13/08/2026
Angeline B. Gava, a proud alumna, received a special bravery award for her dedication and courage in her job. Her strong spirit and hard work show the true values of our school. We are so proud of you!
SECURITY OFFICER, PINARANGALAN NG ATENEO DE NAGA DAHIL SA MATAPANG NA PAGLILIGTAS SA ESTUDYANTE
NAGA CITY โ Pinarangalan ng Ateneo de Naga University Junior High School ang security officer na si Angeline Bolaรฑos Gava ng 3deKalibre Security Services Inc. dahil sa kanyang katapangan at pagiging handang isakripisyo ang sarili upang mailigtas ang isang estudyante.
Sa isinagawang Monday Assembly, ginawaran si Gava ng Commendation for Outstanding Courage and Selfless Service matapos ang kanyang ipinakitang katapangan noong Hulyo 24, 2026, sa pedestrian crossing sa Bonan Campus Main Gate.
Habang naka-duty, nakita ni Gava ang isang paparating na sasakyan na nagdulot ng agarang panganib sa isang estudyante. Agad siyang pumuwesto sa pagitan ng sasakyan at ng estudyante upang maprotektahan ito mula sa posibleng malubhang aksidente.
Dahil sa kanyang mabilis na pagtugon at walang pag-iimbot na pagkilos, naiwasan ang maaaring maging mas seryosong insidente.
Kinilala ng Ateneo de Naga University Junior High School ang kanyang ginawa bilang isang halimbawa ng tunay na katapangan, malasakit at dedikasyon sa kaligtasan ng mga estudyante.
Sa kanyang ipinakitang tapang, ipinakita ni Gava na ang pagiging security officer ay hindi lamang tungkol sa pagbabantay, kundi maging sa pagiging handang kumilos at tumulong sa oras ng panganib.
Courtesy: Ateneo de Naga University