30/08/2025
Ang Calaocan Integrated School sa pangunguna ni Gng. Lorna T. Carbonel, Ulong G**o ay nakiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may Temang, โPaglinang sa Filipino at mga Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ
Isang makabuluhan at makulay na palatuntunan ang nasaksihan ng mga mag-aaral, mga magulang, at mga kaguruhan. Muling nagpamalas ng angking husay at galing ang mga CISians sa ibaโt ibang patimpalak kabilang na ang tagisan ng talino, paglikha ng slogan at poster, at Pagkukuwento (tampok na kaganapan sa Barangay Calaocan), pagsulat ng sanaysay at pagsulat at pagbigkas ng tula sa sekundarya, pag-awit ng Katutubong awitin o awitin Makabayan at sabayang pagbigkas.
Pinatutunayan nito na marami pa rin sa mga kabataan ang nagpapakita ng natatanging kahusayan sa anumang kasanayan, pagpapahalaga, at pagmamahal sa wika at kulturang sariling atin bilang pagkakakilanlan ng ating bansa.
Binuhay ni Bb. Mhaylene B. Gonzales, G**o III ng BNHS, Panauhing Pandangal, ang kaisipan at damdamin ng mga CISians, sa nasabing pagdiriwang. Ayon kay Bb. Gonzales, nararapat na gamitin at payabungin ang wikang Filipino at wikang katutubo hindi lang bilang kasangkapan sa pakikipagtalastasan kundi bilang tulay sa pagkakaisa.
Tunay ngang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ang Wikang Filipino at mga katutubong wika. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay at bansa sapagkat ito ay intrumento ng kalayaan, pagbabago, at pagkakaisa.
Pagbati sa lahat ng mga nakibahagi sa programang ito, Gng. Jonalyn O. Guinid, Tagapag-ugnay sa Filipino (Sekundarya) at Gng. Hilda M. Acosta, Tagapag-ugnay sa Filipino (Elementarya) sampu ng lahat ng kaguruhan ng CIS.
ang Wikang Filipino!
ang mga Katutubong Wika!