09/08/2024
MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA! ๐ต๐ญ
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng buong bansa sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya, ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2024.
Tuon ng pagdiriwang ngayong taon ang temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya," na naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at ng wika.
Para sa iba pang impormasyon at mga aktibidad na kaugnay ng pagdiriwang, basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 038, s. 2024: https://buff.ly/3yqp9hB