21/09/2026
🇵🇭✨ Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ✨🇵🇭
Nitong nakaraang Agosto, nakiisa ang mga studyante ng Christian Faith Montessori sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, bilang pagpapahalaga sa ating sariling wika, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yamang ng Impormasyon,” binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa pagkatuto at pananaliksik, kasabay ng responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya at AI.
Patuloy nating mahalin, gamitin, at pagyamanin ang ating wika habang tinatahak ang makabagong mundo. 🇵🇭
Mabuhay ang Wikang Filipino!