28/09/2022
Sa araw na ito noong 1862, isinilang ang isa sa mga naging unang iskolar at historyador na eksperto sa buhay ni Dr. Jose Rizal na si Wenceslao "Wenchesco" Emilio Retana y Gamboa, o si Wenceslao Retana. Isinilang siya sa Boadilla de Monte sa Espanya.
Sa lahat ng mga naging iskolar na eksperto sa buhay ni Rizal, nakasabayang nabuhay ni Retana si Rizal, at sa katunaya'y hindi magkasundo ang dalawa. Sa isang kaso, nagsulat ng mapanirang artikulo si Retana kung saan inatake niya si Rizal ang naging sitwasyon ng mga Rizal sa Laguna, na pinalayas sila ng mga Espanyol dahil sa hindi pagbabayad ng buwis. Nainis si Rizal sa pahayag ni Retana, at naghamon ng duwelo pero nagpaumanhin si Retana. Pero tila nagbago ang pananaw ni Retana kay Rizal matapos ang kanyang kamatayan, at hindi lamang niya hinangaan si Rizal, kundi naging iskolar rin siya para sa kanya.
Si Retana ang kauna-unahang biographer ni Jose Rizal, na sumulat ng biographical account ng buhay niya na " Vida y Escritos del Dr. José Rizal". Pumanaw si Wenceslao Retana sa edad na 62 sa Madrid, Espanya noong January 21, 1924.
Sanggunian:
* Wikipedia (n.d.). Wenceslao Retana. https://en.wikipedia.org/wiki/Wenceslao_Retana
* Bunye, Ignacio (2021, January 4). The aborted Rizal-Antonio Luna duel. Manila Bulletin. Retrieved September 28, 2022. https://mb.com.ph/2021/01/04/the-aborted-rizal-antonio-luna-duel/