09/09/2026
WALANG MUKHA ANG NARARAMDAMAN. 💙
Hindi lahat ng pinagdadaanan ng isang tao ay nakikita sa kanyang mukha. Minsan, sa likod ng ngiti at tahimik na “okay lang,” may mga laban na hindi natin alam.
Ngayong World Su***de Prevention Day, gawin nating paalala na ang simpleng “Kamusta ka?” ay maaaring maging simula ng isang mahalagang pag-uusap. Hindi mo kailangang maging eksperto o magkaroon ng malalim na salita para kamustahin ang isang tao. Minsan, kailangan lang natin ng malawak na pag-unawa, pakikinig, at pagmamahal para sa mga taong nasa paligid natin.
Kaya ngayong araw, kumustahin natin ang ating mga kaibigan, kaklase, kapamilya, at kahit ang mga taong matagal na nating hindi nakakausap. Makinig. Magtanong. Magpakita na nandiyan ka.
At kung ikaw ang nakakabasa nito ngayon, tandaan mo:
Mahalaga ka. Mahalaga ang nararamdaman mo. At ang pinagdadaanan mo ay karapat-dapat pakinggan. 💙
***dePreventionDay ***dePreventionMonth