11/03/2025
Ang Paaralang Marciano del Rosario Memorial Elementary School ay nagdiwang ng Ash Wednesday noong ika 5 ng Marso, 2025 sa isang marangal na seremonya na pinangunahan ni Bro. Tony Manabat.
Sa harap ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, nagdaos ng isang maikling misa ng pagninilay. Ipinahayag ni Bro. Tony Manabat ang kahalagahan ng araw na ito bilang isang paalala ng pagsisisi, pagpapakumbaba, at paghahanda sa panahon ng Kwaresma.
Matapos ang mensahe, isa-isang tinanggap ng mga kalahok ang abo sa kanilang noo bilang tanda ng kanilang pagsisisi at pagnanais na magsimula muli sa espiritwal na buhay. Ang seremonya ay nagbigay ng pagkakataon sa buong paaralan na magmuni-muni at magtakda ng mga layunin para sa mas malalim na pananampalataya. Ang Ash Wednesday sa paaralang ito ay isang makulay na pagsisimula ng isang marangal na paglalakbay ng pananampalataya at pagbabago.
UKIT MARANGAL
**oatkawani
05/03/2025
27/01/2025
15/11/2024
15/11/2024