28/10/2020
DASTER
Para kay Crisencio
- Joshua Mari Lumbera
Walang pangalan walang asawa walang anak
sa bulaklaking bandana
na kinupas na ng dekada
walang pangalan walang bumitin walang sumuso
sa bulaklaking bra,
ang kaha ay nakakandado nang mahigpit
walang pangalan walang dumagan walang nanahan
sa bulaklaking panty,
ang kwebaay nanatiling sagrado
walang pangalan walang yamot walang ligalig
sa bulaklaking hardin
ng nag-iisang diwata
ngunit
may paruparo may hiwaga may tula
sa bulaklaking blusa
ng dalagang makata.
10/10/2020
NANG MINSA'Y MATAKOT ANG MUNDO
- John Carlo Lipa
Maingay ang mundo bago mo ito makita.
Dinig dati sa bawat eskinita ang hagikhik
Ng mga batang tumatalon sa pinagdugtong na mga lastik.
Nakasukob ang bawat pangarap sa puso.
At biglang narinig namin ang pagdapo ng 'yong mga paa sa sahig.
Lumingon kami ngunit di ka makita,
Ni matanaw.
Sabi-sabi ay nand'yan ka.
Kaya't nagkulong sa mga sariling tahanan.
Habang lumalaon ay may anong bigat dito sa balikat.
Habang lumalaon ay may anong gaan dito sa sikmura.
Nagulat kami na maging ang kapit-bahay ay nabibigatan na rin.
Nagulat kami na maging ang kapit-bahay ay nagagaanan na rin.
Ganuon din ang narinig sa balita.
Sa aking lungkot ay lumabas ako ng tahanan.
Tahimik ang bawat paligid.
May anong tunog na kasing bigat ng nasabing pasanin sa balikat.
May anong kabang pilit kinukupkop.
Kinikimkim.
Baka makahawa.
May anong butas na umukit sa aking dibdib.
Malalim ang aking mata ng tingalain itong kisame ng mundo.
Dama ko sa aking balat ang mabigat na pagbagsak ng sikat ng araw.
Abandonadong kalsada.
Nakapinid na mga establisyimento.
Malawak ang dating masikip na kalye.
Mabilis ngunit malungkot itong paglalakbay.
08/10/2020
HINDI BAGO NGUNIT NORMAL
- Carl Baswel
"Gumising si Kuya Ambo. Ginawa niya ang normal na ginagawa sa hapon: sinindihan ang gasera, nagtungo sa kusina, nagsaing ng kanin, naghain sa amin. Salamat, Kuya Ambo.
Naligo siya, nagbuhos ng ilang tabo, nagtapis, at nagpatuyo. Nang matapos siyang magbihis, isinuot na ang maskarang gawa sa tela na nakasabit sa tainga at nakatakip sa bibig. “Aalis na 'ko, bunso."
Wala pang isang minuto ay umalingawngaw na sa katahimikan ng takipsilim ang sigaw ni Kuya Ambo.
"Balooooot! Balooooot" — hudyat na maaari na akong kumain. Ulam ay asin, ulam ay toyo, ulam ay kanin. Pagdapo ng antok ay tatabi kay Inay at hihimbing sa hele niyang malambing.
Normal ang buhay.
Ngumiti ang umaga. Tulog na si Kuya. Sabi sa radyo kami raw ay "malaya" na. Nagdiwang ang lahat at ang mga tao ay nasa kalsada, nagsasayaw, nagtutugtugan, magkakasama pero may distansya. 'Di na kailangan ng maskara dahil ang mga ito'y pinalipad na. Ang bagong normal.
Salamat, o Diyos, sa ikalawang buhay.
Hapon.
Gumising si Kuya Ambo. Ginawa niya ang normal niyang ginagawa sa hapon: sinindihan ang gasera, nagtungo sa kusina, nagsaing ng kanin, naghain sa amin. Salamat, Kuya Ambo.
Naligo siya, nagbuhos ng ilang tabo, nagtapis, at nagpatuyo. Nang matapos siyang magbihis, hindi na niya isinuot ang maskarang gawa sa tela na isinasabit sa tainga at tumatakip sa bibig. “Aalis na ‘ko, bunso.”
Wala pang isang minuto ay umalingaw-ngaw na sa katahimikan ng takipsilim ang sigaw ni Kuya Ambo.
"Balooot! Balooot!" — mas malakas kaysa kahapon. Hudyat ito na maaari na akong akong kumain. Ulam ay asin, ulam ay toyo, ulam ay kanin. Tatabi kay Inay at hihimbing sa hele niyang malambing. Tuloy ang buhay."
25/09/2020
PAGHINGA AT PAHINGA
- Ace Gimutao
Lahat ng paglayo ay paghahanap,
Paghinga at pahinga.
Luntian ang sumisimbolo sa natural at malinis na kapaligiran.
Humihinga nang malalim ang tao kapag gusto niyang kumalma,
Kapag gusto niyang magpahinga.
Sa lugar kung saan magkayakap ang katahimikan at kaginhawahan,
Magpapatuloy ang paglayo,
Magpapatuloy ang paghahanap,
Magpapatuloy ang pahinga,
Magpapatuloy ang paghinga
Matakaw ang mga halaman
Lalo na kung marami sila,
Lalo na kung napapaligiran ka nila.
Unti-unti nilang kakainin ang kabalisaan sa puso mo.
At ‘pag nabusog na sila,
Ididighay nila ang kapanatagan
na mapapasaiyo sa pamamagitan ng malalim na paghinga
At sandaling pahinga.
Lahat ng paglayo ay paghahanap,
Ngunit hindi lahat ng hinahanap mo
Ay mahahanap mo sa paglayo.
23/09/2020
"Ang pagkakaisa ay pagbubuklod. Subalit sa panahon kung saan nag-uunahan ang mga paa sa hukay, ang pagkakaisa ay matatawag mo lamang na isang tunay na pagbubuklod kung magiging makasarili ka sa sarili mong espasyo ng paligid, at sa haplos na madalang na lamang dadampi sa isa't isa.
Ito ang tunay na mundo. Hindi na ito isang istorya kung saan upang mabatid mo ang kahalagahan ng isang tao ay kailangan mo siyang bigyan ng sapat na oras upang mag-isip. Ang panahon upang hanapin niya ang kanyang sarili ay ang oras kung saan maisasalba niya ang pansarili ninyong kapakanan.
Bigyan natin ng oras ang panahon upang maghilom. Ang paghilom ay makakamtan lamang kung palalayuin ang isa't isa."
- Joshua Delizon
15/09/2020
'VL mumblings, but written not mumbled'
Paid is the operative word
86 hours.
Imagine 86 hours without work,
or without pretending to work.
Without conference calls,
Without someone hoping their emails find you well
(in a pandemic!).
Again, without pretending, generally.
But paid
I can't stress this enough
Paid is the operative word
(and, but?)
For once, you so desperately/naively believe
You have free time
To do what you want
But what is free
And more importantly,
What do you want?
("What do you want?"
Probably more alarming, even cringey,
than important)
Cringey
I hate that word –
Ironically (or is it paradoxically?),
the cringiest of them all.
Plus, naively
Because it's like it was from a Taylor Swift song
(folklore, though, is in a league of its own –
are you a mirrorball?)
A waste of time
A waste of space
Definitely not a mirrorball
More like, inconsequential cosmic dust –
(me, not you
Or,
me and you
and all of us).
Inconsequential
I like that word,
I like that word like I hate cringey and naively combined –
Like I hate glorifying busyness, and busyness itself
Like I hate how we (some people) think we're (they're) important, as if we're (they're) the sun and the world revolves around us (them)
Like I hate false dreams and false hopes and false ideals
Like I hate this government, how fcking incompetent they are while being so unbelievably proud and amazingly optimistic/delusional at the same time (in a pandemic!)
Wait, I think I hate the government more than I hate cringey and naively combined
86 hours
(Paid) 86 hours
(Paid) 86 hours of hating
(Paid) 86 hours of hating while wanting
(Paid) 86 hours of wanting
(Paid) 86 hours of wanting to be free, wanting anything to be free
Why is nothing free?
(Paid is the operative word)
- Dayanarra Salazar
04/09/2020
"Darang sa ilang bantas ang pag-ibig ko sa'yo."
03/09/2020
"Let your dream move your soul."
24/08/2020
ABOUT US
“All you need to be able to write is to be a little bit…crazy!”
The Sunday Writing Class (SWC), as a literary laboratory, embodies through this mantra our principles. We believe that writing is an empowering act. Propelled by imaginative and critical thinking, it allows us to see things in new and different perspectives. We, to borrow a popular expression “get out of the box” whenever we write. Thus, we believe that writing is a powerful tool in liberating ourselves and as well as others.
SWC started as a one-day lecture in September 2007 by Philippine Star columnist, Büm Tenorio, Jr. for some campus journalists of Gulod National High School which is in the town of Gulod in Cabuyao City. Later, through the inspiration and generosity of Sir Büm and the passion and diligence of the students, the one-day lecture has evolved into a regular writing class every Sunday. We held a variety of extraordinary sessions where we wrote short pieces based on a wide range of topics, listened to each other’s works and stories that solidified our bond, read and analyzed poems, fiction, plays, and even films, and talked about relevant issues and our life experiences.
For 13 years, under the mentoring of Sir Büm, SWC produced budding writers, aspiring artists, alumni who are now professionals, and flourishing learners who have developed and carried with them the skills and values honed by the class.
Through this online platform, we hope you join us in extending our voyage out of the box. Let us set free…a little bit of our craziness.