Kadipan Club -Filipino - SJNHS

Kadipan Club -Filipino - SJNHS

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kadipan Club -Filipino - SJNHS, Public School, SAN JUAN, Cainta.

22/10/2025

πŸŽ‰ Isang mainit na pagbati kay YURI D. ERO ng 10 - Teresa sa pagkamit ng IKALAWANG PUWESTO (2nd Place) sa Municipal Festival of Talents! πŸ†βœ¨

Ipinagmamalaki namin ang iyong husay, dedikasyon, at pagsisikap na tunay na kahanga-hanga. Patuloy mong ipamalas ang iyong galing at maging inspirasyon sa iyong mga kapwa mag-aaral. πŸ’ͺπŸ“š

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 06/10/2025

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š 𝗕𝗨π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—šπ—” π—šπ—¨π—₯𝗒 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š π— π—šπ—” π—šπ—¨π—₯𝗒 𝗦𝗔 π—™π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ βœ¨πŸ“–

Sa bawat salitang ating natututuhan, nariyan kayo bilang gabay at inspirasyon. Ang pagtuturo ninyo ng wikang Filipino ay hindi lamang simpleng pagbabahagi ng kaalaman kundi isang mahalagang misyon, ang pagpapanatili ng buhay, dangal, at pagkakakilanlan ng ating lahi. πŸ‡΅πŸ‡­

Sa inyong tiyaga, malasakit, at dedikasyon, patuloy kayong nagsisilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral na inyong nahuhubog. πŸ’•

Ngayong Buwan ng mga G**o, taus-puso kaming nagpapasalamat at bumabati sa inyo. Mabuhay ang ating mga g**o sa Filipino! πŸŽ‰

27/08/2025

πŸ“£ ANUNSYO πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Ihanda na ang inyong kasuotang Pilipino at pagkaing Pinoy! πŸŽ‰
Bilang bahagi ng ating pagdiriwang, inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na makiisa sa pagpapakita ng ating mayamang kultura at tradisyon.

πŸ‘— Kasuotang Pilipino – Suotin nang may pagmamalaki ang ating tradisyunal na damit.
🍲 Pagkaing Pinoy – Magdala at magbahagi ng pagkaing sumasalamin sa lasa at kulay ng Pilipinas.

πŸ•˜ Oras:
β–ͺ️ G8 & 10: 6:20–7:10 AM
β–ͺ️G7 & 9: 12:20–1:10 PM

πŸ“ Lugar: Silid-Aralan

Halina’t sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating pagka-Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

25/08/2025

Buwan ng Wika 2025 Recap & Paalala πŸ‡΅πŸ‡­

Narito ang recap video ng ating mga nagdaang gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika! πŸŽ‰

Handa ka na ba para sa linggong ito? 🀩

πŸ“Œ Para sa mga interesado at dancerist ng paaralan:
Magsumite ng isang TikTok video sa iyong g**o sa Filipino na nagpapakita ng sayaw gamit ang katutubong awiting o awiting Pilipino.
Deadline ng pasahan: Huwebes (Agosto 28, 2025)

πŸ“Œ Tandaan:
Sa Agosto 29, tayong lahat ay:

Magsusuot ng kasuotang Pilipino πŸ‡΅πŸ‡­

Magdadala ng pagkaing Pilipino sa oras ng klase sa Filipino para sa isang maikling Piestang Pinoy sa San Juan. πŸ₯³

Huwag palampasin ang pagkakataong ipagdiwang at ipakita ang ating pagmamahal sa sariling kultura! πŸ’›

19/08/2025

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapanganakan ng Ama ng Wikang Pambansa, si Pangulong Manuel Luis Quezon, ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.

Kinikilala siya sa kanyang malaking ambag sa pagtataguyod ng wikang pambansa bilang sagisag ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong 1937 na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng wikang batayan ng pambansang pagkakakilanlan.

πŸ‡΅πŸ‡­ β€œAng isang bayang walang sariling wika ay isang bayang alipin.” – Manuel L. Quezon

Ang paggunita kay Quezon ay paalala na ang ating wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon kundi sagisag ng ating kasaysayan, kultura, at pagmamahal sa bayan.

Maligayang Manuel L. Quezon Day!
Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Pilipinas!

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 15/08/2025

πŸŽΆπŸ‡΅πŸ‡­ SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL πŸŽΆπŸ‡΅πŸ‡­
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025

Bilang bahagi ng makulay at makabuluhang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), matagumpay na idinaos ng San Juan National High School ang Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika!

Sa pagtatanghal ng mga piling mag-aaral mula iba’t ibang baitang, muling sumigla at sumikat ang ating mayamang pamana ng musika at wika. Ipinamalas ng bawat kalahok ang husay sa pag-awit ng mga himig na sumasalamin sa puso at kaluluwa ng kulturang Pilipino.

Isang malugod na pagbati sa lahat ng mga kampeon at kalahok na nagsilbing tinig ng ating wika at musika. Patuloy nating isulong at ipagmalaki ang sariling atin!

πŸ“Έ Narito ang ilang larawan mula sa masayang pagdiriwang.
πŸ‘‡ Ibahagi sa komento ang inyong paboritong bahagi ng Musikahan!



Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 15/08/2025

πŸŽΆπŸ† Pagpupugay sa mga Kampeon ng Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika! πŸ†πŸŽΆ

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang: " Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa " mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang inyong kahusayan sa pag-awit ng mga himig na nag-ugat sa ating mayamang kultura ay patunay ng inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at sining. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating mga katutubong awitin at wika.

πŸ†Unang Puwesto: 10-Binangonan
John Rhyzen R. Afloro
John Grabriel C. Bautista
Mark Emmanuel C. Dumanon
Rofer M. Llamas
Jamal Vienn S. Malonda
Eunice Caylie V. Mulles
πŸ†Ikalawang Puwesto: 10-Angono
John Louiss D. Mojica
Quennie S. Villanueva
πŸ†Ikatlong Puwesto: 10-Morong
Stephanie May V. Geronimo

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang ating Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ€

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 15/08/2025

πŸŽΆπŸ† Pagpupugay sa mga Kampeon ng Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika! πŸ†πŸŽΆ

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang: " Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa " mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang inyong kahusayan sa pag-awit ng mga himig na nag-ugat sa ating mayamang kultura ay patunay ng inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at sining. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating mga katutubong awitin at wika.

πŸ†Unang Puwesto: 8-Hane
Carlos Miguel Valencia
πŸ†Ikalawang Puwesto: 8-Turumba
Vince Cairey A. Lara
Angiesha A. Afloro
πŸ†Ikatlong Puwesto: 8-Binalayan
Lore Jeo Baltazar

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang ating Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ€

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 15/08/2025

πŸŽΆπŸ† Pagpupugay sa mga Kampeon ng Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika! πŸ†πŸŽΆ

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang: " Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa " mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang inyong kahusayan sa pag-awit ng mga himig na nag-ugat sa ating mayamang kultura ay patunay ng inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at sining. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating mga katutubong awitin at wika.

πŸ†Unang Puwesto: 9-Ilang-Ilang
Chloe Jeaneth A. Bendillo

πŸ†Ikalawang Puwesto: 9-Santan
Maryrose P. Nicart
Iza Jane D. ViΓ±as
Lara Mae T. Llamado

πŸ†Ikatlong Puwesto: 9-Waling-Waling
Prince Arthur T. Monasterial
Keith Ailes S. Bullecer
Mizaki Jhen I. Manoguid
Irish Phiona T. Tan

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang ating Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ€

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 15/08/2025

πŸŽΆπŸ† Pagpupugay sa mga Kampeon ng Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika! πŸ†πŸŽΆ
Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa Musikahan sa Paaralan: Himig ng Katutubong Wika bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang: " Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa " mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang inyong kahusayan sa pag-awit ng mga himig na nag-ugat sa ating mayamang kultura ay patunay ng inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at sining. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating mga katutubong awitin at wika.

πŸ†Unang Puwesto: 7-Masinop
Yurrieh G. Dianela
πŸ†Ikalawang Puwesto: 7-Masunurin
Marquesha N. Rempillo
πŸ†Ikatlong Puwesto: 7-Matiyaga
Mary Jane Lubguban

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang ating Kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ€

Photos from Kadipan Club -Filipino - SJNHS's post 08/08/2025

Narito ang ikalawang gawain ng San Juan National High School bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa". Isinagawa ang Paligsahan sa Paggawa ng Salakot-Hugot, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay at pagkamalikhain sa pagdidisenyo ng makukulay na headdress na kanilang inirampa sa harap ng mga hurado.

Bilang bahagi ng patimpalak, inilahad din ng mga kalahok ang kani-kanilang hugot, mga malikhaing pahayag na kaugnay sa diwa ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Para sa mga nagnanais ng karagdagang hamon, ihanda na ang inyong tinig para sa nalalapit na Paligsahan sa Pagkanta ng Katutubong Awit. Ang mga interesadong lumahok ay maaaring lumapit sa kani-kanilang g**o sa Filipino upang magpalista.

Want your school to be the top-listed School/college in Cainta?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


SAN JUAN
Cainta
1900