Hilagang Asul

Hilagang Asul

Share

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Bonbon National High School, Cagayan de Oro City, Region 10

Photos from Hilagang Asul's post 28/11/2025

Pagdiriwang ng Reading Month at Filipino Values Month sa Bonbon National High School!

Ipinagdiwang ng mga g**o at mag-aaral ang mahalagang kaganapang ito sa loob ng Bonbon National High School, sa pangunguna ng mga g**o sa asignaturang English, Values Education, at Filipino.

Naganap ang selebrasyon noong ika-27 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan. Kasabay nito ang pagtatampok ng napakagagandang kasuotan ng mga mag-aaral para sa kanilang Characterization Contest.

Isinagawa ito upang mapalakas ang loob at mahimok ang mga mag-aaral ng Bonbon NHS na tularan ang mga yapak ng mga estudyanteng naging matagumpay na kinatawan ng paaralan.

05/10/2025
Photos from Hilagang Asul's post 05/10/2025

Maligayang Araw ng mga G**o 2025!

Isang matagumpay na programa para sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng Bonbon National High School ang matagumpay na idinaos ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) nitong ika-2 ng Oktubre, 2025.

Ang pagdiriwang, na may temang "Honoring The Heroes Behind Every Success", ay inialay para sa mga g**ong taos-pusong nagtuturo para sa mga batang Pilipino.

Dito natin nakita ang matinding pagmamahal at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga g**o. Ito ay tunay na isang makabuluhan at nakakamanghang programa.

Photos from Hilagang Asul's post 05/10/2025

"Talino ko, Isasabuhay ko"

Matagumpay na idinaos ang Kulminasyon ng Math-Sci Month nitong ika-2 ng Oktubre, 2025. Tampok sa pagdiriwang ang mga tema ng Mathematics Month—"Math Unites: Bridging Ideas, Building Futures"—at Science Month—"Harnessing the Unknown: Powering the Future through Science and Innovation".
Sa programang ito, na nagbibigay-diin sa dalawang pangunahing salik ng edukasyon, maraming kabataan ang nagpamalas ng kani-kanilang talento at kaalaman.

Iba't ibang aktibidad ang isinagawa nang may tapang at galak, mula sa paglulutas ng masalimuot na math problem hanggang sa pagmomodelo gamit ang mga basurang hindi inaasahang mapapakinabangan pa.Dito nasaksihan ang kahanga-hangang pagiging maparaan at malikhain ng mga mag-aaral ng Bonbon National High School.

Photos from Hilagang Asul's post 05/10/2025

"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"

Isang masigla at masaganang pagdiriwang ang idinaos ng Bonbon National High School para sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika.

Ang ating wika ay hindi lang basta salita; ito ang kaluluwa ng ating pagiging Pilipino at sandigan ng ating kultura. Sa pagpapahalaga sa Filipino at Katutubong Wika, pinatatatag natin ang ating pambansang pagkakakilanlan at sabay-sabay nating tinatahak ang landas tungo sa iisang hangarin.

Sama-sama nating linangin, gamitin, at ipagmalaki ang ating wika. Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating mga patimpalak at aktibidad!

30/08/2025

Isang tulog nalang BER-months na.

30/08/2025

Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika at Kasaysayan dito sa Bonbon National High School, nananatili sa ating puso ang diwa ng pagka-Pilipino. Ipagpatuloy natin ang pagpapayaman ng ating kultura at pagpapahalaga sa ating pinagmulan! ✨❤️

Photos from Hilagang Asul's post 27/08/2025

Ang bawat click ay hindi lang pagkuha, kundi pagtuklas sa ganda ng mundo. ✨

Photos from Hilagang Asul's post 27/08/2025

Nagtatagisan ng husay at ipinagmamalaki ang Bonbon National High School! Ang ating Drum and Lyre at Boys Scout, kasama ang mga g**o at Punong G**o, ay bahagi ng makulay na Higalaay Festival sa Cagayan de Oro City ngayong Agosto 27, 2025. Suportahan natin sila! Sa pamamagitan ng paglike at pagpuso sa larawan.

Photos from Hilagang Asul's post 13/08/2025

"Sa pagdaraos ng Banal na Misa sa Bonbon National High School, ipinapakita ang respeto sa pananampalataya at pagkakaisa ng lahat. Anuman ang ating paniniwala, iisa ang ating puso para sa ! Isang pagtitipon na nagbubuklod sa atin sa kabila ng pagkakaiba."

Photos from Hilagang Asul's post 12/08/2025

Puno ng bagong kaalaman at inspirasyon! Ang mga mag-aaral ng Bonbon National High School, aktibong dumalo sa Oro Gold Youth Conference na ginanap sa Ayala Event Center.

Photos from Hilagang Asul's post 08/08/2025

Buwan ng Wika sa Bonbon National High School! Isulat ang puso't isip sa Patimpalak ng Sanaysay at Tula. Makiisa, lumikha, at ipagdiwang!

Want your school to be the top-listed School/college in Cagayan de Oro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Zone 4 Bonbon, Cagayan De Oro City
Cagayan De Oro
9000