16/09/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT!
Ang buong pamunuan ng Villarose Integrated School ay lubos na nagpapasalamat sa Provincial Local Government Unit of Quirino sa pagpili sa aming paaralan bilang isa sa mga benepisyaryo ng garden tools sa ilalim ng programang "Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat."
Ang handog na ito ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng aming adbokasiya sa Gulayan sa Paaralan at sa paghubog ng mas responsable at makakalikasan na mag-aaral.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Schools Division of Quirino - School Governance and Operations Division (SGOD) sa walang sawang suporta at paggabay sa aming paaralan.