05/12/2025
๐๐ถ๐ฑ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถโก
Tagumpay na ipinamalas ng ๐๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐จ ang kasaganaan ng wikaโt kulturang Pilipino, umaga ng Disyembre 4. Umaalingawngaw ang hiyawan, palakpakan, at halakhak sa bawat padyak, indak, at tinig mula sa ๐ง๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐น๐ถ๐ป๐ฎ; isang simoy ng pagkamulat na nagbigay-liwanag sa buong entablado.
Mula sa pag-awit na kumakalabit sa damdamin, pagsayaw na kumukulay sa himpapawid, pagtula na pumupunit sa katahimikan, hanggang sa pagsasadula na bumubuhay sa kasaysayan; nasilayan ni Maria ang walang hanggang halaga ng pagkilala at pagtangkilik sa sariling pagkakakilanlan.
Nais ding magbigay ng taos-pusong pasasalamat ang mga mag-aaral sa kanilang mga g**o, partikular na sa kanilang g**o sa KPWKP na si ๐. ๐๐ถ๐๐ผ ๐. ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ฎ, na nagsilbing motibasyon at gabay sa paghahanda at pagsasagawa ng ๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐.
Sapagkat ang ๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐ ay higit pa sa pagtatanghal, ito ay isang pagpupugay sa yaman ng wika, sining, at kultura. Isa itong paalala na ang pagiging Filipino ay hindi lamang pinagninilayan sa iilang araw, kundi isinasabuhay sa bawat hakbang, bawat salita, at bawat pintig sa araw-araw na pamumuhay. ๐ต๐ญโจ