09/08/2025
Anong katanggap-tanggap na dahilan para hindi ka magsimba?
Traffic?
Masama ang gising?
Walang kasama?
O baka umuulan lang?
Sa totoo lang, kung titingnan natin sa Biblia, makikita natin na ang mga unang Kristyano ay hindi basta-basta nagpapaliban sa kanilang pagtitipon.
Hebrews 10:24โ25:
> And let us consider one another to provoke unto love and to good works:
Not forsaking the assembling of ourselves together, as the manner of some is; but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching.
Noong panahon na isinulat ang Hebrews, ang mga Jewish Christians ay dumadaan sa matinding persecution. Marami sa kanila ang natatakot magtipon dahil sa banta sa kanilang buhay โ pwedeng makulong, pahirapan, o patayin. Pero imbes na sabihan silang mag-ingat at umiwas, sinabi ng may-akda na "hold fast", magpatuloy sa pananampalataya, magtipon, at magpalakasan ng loob. Hindi nila tiningnan ang panganib bilang dahilan para huminto sa fellowship; bagkus, ginawa nila itong dahilan para lalo pang magkasama at mag-encourage sa isaโt isa.
Ngayon, ikumpara natin sa panahon natin โ lalo na sa mga bansa na malaya tayong magtipon at sumamba. Wala namang banta ng kulungan o kamatayan, pero ang dami pa ring mabababaw na dahilan para hindi magsimba. Minsan dahil lang sa pagod, o may lakad, o simpleng โwala sa mood,โ pinapabayaan na ang pananambahan. Kung ikukumpara, ang mga Kristyano noon ay nakataya ang kanilang buhay sa bawat pagtitipon, samantalang ngayon, madalas ay kaunting inconvenience lang ay sapat na para hindi dumalo.
Kaya ang paalala ng Hebrews ay timeless:
Huwag nating pabayaan ang pagtitipon. Hindi lang ito utos para mag-attend, kundi paanyaya para magpalakasan, magpukaw ng pag-ibig, at maghikayat sa mabubuting gawa. Sa bawat worship service, may pagkakataon tayong magtulungan sa pananampalataya at maghanda sa pagdating ng Panginoon โ "and so much the more, as ye see the day approaching."