07/08/2026
๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ฝ: ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐ฎ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ
๐๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ณ๐ค ๐๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ข๐ญ๐ญ๐ข๐ณ๐ฏ๐ข
๐๐ณ๐ข๐ฑ๐ช๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฏ๐ช๐ฌ๐ข ๐. ๐๐ฏ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐ฏ
Sa isang laboratoryo, may mga tanong na nasasagot, may mga panibagong tanong din na nabubuo, at pagkakaibigan na mas mabilis pa sa chemical reactions na may halong katalista. May mga bayaning hindi nakikita sa harap ng kamera o sa unahan ng ospital, sapagkat sila ay nakataklob sa lipunanโmga bayaning hindi piniling magtago ngunit nagtatago, at ang dedikasyong ibinibigay nang isang daang porsyento para sa buhay ng bawat tao ay kadalasang hindi napapansin ng karamihan.
Sila ang mga Medtechโmadalas natatakpan ang propesyong ito ng mga mas kilalang disiplina tulad ng mga doktor at nurse. Sapagkat ang kanilang oras ay madalas na ginugugol sa loob ng laboratoryo. Madalas din na hindi nakikita ng karamihan ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa loob ng isang ospital.
May dalawang kahulugan ang pagiging "taklob" ng isang Medical Technologist: Una, ang pagiging taklob dahil sa mas popular na mga disiplina sa medisina; ikalawa, ang mismong taklob ng kanilang puting lab coat na nagsisilbing proteksyon at simbolo ng kanilang mga sakripisyo. Ngunit sa kabila ng taklob na ito, sa kanilang mga kamay nakasalalay ang mga lihim na sagot na nagliligtas ng buhay ng iba.
Sa gitna ng amoy ng reagents, ingay ng centrifuge, at ang walang katapusang pagmamatyag ng maliit na mundong hindi nakikita ng hubad na mata ay isang pangarap ang opisyal na nabigyan ng hugis.
Sa ginanap na 5th Bachelor of Science in Medical Technology Whitecoat, Pinning and Candle Lighting Ceremony ng College of Health Sciences ngayong taong ika-5 ng Agosto sa ICCT Colleges Cainta Main Campus Theater, hindi lang basta binihisan ng puti ang mga bagong mag-aaralโbagkus opisyal na nilang inangkin ang titulong Medical Technology Students, bitbit ang pananagutang buhay ang nakataya.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Hindi lamang ito simpleng tradisyon o seremonya para sa pagkuha ng mga larawan. Ang pagsusuot ng white coat, pagkakabit ng pin, at pagsisindi ng kandila ay ang opisyal na simula ng paghahanda at pagsasanay sa labas ng apat na pader ng silid-aralanโsila ay dumating na sa tamang oras upang maglingkod sa tunay na mundo.
Hindi lamang ito simpleng palabas para maipagmalaki ang pinag-aralanโisa itong takda ng dedikasyon sa walang hanggang pagsusumikap.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang white coat ng isang Medtech ay hindi lamang sumisimbolo sa kalinisan, lebel ng pinag-aralan, o propesyonalismo, kundi rin sa tungkulin, karakter, at responsibilidad bilang isang Medtech.
๐๐๐ ๐๐๐
Isang tatak ng pagkakakilanlan ng isang Medtech. Ang magsisilbing tatak ng integridad at kaalaman sa agham para sa kalusugan.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ang pagsisindi ng ilaw ay nagsisilbing gabay sa bawat madilim na daanโito ang magbibigay ng pag-asa sa patuloy na paglaban sa kabila ng mga pagkabigo at pagkatalo.
Sa pagsuot ng kanilang mga white coat, nakahanda na ang mga mag-aaral na harapin ang mas malalim at mas matinding pag-aaral, pagsasanay at ang nalalapit na hospital internship. Ang pribilehiyong ito ay hindi pa ang katapusan, kundi ang opisyal na simula ng kanilang pagsasanay bilang mga hinaharap na 'Invisible Heroes' ng medisina.
Ang paglalakbay ay hindi palaging nagsisimula sa isang tuwid na daan. May mga parte na baku-baku, lubak, at maputik na susubok sa iyong tibay at pasensya. Ang pagbabago ay hindi nangyayari sa isang pikit-mata lamang: ito ay bunga ng patuloy na pagsusumikap para maabot ang isang pangarap. Isang pangarap na abot-kamay na.
๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ฝ: ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐ฎ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ
Sa isang laboratoryo, may mga tanong na nasasagot, may mga panibagong tanong din na nabubuo, at pagkakaibigan na mas mabilis pa sa chemical reactions na may halong katalista. May mga bayaning hindi nakikita sa harap ng kamera o sa unahan ng ospital, sapagkat sila ay nakataklob sa lipunanโmga bayaning hindi piniling magtago ngunit nagtatago, at ang dedikasyong ibinibigay nang isang daang porsyento para sa buhay ng bawat tao ay kadalasang hindi napapansin ng karamihan.
BASAHIN:
https://icct-newsbytes.vercel.app/article/u3hv8TEtavhOD2sEU5C7