Xavier University Senior High School Kagawaran ng Filipino
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Xavier University Senior High School Kagawaran ng Filipino, Education Website, Pueblo de Oro Campus, El Camino St. and Masterson Avenue, Cagayan de Oro.
03/09/2025
Maraming salamat, mga Atenista ng Senior High School, sa inyong aktibong pakikiisa at pakikibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.
04/08/2025
Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika — isang mahalagang okasyon kung saan binibigyang-pugay natin ang ating wikang Filipino at mga katutubong wika na siyang ugat ng ating pagkakakilanlan bilang isang sambayanan.
Ngayong taong 2025, ang tema ng ating pagdiriwang ay
"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
Isang itong paalala na ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon, kung hindi isa ring haligi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Kaya naman ngayong buwan, sabay-sabay nating ipagdiwang at palalimin ang ating pag-unawa, pagmamahal, at pagpapahalaga sa ating mga wika — sa pamamagitan ng mga gawaing naghahayag ng ating pagiging makabayan at mapagmalasakit sa sariling atin.
Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 dito sa Xavier Ateneo Senior High School, narito po ang mga nakahanay na paligsahan at aktibidad na may layuning linangin at ipagdiwang ang ating wikang Filipino at mga katutubong wika.
:MakasaysayanSaPagkakaisaNgBansa
12/09/2024
Magandang araw!
Maraming salamat sa inyong aktibong pagsali sa Buwan ng Wika. Ang inyong pakikibahagi at suporta ay tunay na nagpapalakas ng ating pag-unawa at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura. Ang mga pagsisikap ninyo ay hindi lamang nagdala ng saya sa ating mga aktibidad, kundi pati na rin ng inspirasyon sa lahat ng nakasaksi.
Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon at sa pagbuo ng isang makabuluhang selebrasyon ng ating Buwan ng Wika. Nawa’y magpatuloy ang ating pagmamalaki at pag-aalaga sa ating wika at kultura.
04/09/2024
19/08/2024
Maraming salamat sa mga aktibong nakilahok sa paligsahan ng Kagawaran. Mabuhay kayong lahat!
11/08/2024
Mabuhay, mga Atenista!
Ipinagdiriwang natin ngayong Agosto ang Buwan ng Wika na may temang "Filipino, Wikang Mapagpalaya!” Ito ang tamang panahon upang ipakita ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
Inaanyayahan namin ang lahat na makilahok sa iba't ibang gawain at aktibidad na inihanda para sa selebrasyong ito. Kung ikaw ay may talento sa pagsulat ng tula, pagsulat ng sanaysay, pagkanta, o paggawa ng mga malikhaing obra, samahan mo kami at ipakita ang iyong galing!
Para sa mga gustong sumali, huwag palampasin ang deadline para sa pagpaparehistro. Magsasara ang form ngayong Agosto 13, 2024 (Martes - 5:00 ng hapon lamang).
Scan lamang ang QR code o di kaya’y i-click ang link at punan ang form na ito: https://rb.gy/jjj2zn
Maging bahagi ng ating makulay na pagdiriwang at sabay-sabay nating ipagmalaki ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Wika natin! 🎉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Pueblo De Oro Campus, El Camino St. And Masterson Avenue
Cagayan De Oro
9000
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |