05/08/2026
MALACAÑANG NAGSUSPENDE NG KLASE AT TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO SA RIZAL AT IBA PANG LUGAR NGAYONG AGOSTO 6
Bilang tugon sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Habagat (Southwest Monsoon), naglabas ang Office of the President ng Memorandum Circular No. 122 na nagsususpinde ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, sa National Capital Region (NCR) at ilang lalawigan kabilang ang Rizal, ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026.
Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness at response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko.
Ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakabatay sa pagpapasya ng kani-kanilang mga pamunuan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo at sundin ang mga paalala ng mga kinauukulang ahensya para sa kaligtasan ng bawat isa.
-One Cainta💙