Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges Pahinang makakasangkapan sa paghubog ng ating kasanayan at dunong sa wika, linggwistika at panitikan sa asignaturang Filipino.

Layon nitong makaambag sa paglinang at pagpapa-unlad ng wikang Filipino sa isang kontekstwalisadong pamamaraan.

โ€Žโ€œ๐’๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐จ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ.โ€Ngayong ika-5 ng Setyembre hanggang ...
06/09/2026

โ€Žโ€œ๐’๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐จ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ.โ€

Ngayong ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang National Teachersโ€™ Month. Ating bigyang-pugay ang mga gurong hindi lamang nagtuturo, kundi humuhubog ng isip, nagpapalakas ng loob, at gumagabay sa bawat mag-aaral. Sa bawat aral at kuwentong ibinabahagi, may pangarap na unti-unting nahuhubog.

Maligayang Buwan ng mga G**o!
Mabuhay ang mga gurong patuloy na nagbibigay-liwanag sa landas ng bawat mag-aaral!


โ€Ž

Mabuhay, ICCTians! Tatlong araw ng pakikiisa, pagkakaisa, at pagbabahagiโ€”maraming salamat sa inyong walang sawang suport...
04/09/2026

Mabuhay, ICCTians!

Tatlong araw ng pakikiisa, pagkakaisa, at pagbabahagiโ€”maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa OSO Membership Day & Share for a Cause! Ang bawat pagbisita, pakikilahok, at pagtangkilik sa booth ng KAMFIL ay naging bahagi ng isang makabuluhang layunin.

Mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kayo ang naging dahilan kung bakit naging mas masaya at matagumpay ang aming pakikilahok. Maraming salamat sa pakikiisa, ICCTians! Hanggang sa muli!




Ngayong ika-31 ng Agosto, ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani bilang pagkilala sa katapangan, sakripisyo, at pagmama...
31/08/2026

Ngayong ika-31 ng Agosto, ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani bilang pagkilala sa katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang sarili para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga ipinaglaban upang patuloy nating pahalagahan ang kasaysayan, ipagtanggol ang ating mga karapatan, at maging mabuting bahagi ng lipunang ating ginagalawan.

Mabuhay ang mga bayani! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!


DAY 2 | BUWAN NG WIKA 2026: WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng ImpormasyonIsang map...
30/08/2026

DAY 2 | BUWAN NG WIKA 2026: WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon

Isang mapagpalayang araw, ICCTians! Narito ang mga kaganapan sa ikalawang araw ng ating pagdiriwang. Halinaโ€™t tuklasin, kilalanin, at payabungin ang yaman ng ating kultura, wika, at pagkamalikhain bilang mga Pilipino.

Sa ikalawang araw, nasaksihan natin ang makulay na pagtatanghal sa Madulang Sabayang Pagbigkas at ang makapigil-hiningang pagpapamalas ng kultura sa Rampakultura. Sa bawat tinig, galaw, at pagtatanghal, higit na namayani ang pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pagnanais na maipakita ang husay at pagmamalaki sa ating kultura. Tunay ngang mas nagiging makabuluhan ang bawat pagtatanghal kapag ito ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan.



DAY 1 | BUWAN NG WIKA 2026: WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng ImpormasyonIsang map...
29/08/2026

DAY 1 | BUWAN NG WIKA 2026: WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon

Isang mapagpalayang araw, ICCTians! Narito ang mga kaganapan sa unang araw ng ating pagdiriwang. Halinaโ€™t tuklasin, kilalanin, at payabungin ang yaman ng ating kultura, wika, at pagkamalikhain bilang mga Pilipino.

Sa unang araw, nasaksihan natin ang ibaโ€™t ibang husay at talento ng mga mag-aaral ng ICCT Colleges. Mula sa malikhaing pagpapahayag hanggang sa mga natatanging pagtatanghal, bawat isa ay naging patunay na buhay na buhay ang ating wika at kultura sa puso ng kabataan. Tunay ngang napakayaman ng ating pinagmulan, at higit itong nagiging makulay kapag sama-sama nating ipinagdiriwang at pinahahalagahan.



HANDA NA BA KAYO?Narito na ang mga tinig na magpapayanig sa entablado! Para sa Madulang Sabayang Pagbigkas, kilalanin an...
24/08/2026

HANDA NA BA KAYO?

Narito na ang mga tinig na magpapayanig sa entablado! Para sa Madulang Sabayang Pagbigkas, kilalanin ang mga pangkat na maghaharap-harap at maglalaban para sa karangalan sa ika-26 ng Agosto. Panoorin ang kanilang pagtatanghal

Sino ang mananaig? Sino ang tatatak?

Piliin ang inyong susuportahan at makisaksi sa laban ng tinig, husay, at tapang!

Kita-kita tayo sa araw ng patimpalak!



HANDA NA BA KAYO?Mula sa mga pahina tungo sa entablado ng imahinasyon, oras na para buhayin ang panitikan! Para sa FiliP...
24/08/2026

HANDA NA BA KAYO?

Mula sa mga pahina tungo sa entablado ng imahinasyon, oras na para buhayin ang panitikan! Para sa FiliPanitik, ihanda ang inyong sarili sa isang patimpalak na susubok sa talas ng isip, lalim ng kaalaman, at husay sa pagpapahayag sa ika-25 ng Agosto

Sino ang mangunguna? Sino ang mag-iiwan ng kuwentong tatatak?

Abangan at tunghayan ang laban ng kaalaman, talento, at pagmamahal sa panitikang Filipino!

Kita-kita tayo sa araw ng patimpalak!



HANDA NA BA KAYO?Narito na ang mga malikhaing kamay na magbibigay-buhay sa bawat guhit, kulay, at ideya! Para sa PintaWi...
24/08/2026

HANDA NA BA KAYO?

Narito na ang mga malikhaing kamay na magbibigay-buhay sa bawat guhit, kulay, at ideya! Para sa PintaWika, kilalanin ang mga kalahok na haharap sa hamon at magpapamalas ng kanilang husay sa sining sa ika-25 ng Agosto.

Abangan ang kanilang mga likha at tunghayan ang laban ng kulay, talino, at pagkamalikhain!

Kita-kita tayo sa araw ng patimpalak!



๐Ÿ“ข MAHALAGANG PAUNAWA, MGA MAG-AARAL NG EDUKASYON! ๐Ÿ“šโœจNais naming ipabatid na ang PALIHAN 2026 ay magkakaroon ng bagong pe...
19/08/2026

๐Ÿ“ข MAHALAGANG PAUNAWA, MGA MAG-AARAL NG EDUKASYON! ๐Ÿ“šโœจ

Nais naming ipabatid na ang PALIHAN 2026 ay magkakaroon ng bagong petsa at oras.

๐Ÿ—“๏ธ Petsa: Agosto 25, 2026
โฐ Oras: 1:00 PM โ€“ 5:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: ICCT Theater, Cainta Campus

๐Ÿ’ก PALIHAN 2026
โ€œAI bilang Kasangkapan sa Pananaliksik: Mula Paghahanap ng Impormasyon tungo sa Kritikal na Pagsusuriโ€

๐ŸŽค PANAUHING TAGAPAGSALITA:
Bb. Genevieve Fernandez

Inaanyayahan ang lahat na muling makiisa at maging bahagi ng isang makabuluhang talakayan tungkol sa wastong paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pananaliksik mula sa paghahanap ng impormasyon tungo sa mas mapanuri at kritikal na pagsusuri.

Ang pagbabagong ito ay isinagawa upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng palihan at upang mabigyan ang lahat ng pagkakataong makadalo at maging bahagi ng makabuluhang talakayan.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.



Address

Cainta

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category