Escuela de la Salud

Escuela de la Salud "Kun sain hali an mga aking matali asin maray an ugali"

Through our feeding program, we aim to uphold our advocacy:
1. No to plastic waste
2.
(1)

Healthy and happy kids OFFERS NURSERY, KINDER, GRADES 1 - 6, JUNIOR HIGHSCHOOL (GRADES 7 - 10)

We are in need of a JHS Science Teacher and Learning Support Teacher, preferably a licensed teacher and a resident of Ca...
24/08/2026

We are in need of a JHS Science Teacher and Learning Support Teacher, preferably a licensed teacher and a resident of Calabanga or neighboring towns.

Applicants must be willing and available to take a written exam and do a teaching demo. Please send your resume to [email protected].

Walk-in applicants are also accepted. We are also accepting walk-ins from those who are willing to take the exam for the application.

A Historic Strut: Escuela De La Salud’s Majorettes and DXC Illuminate the Civic ParadeBy Princess Mary SarmientoExciteme...
20/08/2026

A Historic Strut: Escuela De La Salud’s Majorettes and DXC Illuminate the Civic Parade
By Princess Mary Sarmiento

Excitement and joy electrified the atmosphere as Escuela De La Salud marched into the history books. For the second time, the school’s newly formed Majorette and DXC (Drum and Xylophone Corps) units joined the annual civic parade. Their second year brought a burst of color, high energy, and unbridled happiness to students, teachers, and spectators alike, turning a routine community event into an unforgettable milestone.

Dressed in vibrant, pristine uniforms and marching with absolute confidence, the members of the majorettes and DXC showcased a brilliant display of talent, teamwork, and discipline. Every synchronized movement, precise beat, and graceful spin captured the crowd’s attention, drawing cheers and applause along the entire parade route.

Behind this flawless debut were weeks of gruelling practice, unwavering dedication, and sheer perseverance. The journey to the streets wasn't without its hurdles; the squad faced numerous challenges during preparation, from perfecting complex routines to enduring exhausting rehearsals. Yet, the students remained fiercely determined to give their best and represent the school with pride. That hard work paid off spectacularly as they delivered a show-stopping performance, marking a proud new milestone in Escuela De La Salud's history. More than just a musical performance, their presence reflected the deep unity and cooperative spirit of the entire school community.

As the parade drew to a close, the beaming smiles on the participants' faces mirrored the immense success of the day. The maiden voyage of the Escuela De La Salud Majorettes and DXC will undoubtedly remain a treasured memory and a beacon of school pride for years to come.

Where Saludians Rise and ThriveWritten by Mary Joy S. AguilarMore than just a badge on our uniform, our school logo is l...
20/08/2026

Where Saludians Rise and Thrive
Written by Mary Joy S. Aguilar

More than just a badge on our uniform, our school logo is living evidence. It illustrates how we are being nurtured to grow into people of deep roots, working hard to achieve all that is possible for us.

The school logo can be found as you enter the main entrance of Escuela de la Salud and at first glance it leaves you feeling curious about the use of a tree as a logo and what that tree represents to everyone in school. Upon taking a second look however, you will see that the tree is not just an arbitrary design; it represents all that we are, what we represent, and what we aspire to be.

If you have any doubt that the logo represents who we are, just look at the school’s magnificent old mango tree. Every week, we come together as a school to salute our flag and sing the national anthem under that tree's protective canopy. Hundreds of students and parents from generations of Saludians have attended our flag ceremonies in the shadow of that tree for 37 years. The mango tree has endured the aftermath of storms, served as a place for tired kids to find shelter from the heat of the day, and has witnessed generations of students who have come together as one community working toward a common goal. We are Saludians, and we are not just a school; we are a living breathing forest of hope, ready to heal the world.

We are in need of a JHS Science Teacher, preferably a licensed teacher, a resident of Calabanga, or neighboring towns.Th...
20/08/2026

We are in need of a JHS Science Teacher, preferably a licensed teacher, a resident of Calabanga, or neighboring towns.
The applicant must be willing and available to take a written exam and do a teaching demo. Please send your resume to [email protected]. Written exam is scheduled this coming Monday, August 24, 2026 at 1PM in Escuela de la Salud.

Walk-in applicants are also accepted.

Natatanging Laro sa Aming PaaralanIsinulat ni Aprel Ann H. Mariscal Batid niyo ba ang programa sa aming paaralan? Mga yu...
19/08/2026

Natatanging Laro sa Aming Paaralan
Isinulat ni Aprel Ann H. Mariscal

Batid niyo ba ang programa sa aming paaralan? Mga yugto na pinagsikapan ng aming administrador at mga g**o, simula pagplano, at kung paano magtatagumpay ang isang adhikain. Maraming kaganapan ang may magandang resulta, isa na rito ang isports na nais kong ipakilala sa inyo at gusto kong kilalanin ninyo ang laro na ito. Naging paboritong kuwento namin ito na hindi nakakasawang balik-balikan.

Kauna-unahang ensayo namin ay wala pa kami sa kondisyon para sa larong tatahakin. Masuwerte kami at may matiyagang tagapagsanay kami at palaging naglalagay ng ngiti sa aming mga mukha. Mahirap noong una, marahil ay hindi pa kami sanay at unang pagkakataon namin iyon. Hindi nagtagal ay sumabak kami sa isang torneo na hindi namin inaasahan. Doon na nagsimula ang memorya na kailanman ay walang kapantay. Mga laban na nag iwan sa amin ng aral, karanasan, at mga kagalakan sa bawa't pagsasama manalo man o matalo. Mahalagang memorya ito para sa akin. Sa paraang iyon ay nadiskubre namin ang aming mga kakayahan at kahinaan sa larangan ng larong ito. Lubos kaming nahumaling sapagkat ito na ang naging kanlungan namin kahit kami ay napapagod.

Hindi lang kami nakakakuha ng kaalaman sa silid-aralan ngunit sa pamamagitan ng pakikipagtagisan ng lakas natuto kami ng diskarte, malalim na pag-iisip, at pagharap sa mga pangamba. Tinulungan kami nitong maging disiplinado at tumanggap ng pagkatalo. Ikinagagalak namin na pinursige kaming matuto nito, dahil maraming katuturan ang nailantad sa aming isipan na siya rin nagpalusog sa aming katawan. Maraming mensahe ang naiwan sa aming mga puso; kasiyahan, kalungkutan, pagkabigo, pag-iisip ng maigi, at kaalaman sa pisikal na laro. Nakakabuti ito sa kalusugan ng mga estudyante, kaya't maraming benepisyo rin ang nakuha ng aming katawan. Mainam na nilakbay namin ang bawat daan ng larong ito. Nalinang namin ang kahalagahan ng patuloy na pagsubok palagi, kahit matalo. Bagkus, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasiguraduhan ng tagumpay.

Ang Paaralang Aking Naging Kaagapay sa Hamon ng BuhayIsinulat ni: Xian Joseph NarvadezHindi madali ang buhay. May mga pa...
19/08/2026

Ang Paaralang Aking Naging Kaagapay sa Hamon ng Buhay
Isinulat ni: Xian Joseph Narvadez

Hindi madali ang buhay. May mga pagdadaanan tayong hindi natin kayang kontrolin. May mga mararamdaman tayong ayaw man nating damahin pero kailangan. Iyan ang mga naranasan ko sa aking buhay sa loob ng labing anim na taon. Masasabi kong isang pagsagwan sa maalon na karagatan ang buhay. Ayos lang. Ang mahalaga, habang tumatagal ay natututo tayo kung paano sumagwan sa tamang direksyon.

Na-diagnose ako ng Mild Autism sa edad na lima. Hindi ko ginusto pero wala akong magagawa. Hindi ko naman puwedeng sisihin ang aking mga magulang dahil pinaramdam nila sa akin na hindi ako kulang. Lumaki ako na puno ng pagmamahal sa tahanan na ipinagisnan sa akin ng aking mga magulang. Labing apat na taong ako lamang ang sentro ng kanilang buhay. Salamat na lamang ngayon at pinagkalooban pa kami ng isang biyaya. Nagkaroon ako ng kapatid na bunso. Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil ipinaranas nila sa akin ang maging "kuya".

Noong ako ay nasa elementarya pa, palagi kong nakikita si mama na umiiyak. Naririnig ko sa usapan nila ng aking papa na hindi na daw ako tatanggapin sa school dahil sa kondisyon ko. Hindi naman ako malikot sa klase, hindi lamang talaga akma ang aking pakikipagsalamuha sa kapwa ko estudyante. Umiiyak din si mama kapag nabubully ako sa school. Pero imbes na maapektuhan ako, inisip ko na lang na mahina si mama, kaya dapat matatag ako. Tulad ng sinabi ko, ang buhay ay parang pagsagwan sa maalong dagat. At ang yugto ng aking buhay elementarya ay masasabi kong napakalalaki ng mga alon.

Ngunit tulad nga ng sinabi ko, kailangan nating matutong sumagwan sa tamang direksyon. At ang yugtong ito ng aking buhay ay naganap noong tumuntong ako ng high school. Isang biyaya sa akin ang Escuela Dela Salud. Tinanggap nila ako ng buong puso. Nagpapasalamat ako dahil mula noong pumasok ako sa paaralang ito hindi ko na nakikitang umiiyak si mama sa kadahilanang hindi ako tinanggap sa school o kaya naman ay nabully ako. Mahal ako ng mga tao sa Escuela dela Salud-mula kay Gng. Jocelyn Cervas na itinuring na akong totoong anak hanggang sa mga g**o namin na ekstraordinaryo kung magmahal. Natagpuan ko nang tunay ang ikalawa kong pamilya sa paaralang ito. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagbusog sa akin ng pagmamahal sa paaralang ito kahit na nga minsan ay tinotopak pa rin ako dahil sa kondisyon ko. Ni minsan hindi ko naramdaman na iba ako. Sa mga kaklase ko na itinuring na akong kapatid, na hindi pinaramdam sa akin na may kulang sa akin. Hinding hindi ko sila makakalimutan.

Alam kong hindi normal. Minsan mahirap. Madalas mabigat sa dibdib. Pero nilalakasan ko na lamang ang loob ko, dahil darating ang araw na sarili ko na lang ang magiging kakampi ko. Pinaghahandaan ko ang araw na iyon. Sabi nga ni mama, hindi sa lahat ng oras naririyan sila para sa akin, kaya mabilis man palagi ang kabog ng dibdib ko tuwing susubukan ko ang mga bagay na hindi ko madalas ginagawa, sinusubukan ko pa rin itong gawin. Ito ay hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa bagong inspirasyon ng buhay ko – ang aking bunsong kapatid. Naging mahirap man ang buhay, masaya pa rin. Hindi naman permanente ang lahat. Baka bukas magaan na. Baka bukas tumigil na ang kabog. Baka bukas hindi na mahirap.

Larangan ng FootballIsinulat ni Apollo Marson G. OlletaSa Escuela de la Salud, may ibat-iba kaming kinahihiligan na siya...
18/08/2026

Larangan ng Football
Isinulat ni Apollo Marson G. Olleta

Sa Escuela de la Salud, may ibat-iba kaming kinahihiligan na siyang humubog sa kaniya-kaniyang naming talento at disiplina sa sarili. Isa na ang isports na Football na siyang naging dahilan upang kami ay matutong magkaisa at magtiwala sa aming mga sarili. Matapos naming makipagtagisan ng talino sa loob ng silid, kami ay pumupunta sa field upang mag ensayo at makipag-buno ng lakas.

Alikabok at init ang sa amin ay sasalubong ngunit hindi alintana ang lahat ng ito sapagkat
mahal namin ang aming ginagawa. Laking tuwa ang aming naramdaman nang ipakilala ng Escuela de la Salud ang larong ito sa amin, kung saan nahubog ang aming talento at disiplina sa aming mga sarili na habang buhay naming magagamit saan man kami dalhin ng aming mga paa, dala ang aming mga pangarap at determinasyon sa buhay.

Kumuha ang aming administrador ng mag-eensayo saamin upang lalo kaming masanay sa larong ito. Sa bawat takbo namin at pag sipa sa bola, alam namin na namalalampasan namin ang bawat bugso nito. Tiwala at kumpiyansa sa sarili ang tanging baon. Dahil sa administrador ng aming paaralan ay nakasali kami sa tornamento na dala-dala ang pangalan ng aming paaralan. Sa simpleng larong ito, natutuhan namin ang pagbigay ng respeto at pagkakaroon ng disiplina sa aming sarili.

Sinanay kami na maging disiplinado at huwag maging matigas ang ulo upang hindi mawala sa laro. Alam namin sa aming sarili na wala kaming mamahaling gamit. Ang aming pawis at dedikasyon ang aming tanging naging sandata upang lumaban nang patas at may lakas ng loob. Lumaban kami para sa aming paaralan. Natalo man kami pero nanalo kami sa karanasan. Ang mga alaala at aral na natutuhan namin sa loob at labas ng aming paaralan ay habang buhay naming dadalhin.

Photo Courtesy of Escuela de la Salud

Escuela de la Salud: Higit pa sa Isang PaaralanIsinulat ni Ezcekiel LegartoDito sa aming paaralan matatagpuan ang tunay ...
17/08/2026

Escuela de la Salud: Higit pa sa Isang Paaralan
Isinulat ni Ezcekiel Legarto

Dito sa aming paaralan matatagpuan ang tunay na saya dahil sa mga gawain na aming nilalahukan. Dito nahubog ang aming kakayanan sa mga bagay-bagay, dito rin namin natuklasan ang aming mga talento.

Sa loob ng silid-aralan, nabubuo ang samahan at nahahasa ang kakayahan ng bawat isa. Sa paaralan na ito natutunan kong maging magalang at higit sa lahat ay ang maging ma-respeto sa kapwa kamag aral. Dito ko rin naranasan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa, at dahil sa paaralan na ito, lumakas ang aking loob na gawin at pagbutihin ang aking kakayahan para maibahagi ko ito sa ibang mag-aaral.

Sa kabuuan, ang aming paaralan ay hindi lamang lugar ng pag-aaral, kundi isang tahanan ng mga pangarap, kaalaman, at magagandang alaala. Dito hinuhubog ang aming pagkatao, pinauunlad ang aming kakayahan, at inihahanda kami para sa mas maliwanag na kinabukasan. Tunay na maipagmamalaki ang kagandahan ng aming paaralan, sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at inspirasyon sa bawat mag-aaral na nagnanais magtagumpay sa buhay.

Photo Courtesy of Escuela de la Salud

17/08/2026

Listening to this bunch of kids play their instruments collectively somewhat made my heart flutter as I officially reached my 11 years with the school.
Our resuscitation of our DXC also represents how we struggled to what we have become this far.

Inang La Porteria visited Escuela dela Salud today.“Ina, ipamibi mo po kami.”
17/08/2026

Inang La Porteria visited Escuela dela Salud today.
“Ina, ipamibi mo po kami.”

Address

Zone 2, Sta. Salud, Camarines Sur
Calabanga
4405

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Telephone

+63548711158

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Escuela de la Salud posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Escuela de la Salud:

Shortcuts

Share

Category