23/09/2026
"๐๐๐ ๐๐ก๐"
Mura lang ang iyong edad,
ngunit bitbit mo ang bagaheng
hindi mo naman dapat dinadala.
Musmos ka pะฐโ
ngunit bakit tila pasan mo na
ang bigat ng buong mundo?
Bakit mo pasan ang bagaheng
mas mabigat pa sa iyong munting katawan?
Bakit mo winiwika ang mga salitang
hindi mo pa lubos nauunawan?
Bakit marunong ka nang mag-alala
sa mga bagay na hindi naman dapat
ikabahala ng isang batang tulad mo?
Musmos ka pa langโ
ngunit may responsibilidad nang
nakapatong sa iyong mga balikat.
At marahil, hindi mo naman hiniling
na maging matatag.
Ngunit dahil walang ibang sumalo,
natuto kang magbuhat.
Hanggang sa nakalimutan mong
may karapatan ka ring mapagod.
May karapatan kang umiyak
nang hindi mo kailangang magpaliwanag
May karapatan kang maging bata.
Hindi mo kailangang dalhin
ang buong mundo
para lamang mapatunayan
na kaya mo.
Bata ka pa.
At ang isang batang tulad mo
ay dapat may bitbit na laruan,
mga pangarap,
at mga kuwentong ikukuwento pag-uwiโ
hindi mga problemang
hindi kailanman dapat naging iyo.
๐พ๐๐๐
๐ | ๐น๐๐๐๐๐๐ ๐บ. ๐ท๐๐๐๐๐๐
๐จ๐๐ | ๐น๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ฉ. ๐ฉ๐๐๐๐๐