26/08/2026
🇵🇭 MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 🇵🇭
Masiglang ipinagdiwang ng Kauswagan Central School ang kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 noong Agosto 24, 2026, na may temang:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Tampok sa programa ang makukulay na pagtatanghal ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 6—kabilang ang sayawit, katutubong awitin at sayaw, dulang pambata, sabayang pagbigkas, makabayang awitin, deklamasyon, at balagtasan. Kinilala rin ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng husay, talino, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipino.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Punongg**o, G. Edgardo O. Yañez , at Assistant to the Principal, Gng. Niña D. Leyson, PhD., sa kanilang patuloy na paggabay at suporta. Lubos din nating pinasasalamatan ang ating Panauhing Pandangal, Kagalang-galang Leonard Jan U. Lim, Punong Barangay, sa kaniyang makahulugang mensahe at pakikiisa sa pagdiriwang.
Pagpupugay kay Gng. Rovena O. Valleser, Tagapag-ugnay sa Filipino at Tagapangulo, gayundin sa lahat ng kasapi ng komite na buong-pusong naglaan ng panahon, talento, at pagsisikap upang maging maayos, makabuluhan, at matagumpay ang programa.
Maraming salamat din sa ating mga g**o, mag-aaral, magulang, at lahat ng nakiisa. Nawa’y patuloy nating gamitin, payabungin, at ipagmalaki ang wikang Filipino bilang wika ng kultura, pananaliksik, teknolohiya, at pagkakaisa. 🇵🇭