05/12/2023
Minsan para sa akin ay malabo,
Sa pagmamadali linya man ay tuwid gawa ko pari’y ay liku-liko
May pagkakataon namang madali pagka’t malinaw
Pero madalas magulo o kaya naman sa detalye’y uhaw na uhaw
Lahat ng danas ko’y siya ang saksi
Mga bagay na di ko masilid sa isip kanyang sinusubi
Huwag lang mabasa ng ulan ay aking itinatabi
Paghihirap ko sa mga paksa kanyang masasabi
Paminsan sa ulo ko ako’y napapakamot
Sulat ko’y may kulang di ko mahanap ang mga isasagot
Pagsusulit ay malapit na di pa ako natatapos
Sa pagbabalik aral ko’y kailangang datos ay sapat at di kapos
Ngayon ako’y paakyat na naman sa silid-aklatan
Pakay ko’y kwaderno ko’y masulatan
Mga lekturang sa selpon ay aking kinuhanan ng larawan
Aagapan kong tapusin bago pa ang pasahan
“KWADERNO”
*saksi sa pagsusumikap ng isang mag-aaral
05/12/2023
02/12/2023
02/12/2023
30/11/2023
29/11/2023