05/06/2020
ANNOUNCEMENT
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2020 - 2021, binubuksan po ng ating paaralan ang ONLINE ENROLLMENT para sa incoming GRADE 7 at TRANSFEREE STUDENTS mula sa iba't-ibang mga paaralan.
Maaari nang makapag-enroll sa pamamagitan ng tatlong pamamaraan:
---------------------------------------------------------------------------
KUNG GAGAMIT NG GOOGLE FORMS:
1. Gamit ang inyong laptop, desktop o smartphone, mag-log in sa inyong Google o Gmail account.
2. I-access po ang URL link na ito:
https://deped.in/FELIXHSEnrollFORM
3. Mag-fill up sa form, ilagay ang mga kinakailangang impormasyon at i-sumite.
---------------------------------------------------------------------------
KUNG GAGAMIT NG CELLULAR O SMARTPHONE:
1. Gamit ang inyong cellular o smartphone, magtext lamang sa mga numerong ito: 0927-887-5338 o sa 0923-537-1788.
2. Ibigay lamang po ang kumpletong pangalan ng bata, tirahan, kasarian, edad at antas (grade level).
3. Hintayin po lamang ang kumpirmasyon mula sa mga numerong nabanggit.
---------------------------------------------------------------------------
KUNG GAGAMIT NG FACEBOOK:
1. Gamit ang inyong laptop, desktop o smartphone, mag-chat po lamang dito sa page ng ating paaralan.
2. Ibigay lamang po ang mga sumusunod na detalye:
- LRN
- Kumpletong pangalan ng bata, maging ang middle name
- Kapanganakan
- Edad
- Kasarian
- Baitang na papasukan
- Kumpletong address
- Pangalan ng magulang/tagapangalaga
- Numerong maaaring tawagan
- Paaralan kung saan huling nag-aral
3. Hintayin po lamang ang kumpirmasyon.
---------------------------------------------------------------------------
MGA PAALAALA:
1. Ihanda po lamang ang BIRTH CERTIFICATE at CARD (SF 9) sa paaralan na siyang magkukumpirma ng enrollment ng inyong anak.
2. Sa mga dati nang mag-aaral sa ating paaralan, kayo ay automatic enrolled na. Gayunpaman, kailangan ninyo pa ring gawin ang isa sa tatlong paraan ng pag-eenrol para sa kumpirmasyon.
3. Para sa mga nakapagpatala na noong EARLY REGISTRATION, maaaring hindi na gawin ang mga nabanggit.
Ano pang hinihintay n'yo?
TAYO NA at MAGPATALA! 😊😊😊
Maraming salamat po at mag-ingat po tayong lagi!
Instructions: 1. This enrollment survey shall be answered by the parent/guardian of the learner. 2. Please read the questions carefully and fill in all applicable spaces and write your answers legibly in CAPITAL letters. For items not applicable, write N/A. 3. For questions/ clarifications, please a...