27/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 sa Mataas na Paaralan ng Lumbang East kanina - Agosto 27, 2025, na may temang: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."Ang selebrasyon ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng wika at kultura sa pagkakaisa ng bansa.
Sa isang makulay na parada, pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang ang pagbubukas ng selebrasyon, na sinundan ng seremonya ng pagtataas ng watawat at isang panalangin.
Sa kanyang pambungad na pananalita, ipinahayag ni Gng. Remedios R. Mayor, Punong G**o, ang kahalagahan ng wika at kultura sa pagkakaisa ng bansa. Bago simulan ang mga aktibidad at patimpalak, ipinakilala ang mga hurado na sina Ginoong Nelson Balili, Ginoong Melvin Robis, at Binibining Lhynn Pastrana Musico.
Dumalo bilang espesyal na panauhin si Rev. Romnick R. Sagun, na nagbigay ng inspirasyon at pagmamahal sa wikang pambansa at kulturang Pilipino na kinagiliwan ng mga mag-aaral dahil sa mga hugot pagmamahal na may kaugnayan sa wika.
Ang mga patimpalak tulad ng harana, spoken poetry, sabayang pagbigkas, katutubong sayaw, at ang paligsahan ng mga Lakan at Lakambini ng bawat baitang ay nagbigay ng kasiyahan at luminang sa bawat kakayahan ng mga mag-aaral.
Pinarangalan ang mga nagwagi sa bawat patimpalak at nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Ginang Jenny Marie F. Fabellon.
Ang pagdiriwang ay nagpakita ng pagkakaisa pagmamahal, dedikasyon at pagkakaisa.
โ๏ธ Maria Sophia Joy Recana