Mogchs Senior High School

Mogchs Senior High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mogchs Senior High School, School, Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro.

🌟 Handa ka na bang subukin ang iyong kaalaman at husay sa pagsagot? Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral ng Senior High...
30/07/2026

🌟 Handa ka na bang subukin ang iyong kaalaman at husay sa pagsagot? Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral ng Senior High School na maging kinatawan ng kanilang seksyon sa Tagisan ng Talino.

Ipakita ang iyong talas ng isip, bilis ng pag-iisip, at determinasyong magwagi sa isang kapana-panabik na paligsahan ng kaalaman!

πŸ—“οΈ Agosto 25, 2026
πŸ• 1:00 N.H. – 3:00 N.H.
πŸ“ Silid-aralan ng Baitang 11 – Enduring

Talino ang puhunan, tagumpay ang gantimpala. Tara na at maging kampeon sa Tagisan ng Talino! πŸ’™πŸ’›

🎀 May talento ka ba sa pag-awit at pagmamahal sa kulturang Pilipino? Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral ng Senior Hig...
30/07/2026

🎀 May talento ka ba sa pag-awit at pagmamahal sa kulturang Pilipino? Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral ng Senior High School na maging kinatawan ng kanilang seksyon sa Patimpalak sa Awiting Bayan: "Pasayawa Ko Day."

Ipakita ang iyong husay sa pag-awit, pagganap, at malikhaing pagsasalin habang ipinagdiriwang ang mayamang kultura at tradisyon ng ating bansa.

πŸ—“οΈ Agosto 24, 2026
πŸ• 1:00 N.H. – 3:00 N.H.
πŸ“ Silid-aralan ng Baitang 11 – Enduring

Awitin ang kultura. Iparinig ang talento. Ipagdiwang ang pagka-Pilipino! πŸ’™πŸ’›

πŸŽ™οΈ May husay ka ba sa pananalita at matalas na pangangatwiran? Ipakita ang iyong talento sa Patimpalak ng Balagtasan!Ina...
30/07/2026

πŸŽ™οΈ May husay ka ba sa pananalita at matalas na pangangatwiran? Ipakita ang iyong talento sa Patimpalak ng Balagtasan!

Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral ng Senior High School na maging kinatawan ng kanilang seksyon sa isang makabuluhan at kapana-panabik na paligsahan ng talino, paninindigan, at kahusayan sa pagpapahayag.

πŸ—“οΈ Agosto 19, 2026
πŸ• 1:00 N.H. – 3:00 N.H.
πŸ“ Silid-aralan ng Baitang 11 – Enduring

Ipakita ang talino. Ipagtanggol ang paninindigan. Ipagmalaki ang husay sa Balagtasan! πŸ’™πŸ’›

Mahusay ka ba na magpahayag ng iyong damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat lalo pa't may maganda kang sulat-ka...
30/07/2026

Mahusay ka ba na magpahayag ng iyong damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat lalo pa't may maganda kang sulat-kamay, may kaalaman sa pagsulat ng talata at nakasusunod sa wastong paraan ng pagsulat, sumali ka na sa Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay.
Gaganapin ito sa Ika-12 ng Agosto, 2026 sa ganap na 1 N.H. - 3 N.H. sa SHS Computer Laboratory.

Kitakits mga mahuhusay na manunulat!

Mabuhay Pilipinas! Narito na naman ang isa sa mga patimpalak na susubok sa talas ng iyong isipan, hugot ng iyong damdami...
30/07/2026

Mabuhay Pilipinas!

Narito na naman ang isa sa mga patimpalak na susubok sa talas ng iyong isipan, hugot ng iyong damdamin at katatagan ng iyong kalooban - ang paligsahan ng Dagliang Talumpati. Kung ikaw ay Senior High School at may ganitong mga kakayahan, magpatala na at hanapin si G. John Rey G. Sanchez, ang Tagapayo ng Baitang 11-Elegant o di kaya ay sa SHS Computer Laboratory.

Ajah mga mananalumpati!

Paligsahan sa Pagguhit ng Poster at Pagsulat ng Islogan       Kung ikaw ay may kasanayan sa pagguhit ng poster at pagsul...
30/07/2026

Paligsahan sa Pagguhit ng Poster at Pagsulat ng Islogan

Kung ikaw ay may kasanayan sa pagguhit ng poster at pagsulat ng islogan, huwag kang magdalawang isip na sumali sa patimpalak na ito. Ipakita sa lahat ang iyong angking husay at galing sa larangan ng malikhaing pagguhit.
Para sa pagpapatala, mangyaring lumapit kay Bb. Creslyn Saldivar, ang tagapayo ng B11-Eloquent.

Magkita-kita tayo sa Ika-5 ng Agosto, 2026 sa Silid-aralan ng B11-Enduring, Ikatlong Palapag ng Green Building.

Maraming Salamat!

Sa susunod na linggo ay ipagdiriwang na natin ang Buwan ng Wikang Pambansa.Inaanyayahan ang mga mag-aaral sa senior high...
30/07/2026

Sa susunod na linggo ay ipagdiriwang na natin ang Buwan ng Wikang Pambansa.

Inaanyayahan ang mga mag-aaral sa senior high school ng MOGCHS na makiisa sa mga gawain nakatala sa larawan. Ipakita ang inyong pagmamahal sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng inyong husay at galing sa paglahok sa Iba't Ibang patimpalak.

Ang mekaniks at krayterya ay ipopost ng hiwalay sa FB page sa loob ng linggong ito.

Maraming salamat sa inyong suporta at kooperasyon.

Mabuhay ang Wikang Filipino!

13/07/2026

Address

Don Apolinar Velez Street
Cagayan De Oro
9000

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mogchs Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category