04/11/2025
Apat na buwan nalang ang natitira… at unti-unti nang nagiging totoo yung mga bagay na dati ay biro lang — “malapit na tayo magpaalam.” Byaheng 2nd Sem na tayo, mga ka-STEM. Ang bilis ng lahat… parang kahapon lang sabay tayong nag-a-adjust, sabay nagkakagulo sa quizzes, sabay nagpa-panic sa deadlines, sabay umiiyak sa labs. Ngayon, we’re counting the last stretch together.
Kung ano man yung hirap, pagod, puyat, breakdowns, tampuhan, stress at pressure — lahat yun naging parte ng kwento. Hindi man naging madali ang byahe, pero naging mas makulay dahil magkakasama tayo. Iba pa rin talaga kapag STEM — mabigat, pero worth it dahil may mga taong sabay mong tinatahak yung daan.
So habang may 4 months pa… sulitin pa natin yung natitirang time. Minsan hindi natin namamalayan, memories na pala yung mga ordinary days. Let’s finish strong, finish together, and finish with no regrets. Paalam na ba STEM? Hindi pa ngayon. May laban pa tayo.