Portugal-Chavez Elementary School

Portugal-Chavez Elementary School Batang Makabansa. Bansang Makabata. โค๐Ÿซ

2nd Day General Atag: Making Portugal-Chavez ES Beautiful Together! ๐ŸŒณโ€‹          โ€‹"A warm and grateful 'Maraming Salamat ...
25/09/2026

2nd Day General Atag: Making Portugal-Chavez ES Beautiful Together! ๐ŸŒณ

โ€‹
โ€‹"A warm and grateful 'Maraming Salamat Po' to all the wonderful parents who joined us today for the second day of our General Atag (clean-up drive)!
Your hard work and dedication in making our school environment cleaner, greener, and more beautiful is truly inspiring.
โ€‹Special thanks to our SPTA, headed by SPTA President Hon. Mary Grace E. Hernale, for their invaluable leadership and support at lalo na po sa kanyang pameryenda kaninaโ˜บ๏ธ. We also extend our deepest appreciation to the Brgy. Council of Del Pilar:
โ€‹Hon. Mary Grace E. Hernale
โ€‹Hon. Salvacion S. Tan
โ€‹Hon. Rading P. Esturas
โ€‹Hon. Romualdo L. Pertiz
โ€‹Hon. Rolly B. Tuacar
โ€‹Hon. Eleonor M. Esturas
โ€‹Maryjane L. Parale (Brgy. Treasurer)
โ€‹Your presence and active participation have made a significant difference. Together, we are building a better learning environment for our children. We encourage everyone to continue supporting all Portugal-Chavez ES programs and initiatives. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ
โ€‹We also express our sincere thanks to our School Head, Sir Leandro J. Barrameda, and the entire teaching and non-teaching staff for their hard work and commitment to the success of this event.

โ€‹"Hindi lang tayo naglilinis at nagpapaganda ng paaralanโ€”itinataguyod natin ang mas magandang bukas para sa susunod na henerasyon. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamalasakit!"

โ€‹






"

๐Ÿ† Isang karangalan para sa buong Portugal-Chavez Elementary School community! ๐Ÿ†          โ€‹Buong pagmamalaki naming tinat...
24/09/2026

๐Ÿ† Isang karangalan para sa buong Portugal-Chavez Elementary School community! ๐Ÿ†

โ€‹Buong pagmamalaki naming tinatanggap ang pagkilalang ito bilang Rank 3 sa buong Capalonga District sa Early Language, Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA) para sa School Year 2025-2026! ๐ŸŽ‰

โ€‹Ang tagumpay na ito ay hindi bunga ng iisang tao lamang, kundi ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. โ€‹Sa mga Magulang at Stakeholders, Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa bahay man o sa paaralan. Ang inyong pakikibahagi ay mahalaga sa paglago ng ating mga mag-aaral. Sa mga G**o at School Head, Saludo kami sa inyong dedikasyon, pasensya, at passion sa pagtuturo. Kayo ang gabay ng ating mga mag-aaral tungo sa karunungan at sa ating mga Mag-aaral, Congratulations! Ang inyong kasipagan at kagustuhang matuto ang tunay na nagpakinang sa parangal na ito. Ito ay para sa inyong magandang kinabukasan.

โ€‹Ang karangalang ito ay simula pa lamang. Ito ay nagsisilbing hamon sa atin upang lalong gagalingan pa sa mga susunod na taon. Ang bawat tagumpay ay paalala na marami pa tayong pwedeng marating kung tayo ay patuloy na magkakaisa. Walang impossible kung sama-sama nating itataguyod ang dekalidad na edukasyon.

โ€‹Sulong, Portugal-Chavez ES! Para sa batang CamNorteรฑo! โœŠ

โ€‹"Ang pagkakaisa ang susi na nagbubukas ng pinto patungo sa mas matatayog na tagumpay. Sa bawat pagsasama-sama ng lakas at talino, walang pangarap na masyadong malayo."

โ€‹

๐ŸŒฑ Project CALA-GREEN: Calamansi for a Greener Future ๐Ÿƒโ€œPlant Today, Grow Tomorrow.โ€ ๐ŸŒฑ๐Ÿ’šA meaningful day of learning, plan...
22/09/2026

๐ŸŒฑ Project CALA-GREEN: Calamansi for a Greener Future ๐Ÿƒ

โ€œPlant Today, Grow Tomorrow.โ€ ๐ŸŒฑ๐Ÿ’š

A meaningful day of learning, planting, and growing together! Our learners, teachers, parents, and partners joined hands in nurturing marcot grown calamansi plant and creating a greener, healthier school environment. ๐ŸŒฟ๐Ÿ‹

Through Project CALA-GREEN, we cultivate not only plants but also responsibility, teamwork, love for nature, and hope for a greener future. ๐Ÿ’š

๐ŸŒฑ Small hands. Big dreams. Greener tomorrow.
๐Ÿค Together, we plant. Together, we grow. Together, we make a difference!






16/09/2026

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ

Mula sa pahina ng paaralan, tungo sa mas malaking entablado ng pamamahayag! ๐Ÿ“ฐโœ๏ธโœจBaon ang tapang, talento, at dedikasyon,...
07/09/2026

Mula sa pahina ng paaralan, tungo sa mas malaking entablado ng pamamahayag! ๐Ÿ“ฐโœ๏ธโœจ

Baon ang tapang, talento, at dedikasyon, sama-samang humahakbang ang ating mga batang mamamahayag sa 2026 Division Schools Press Conference. Anuman ang maging resulta, bawat salita ay tagumpay at bawat karanasan ay hakbang tungo sa pagiging mas mahusay na mamamahayag. ๐Ÿ‘

Padayon, campus journalists! ๐Ÿ’™๐Ÿ“ธ๐Ÿ“

Mhika Andiel P. Paraiso - Pagsulat ng Kolumn
Mhaika Andiel P. Paraiso - Photojournalism (English)
Nathaniel C. Villaluz - Photojournalism (Filipino)

School Paper Adviser: Catherine M. Ribo
School Head: Leandro J. Barrameda

CAPALONGA DISTRICT SPORTS ATHLETIC MEET 2026 ๐Ÿ€ ๐Ÿ ๐Ÿธ โ™Ÿ๏ธ ๐Ÿƒ Taos-pusong pagbati sa mga Atleta ng PCES! ๐Ÿ‘๐Ÿ†๐Ÿ’š Binabati namin an...
05/09/2026

CAPALONGA DISTRICT SPORTS ATHLETIC MEET 2026 ๐Ÿ€ ๐Ÿ ๐Ÿธ โ™Ÿ๏ธ ๐Ÿƒ

Taos-pusong pagbati sa mga Atleta ng PCES! ๐Ÿ‘๐Ÿ†๐Ÿ’š

Binabati namin ang lahat ng ating atleta sa kanilang dedikasyon, tiyaga, at buong pusong pakikipaglaban. Ang bawat laro ay isang karanasan, bawat pagkatalo ay aral, at bawat tagumpay ay bunga ng inyong pagsisikap. ๐Ÿ‘

VOLLEYBALL BOYS ๐Ÿ

๐Ÿ… Nathaniel Villaluz
๐Ÿ… Mathew Talento
๐Ÿ… Sam Ivan Portugal
๐Ÿ… James Pertiz
๐Ÿ… David Saludez
๐Ÿ… Justin Ricalde

Coach: R J M. Alano

VOLLEYBAL GIRLS ๐Ÿ

๐Ÿ… Kristine Mae Recto
๐Ÿ… Ariane Salome
๐Ÿ… Mhaika Andiel Paraiso
๐Ÿ… Thalia Hermo
๐Ÿ… Aivylyn Marca
๐Ÿ… Ailyssa Nate
๐Ÿ… Ejane Acunin

Coach: Rejhelle M. Militante
Assitant Coach: Jessica L. Militante

ATHLETICS ๐Ÿƒ

๐Ÿฅ‰Ron Adrian Canaria - BRONZE Medalist (800 meter run)
๐Ÿ… John Francine Peras
๐Ÿ… Dave Soriano
๐Ÿ… Nhorman Villamayor
๐Ÿ… Mark Jay Ibatuan
๐Ÿ… Jayvee Isipin

Coach: Winnerson Y. Doctor
Assistant Coach: Dindo. T. Lumen

CHESS โ™Ÿ๏ธ

๐Ÿฅˆ Zowie Urica De Leon - SILVER Medalist
๐Ÿ… Eunice Almoradie
๐Ÿ… Eiron Almoradie
๐Ÿ… Ken Javan Enero

Coach: Hydelita O. Almoradie
Assistant Coach: Jo-Ann M. Tuacar

BADMINTON ๐Ÿธ

Single A

๐Ÿ… Ma. Jean Isabel Militante

Doubles Women

๐Ÿฅ‰ Emilyn Mendez - BRONZE Medalist
๐Ÿฅ‰ Mhika Andiel Paraiso - BRONZE Medalist

Coach: Lovely S. Escartin
Assistant Coach: Lorie-Jean M. Abitan

Sports Coordinator: Jerica L. Davila

School Head: Leandro J. Barrameda

Panalo man o hindi, kayo ay aming ipinagmamalaki! ๐Ÿ†๐Ÿ‘
Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya o puntos, kundi sa tapang na sumubok, sipag sa pagsasanay, disiplina, pakikipagkaibigan, at pusong hindi sumusuko. ๐Ÿคฒ

Mataas man ang tropeo o wala mang medalya sa kamay, panalo kayo sa aming mga puso. ๐Ÿ’ชโค๏ธ

Maraming Salamat po sa lahat ng tumulong at sumuporta sa ating mga atleta para makarating at makauwi ng ligtas ๐Ÿ™

Congratulations, athletes! You played with heart, fought with courage, and made your school proud! ๐Ÿ€๐Ÿ”ฅ
Laban lang, Team PCES! Ang susunod na tagumpay ay naghihintay! ๐Ÿซก ๐Ÿ†

โœ๏ธ
15/08/2026

โœ๏ธ

๐Ÿ“ข MAHALAGANG ANUNSIYO: REVISED DISCIPLINE POLICY ON PHYSICAL VIOLENCEPara sa ating mga minamahal na magulang, tagapangal...
07/07/2026

๐Ÿ“ข MAHALAGANG ANUNSIYO: REVISED DISCIPLINE POLICY ON PHYSICAL VIOLENCE

Para sa ating mga minamahal na magulang, tagapangalaga, at sa buong komunidad ng Portugal-Chavez Elementary School:

Nananatili po ang ating layunin na panatilihing ligtas, mapayapa, at masayang lugar para sa pag-aaral ang ating paaralan. Upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isang mag-aaral, ang pamunuan ng paaralan ay magpapatupad ng mas matatag na panuntunan sa disiplina.
Narito po ang mahahalagang detalye ng ating Rebisadong Patakaran sa Disiplina:

๐Ÿšซ Pangunahing Alituntunin: Bawal ang Manakit ng Kapwa

Mahigpit pong ipinagbabawal ang mga sumusunod na aksyon:
Pagsuntok, pagsipa, pananakit, at pagtulak
Pangung**ot o paghahagis ng mga bagay
Anumang gawaing pisikal na maaaring makasakit sa ibang bata.

โš–๏ธ Bagong Hakbang sa Disiplina

Dating Patakaran: Ang unang pagkakamali sa pisikal na pananakit ay karaniwang dinadaan muna sa Paalalang Pasalita (Verbal Warning).
Bagong Patakaran: Sa agarang pagpapatupadโ€”pagkatapos ng masusing pagsisiyasat at pagsunod sa tamang prosesoโ€”ang unang napatunayang insidente ng pisikal na pananakit ay papatawan ng Tatlong Araw na Suspensiyon (Three-Day Suspension).

๐Ÿ  Pagpapatuloy ng Pag-aaral sa Tahanan

Ang disiplina po ay ginagawa natin upang ituwid ang bata, at hindi upang sila ay ipahiya. Sa panahon ng suspensiyon:
Ang bata ay patuloy na mag-aaral sa loob ng kanilang tahanan.
Ang mga gawaing-pampaaralan ay itatalaga ng paaralan at gagabayan pati na rin tututukan ng kanilang Class Adviser.

๐Ÿค Ang Ating Layunin
Ang hakbang na ito ay binuo natin upang:
Ituwid ang maling asal ng bata nang may paggabay.
Protektahan ang ibang mag-aaral mula sa kapahamakan.
Iparating ang aral na ang pananakit sa kapwa ay may mabigat na kahihinatnan.

โค๏ธ Paalala ng Pagmamahal para sa mga Magulang

Katuwang ninyo po kami, kaya lumalapit po kami sa inyo na tulungan kaming paalalahanan ang inyong mga anak sa tahanan na:
๐Ÿ’ฌ Gumamit ng mga mabubuting salita.
โœ‹ Huwag mananakit gamit ang mga kamay at paa.
๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ Agad na magsumbong sa g**o kung may nararanasang problema.
๐Ÿ™ Piliin kung ano ang tama at mabuti sa paningin ng Diyos.

โ€œMagmalasakit kayo sa isa't isa, maging mabait at mapagpatawad...โ€ โ€” Taga-Efeso 4:32

Maraming salamat po sa inyong walang-sawang pagsuporta upang mapanatili nating ligtas, payapa, at puno ng pagmamahal ang tahanan ng kaalaman ng ating mga mag-aaral!

PAMUNUAN NG PORTUGAL-CHAVEZ ELEMENTARY SCHOOL

June 11, 2026 - Pagbisita ni PSDS Dr. Amorsolo Jamito sa Portugal-Chavez Elementary Schoolโ€œAng g**o ay mahalagang magtra...
12/06/2026

June 11, 2026 - Pagbisita ni PSDS Dr. Amorsolo Jamito sa Portugal-Chavez Elementary School

โ€œAng g**o ay mahalagang magtrabaho AS ONEโ€”nagkakaisa sa layunin, nagtutulungan sa bawat gawain, nagbabahaginan ng kaalaman at karanasan, at sama-samang humaharap sa mga hamon para sa ikauunlad ng paaralan at tagumpay ng bawat mag-aaral.โ€ โ˜บ๏ธ

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA MAGULANGMagandang hapon po!Pakibahagi po sa lahat ng mga magulang na sa Day 4 (Hunyo 11, 2026) ay magka...
10/06/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA MAGULANG

Magandang hapon po!

Pakibahagi po sa lahat ng mga magulang na sa Day 4 (Hunyo 11, 2026) ay magkakaroon ng mga pagpupulong:

๐Ÿ•˜ AM Session โ€“ HRPTA Meeting
๐Ÿ• PM Session โ€“ SPTA Meeting

Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mga programa at gawain ng paaralan para sa darating na panuruang taon.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa! โ˜บ๏ธ

Address

Cabuyao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Portugal-Chavez Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share