19/07/2026
Sa pangunguna ng ating masisipag na SELG Officers, matagumpay nating isinagawa ang “Ako'y Mabuti Challenge" bilang pagpapalaganap ng kabutihan, paggalang, at responsableng pag-uugali sa ating paaralan.
“Magandang buhay ang bunga ng mabuting puso, mabuting isip, at mabuting gawa."
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang hamong ito upang ang bawat mag-aaral ay patuloy na mamuhay nang may kabutihan, integridad, at malasakit sa kapwa. Sa bawat tamang pag-iisip at mabuting gawa, sama-sama nating binubuo ang isang ligtas, masaya, at mapagmalasakit na komunidad ng Apo-Apo Elementary School.
Think Right, Do Right, Be Apo-Apo Bright!💙
-ApoElementarySchool