝙿𝙰𝙶𝙺𝙰𝙺𝙰𝙺𝙸𝙻𝙰𝙽𝙻𝙰𝙽: 𝙸𝚂𝙰𝙽𝙶 𝙼𝙰𝙺𝙰𝙱𝚄𝙻𝚄𝙷𝙰𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙶𝙳𝙸𝚁𝙸𝚆𝙰𝙽𝙶 𝙽𝙶 𝙱𝚄𝚆𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝚆𝙸𝙺𝙰 2026
Noong Agosto 20, 2026, naging makulay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Nuestra Señora de Peñafrancia Institute, Inc., na may temang:“𝓦𝓲𝓴𝓪𝓷𝓰 𝓕𝓲𝓵𝓲𝓹𝓲𝓷𝓸 𝓪𝓽 𝓐𝓘: 𝓚𝓪𝓼𝓪𝓷𝓰𝓴𝓪𝓹𝓪𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓷𝓪𝓷𝓪𝓵𝓲𝓴𝓼𝓲𝓴 𝓪𝓽 𝓣𝓾𝓵𝓪𝔂 𝓼𝓪 𝓨𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓷𝓰 𝓘𝓶𝓹𝓸𝓻𝓶𝓪𝓼𝔂𝓸𝓷.”
Sinimulan ang pagdiriwang sa Pambansang Awit at Panalangin, na sinundan ng mga makabuluhang mensahe mula kay 𝙂. 𝙎𝙖𝙡𝙫𝙖𝙙𝙤𝙧 𝙁. 𝙏𝙖𝙗𝙞𝙣𝙖𝙨, punongguro, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon, wika, at makabagong kaalaman sa paghubog sa mga mag-aaral bilang responsableng mamamayan.
Ipinakita naman ng mga mag-aaral ang kanilang talino, husay sa pagpapahayag, kakayahang mangatwiran, at pakikipagtulungan sa pamamagitan ng mga paligsahang 𝙏𝙖𝙜𝙞𝙨𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙡𝙞𝙣𝙤, 𝙎𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙞𝙜𝙠𝙖𝙨, 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙡𝙞𝙜𝙨𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙥𝙖𝙜𝙩𝙖𝙡𝙖𝙨𝙩𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙈𝙪𝙩𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙣.
Sa mga aktibidad na ito, napatunayan na ang wika ay hindi lamang ginagamit upang makapagsalita. Ito ay ginagamit upang mag-isip, magsuri, mangatwiran, magbahagi ng kaalaman, at makinig sa pananaw ng iba.
Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang sa hapon, naging mas masigla at makulay ang programa sa pamamagitan ng 𝓜𝓾𝓽𝔂𝓪 𝓪𝓽 𝓛𝓪𝓴𝓪𝓷 kung saan kumpiyansang inilakad ng mga kalahok ang kanilang Filipiniana at Barong. Dagdag pa rito ay ang nakakaantig sa pusong Pagtanghal sa Pag-awit at mga nakatutuwang pampasiglang bilang mula sa mga mag-aaral.
Sa bawat paglakad, pag-awit, pagsayaw, at pagsagot ng mga kalahok, hindi lamang talento ang kanilang ipinamalas. Ipinakita rin nila ang tiwala sa sarili, disiplina, tapang, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Isang malaking karangalan din ang pagdalo ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐀𝐫𝐬𝐞𝐧𝐢𝐚 𝐄. 𝐂𝐡𝐚𝐯𝐞𝐳, Dalubguro I sa Filipino mula sa Pambansang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Calabanga, na nagbahagi ng isang makabuluhan at inspirasyonal na mensaheng nagbigay kaalaman sa mga estudyante.
Naging mahalagang bahagi rin ng programa sina 𝐁𝐛. 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐄𝐫𝐢𝐤𝐚 𝐂. 𝐕𝐚𝐥𝐥𝐞𝐬𝐟𝐢𝐧, 𝐆. 𝐑𝐲𝐚𝐧 𝐄. 𝐆𝐢𝐝𝐨𝐜, 𝐚𝐭 𝐆. 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐰 𝐍. 𝐌𝐨𝐥𝐢𝐧𝐚, bilang mga huradong naging patas at maingat sa pagsusuri sa mga kalahok.
Sa huli, isinagawa ang pagbibigay ng mga parangal sa mga nagsipagwagi. Ang sertipiko at pagkilala ay hindi lamang simbolo ng pagkapanalo kundi ang pagkilala sa oras, pagsisikap, tapang, talento, at dedikasyon ng bawat mag-aaral, mga kawani ng paaralan, mga magulang, at sa lahat na nagsilbing tulong, suporta, at inspirasyon sa matagumpay na pagdiriwang na ito.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang simpleng programa o serye ng mga paligsahan. Ito ay isang makabuluhang paggunita sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa, habang kinikilala rin ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence (AI) bilang bahagi ng makabagong panahon.