02/10/2026
Isang Araw ng Pagbabahagi,Pagmamalasakit at Pagmamahal🩵
Lubos na nagpapasalamat ang Cadmang High School sa Cabangan National High School (CNHS) sa pangunguna sa isang makabuluhang outreach activity para sa aming mga learners.
Taos-pusong pasasalamat Kay Ma’am Costales Fontillas ang School Principal ng CNHS, sa mga officers ng SSLG , BKD, YES-O, Organization Advisers, SPTA/FPTA officers,, ALS- Bread and Pastry, at sa lahat ng gurong nakiisa, gayundin kina Ma’am Nena F.Domil at Sir Michael Flor D. Favo, sa kanilang oras, pagsisikap, malasakit, at bukas-palad na pagbabahagi.
Ang inyong kabutihan at suporta ay nagdulot ng saya at inspirasyon sa aming mga mag-aaral.
Higit pa sa mga bagay na inyong ibinahagi, ang inyong presensya ay isang paalala na sa pamamagitan ng malasakit, bayanihan, at pagkakaisa, mas marami tayong buhay na maaaring maabot at mapasaya.
Maraming, maraming salamat, Cabangan National High School!🩵