DepEd Camp Tinio Elementary School

DepEd Camp Tinio Elementary School The OFFICIAL Page of Camp Tinio Elementary School.

PAHAYAG UKOL SA WORLD TEACHERS’ DAYTaos-pusong binabati at pinahahalagahan ng Camp Tinio Elementary School ang ating mga...
04/10/2026

PAHAYAG UKOL SA WORLD TEACHERS’ DAY

Taos-pusong binabati at pinahahalagahan ng Camp Tinio Elementary School ang ating mga minamahal na g**o para sa kanilang walang-sawang dedikasyon, malasakit, at mahalagang ambag sa paghubog ng kabataan at pagpapaunlad ng ating pamayanan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, nais ipabatid na ang mga pampublikong g**o ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Education (DepEd). Ang mga usapin hinggil sa suspensyon ng klase o pasok para sa mga kawani at g**o ng pampublikong paaralan ay naaayon sa opisyal na patakaran at anunsyo ng DepEd National at DepEd Cabanatuan City.

Ang kapangyarihan ng Lokal na Pamahalaan na magsuspinde ng klase o pasok ay nakapaloob lamang sa mga partikular na sitwasyon, gaya ng kalamidad, matinding lagay ng panahon, at mga banta sa seguridad at kaligtasan ng publiko, alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat na maghintay at sumubaybay sa opisyal na anunsyo ng DepEd National at DepEd Cabanatuan City para sa anumang kaukulang abiso hinggil sa suspensyon ng klase, pasok, o pagdedeklara ng wellness break.

Samantala, para sa mga pribadong paaralan, ang pagpapasya hinggil sa suspensyon ng klase ay ipinauubaya sa pamunuan ng bawat paaralan, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Nanatiling buong-pusong nakikiisa at sumusuporta ang Camp Tinio Elementary School sa mga programa at hakbang na naglalayong mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga g**o at mag-aaral.

Muli, mainit po ang aming pagbati at pasasalamat sa lahat ng ating mga bayaning g**o!

Mabuhay ang G**ong Kampo!
Maligayang World Teachers’ Day!

03/10/2026

Responsiveness to Inclusiveness: Establishing a Learner Responsive Teacher
October 2, 2026 | Friday

RESPONSIVENESS TO INCLUSIVENESS: GURONG HANDA, BATANG WALANG NAPAG-IIWANANIsang makabuluhang talakayan ang isinagawa sa ...
03/10/2026

RESPONSIVENESS TO INCLUSIVENESS: GURONG HANDA, BATANG WALANG NAPAG-IIWANAN

Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa sa Camp Tinio Elementary School sa pamamagitan ng seminar na “Responsiveness to Inclusiveness: Establishing a Learner Responsive Teacher.”

Pinangunahan ito ni Ma’am Rubylyn M. Singian, Special Education Teacher III, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa inclusive education, learner diversity, accommodation, modification, assessment, at iba pang angkop na suporta para sa bawat mag-aaral.

Sa pagtalakay, binigyang-diin na ang bawat learner ay may magkakaibang pangangailangan at paraan ng pagkatuto—kaya mahalaga ang g**ong marunong umunawa, umangkop, at tumugon.

Isang hakbang tungo sa mas inclusive, equitable, at learner-responsive na paaralan, kung saan bawat batang Kampo ay may pagkakataong matuto, makilahok, at umunlad.

03/10/2026
03/10/2026
03/10/2026

GURONG KAMPO: PAGPUPUGAY, PASASALAMAT, AT SAMASAMANG SAYA!

Isang araw na puno ng tawa, halakhak, saya, at pasasalamat ang naging pagdiriwang ng Teachers’ Day Celebration para sa ating mga G**ong Kampo ng Camp Tinio Elementary School.

Sa simpleng awit na inialay nang buong puso, masasayang palaro, nakakatuwang raffle of gifts, at salu-salong hapunan, naging pagkakataon ang pagdiriwang upang pansamantalang makapagpahinga, magsaya, at higit sa lahat, maramdaman ng bawat g**o kung gaano sila pinahahalagahan, minamahal, at sinusuportahan.

Dahil ang pagiging g**o ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng panahon, pag-unawa, malasakit, at pusong laging handang maglingkod para sa bawat Batang Kampo. Kaya ngayong araw, ang mga g**ong araw-araw na nagbibigay ay sila naman ang binigyan ng pagkakataong ngumiti, tumawa, at ipagdiwang ang kanilang pagiging g**o.

Taos-pusong pasasalamat sa pangunguna ni Punong G**o IV, Dr. Trinidad G. Beltran, sa walang sawang suporta at malasakit para sa ating mga G**ong Kampo.

Maraming salamat din sa ating mga magulang, mag-aaral, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na patuloy na nakikiisa sa bawat hakbang ng CTES.

Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat kay Mommy Myra Javate and Family sa kanilang patuloy na pagmamahal, suporta, at malasakit sa mga G**ong Kampo. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na kapag ang isang komunidad ay nagtutulungan, mas nagiging makulay at makabuluhan ang bawat pagdiriwang.

At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga generous sponsors na naging bahagi ng espesyal na araw na ito:

✨ The Nest Resort & Campground
✨ Meri’s Aesthetic Beauty & Wellness
✨ Dad’s Family Restaurant
✨ Madam Tess Talao Sinaguinan
✨ Madam Teresita Feliciano
✨ Chief Engr. Rowena Galut
✨ Chief Engr. Angelo Cruz
✨ Mrs. Ma. Theresa Encarnacion
✨ Red Dimsum
✨ Stand n Stride
✨ Mhar Javate
✨ SPTA President Orlando Quirante
✨ Kapitan Anita Pascual

Ang inyong suporta ay naging bahagi ng mga ngiting nabuo, tawanan na naghari, at mga pusong napuno ng pasasalamat.

Sa bawat awit, laro, regalo, tawanan, at salu-salo, isang mensahe ang malinaw:

Ang G**ong Kampo ay hindi nag-iisa.
May paaralang sumusuporta, may pamilyang nakikiisa, may mga mag-aaral na nagbibigay-inspirasyon, at may komunidad na patuloy na naniniwala sa kahalagahan ng isang g**o.

Para sa lahat ng G**ong Kampo—maraming salamat sa inyong puso, serbisyo, at pagmamahal sa mga batang inyong ginagabayan. Kayo ang puso ng silid-aralan at ilaw ng Batang Kampo.

Happy Teachers’ Day, G**ong Kampo!
Mabuhay ang mga g**ong patuloy na nagtuturo, nagmamalasakit, at nagbibigay-liwanag!

**ongKampo





**o See less

03/10/2026
GURONG KAMPO: PAGPUPUGAY, PASASALAMAT, AT SAMASAMANG SAYA! Isang araw na puno ng tawa, halakhak, saya, at pasasalamat an...
03/10/2026

GURONG KAMPO: PAGPUPUGAY, PASASALAMAT, AT SAMASAMANG SAYA!

Isang araw na puno ng tawa, halakhak, saya, at pasasalamat ang naging pagdiriwang ng Teachers’ Day Celebration para sa ating mga G**ong Kampo ng Camp Tinio Elementary School.

Sa simpleng awit na inialay nang buong puso, masasayang palaro, nakakatuwang raffle of gifts, at salu-salong hapunan, naging pagkakataon ang pagdiriwang upang pansamantalang makapagpahinga, magsaya, at higit sa lahat, maramdaman ng bawat g**o kung gaano sila pinahahalagahan, minamahal, at sinusuportahan.

Dahil ang pagiging g**o ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng panahon, pag-unawa, malasakit, at pusong laging handang maglingkod para sa bawat Batang Kampo. Kaya ngayong araw, ang mga g**ong araw-araw na nagbibigay ay sila naman ang binigyan ng pagkakataong ngumiti, tumawa, at ipagdiwang ang kanilang pagiging g**o.

Taos-pusong pasasalamat sa pangunguna ni Punong G**o IV, Dr. Trinidad G. Beltran, sa walang sawang suporta at malasakit para sa ating mga G**ong Kampo.

Maraming salamat din sa ating mga magulang, mag-aaral, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na patuloy na nakikiisa sa bawat hakbang ng CTES.

Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat kay Mommy Myra P. Javate and Family sa kanilang patuloy na pagmamahal, suporta, at malasakit sa mga G**ong Kampo. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na kapag ang isang komunidad ay nagtutulungan, mas nagiging makulay at makabuluhan ang bawat pagdiriwang.

At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga generous sponsors na naging bahagi ng espesyal na araw na ito:

✨ The Nest Resort & Campground
✨ MERI Aesthetic Beauty & Wellness
✨ Dad's Family Restaurant Cabanatuan
✨ Madam Tess Talao Sinaguinan
✨ Madam Teresita Feliciano
✨ Chief Engr. Rowena Galut
✨ Chief Engr. Angelo Cruz
✨ Mrs. Ma. Theresa Encarnacion
✨ Red Dimsum
✨ Stand n Stride
✨ Mhar Javate
✨ SPTA President Orlando Quirante
✨ Kapitan Anita Pascual

Ang inyong suporta ay naging bahagi ng mga ngiting nabuo, tawanan na naghari, at mga pusong napuno ng pasasalamat.

Sa bawat awit, laro, regalo, tawanan, at salu-salo, isang mensahe ang malinaw:

Ang G**ong Kampo ay hindi nag-iisa.
May paaralang sumusuporta, may pamilyang nakikiisa, may mga mag-aaral na nagbibigay-inspirasyon, at may komunidad na patuloy na naniniwala sa kahalagahan ng isang g**o.

Para sa lahat ng G**ong Kampo—maraming salamat sa inyong puso, serbisyo, at pagmamahal sa mga batang inyong ginagabayan. Kayo ang puso ng silid-aralan at ilaw ng Batang Kampo.

Happy Teachers’ Day, G**ong Kampo!
Mabuhay ang mga g**ong patuloy na nagtuturo, nagmamalasakit, at nagbibigay-liwanag!

**ongKampo





**o

30/09/2026

CAMP TINIO ELEMENTARY SCHOOL, PINAGTIBAY ANG KASANAYAN SA PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG PPST-ALIGNED TRAINING

Ulat ni Kampo Patroller Baby Jane Balbin.

Youtube: https://youtu.be/827kYj7nCKg

30/09/2026

Address

Campo Tinio
Cabanatuan City
3100

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Camp Tinio Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Camp Tinio Elementary School:

Shortcuts

Share

Category