Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies

Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies, School, Zulueta Street, Cabanatuan City.

Photos from Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies's post 12/08/2026

Maraming salamat sa makabuluhang pagbisita ngayong araw, August 22, 2026, MVGFC, Junior High School students.

Grade 7 - TeamWork
Grade 8 - Diligence
Grade 8 - Humility

08/08/2026

https://www.facebook.com/share/p/199ZeRZEZh/

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, 40 sa 135 na wikang ginagamit sa Pilipinas ang malubhang nanganganib, at marami sa mga ito ay ginagamit na lamang ng iilang tao.

Narito ang ilan sa mga wikang unti-unting nakalilimutan at ang mga lugar kung saan sila ginagamit.



Editor's Note: Itinatama namin ang naunang caption na nagsabing 180 ang wikang nanganganib. Ang tamang bilang ay 40 sa 135 na wikang ginagamit sa Pilipinas ang malubhang nanganganib. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkakamali.

04/08/2026

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, muling pinagtitibay ang kahalagahan ng pagpapahalaga, pagpapanatili, at pagpapayabong ng ating sariling wika sa gitna ng makabagong panahon.

Sa kabila ng patuloy na pagbabago ng mundo, nananatiling mahalaga ang wika bilang instrumento ng kaalaman, pananaliksik, at paghubog ng kamalayang Pilipino.

Nakikiisa ang Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies sa pagdiriwang na ito bilang pagpupugay sa mayamang pamana ng ating lahi bilang paalala na ang ating wika ay buhay, makapangyarihan, at patuloy na nag-uugnay sa atin bilang isang bansa.

Patuloy nating ipagmalaki, gamitin, at mahalin ang wikang Filipino. Sapagkat dito nakaugat ang ating tunay na pagkatao.




03/08/2026

Kinikilala ng MV Gallego Foundation Colleges, Inc. ang panitikan bilang mahalagang daluyan ng paglikha ng kaalaman, pangangalaga sa pamanang pangkultura, at pagpapahayag ng kamalayang panlipunan. Bilang isang institusyong nakatuon sa kahusayan sa pagtuturo, pananaliksik, at paglilingkod sa pamayanan, itinuturing nitong mahalagang bahagi ng akademikong pag-unlad ang paglinang sa malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at alumni sa larangan ng panitikan at malikhaing pagsulat. Bilang tugon sa adhikaing ito, inilulunsad ang Project CARIDAD: Journal sa Malikhaing Pagsulat, ang kauna-unahang refereed literary journal ng MV Gallego.

PANGKALAHATANG MEKANIKS

A. Pormat
• Font: Arial
• Font Size: 12
• Line Spacing: Double-spaced
• File Format: PDF
Dagli
• Isa (1) hanggang dalawang (2) dagli/ Filipino
• Hindi lalampas sa isang pahina bawat dagli
Tula
• Dalawa (2) hanggang tatlong (3) tula / Filipino
• Malayang pumili ng anyo at estilo ang may-akda

B. Lahat ng akda ay:
• Orihinal at hindi pa nailalathala.
• Hindi pa naisusumite sa ibang publikasyon.
• Hindi nilikha gamit ang Artificial Intelligence (AI).
• May kalakip na isang (1) pahinang Poetika na nagpapaliwanag sa proseso, estetika, at mga prinsipyong gumabay sa paglikha ng akda.

C. Lahat ng manuskrito ay sasailalim sa:
1. Initial Screening
2. Double-Blind Peer Review
3. Author Revision
4. Copyediting
5. Layout and Proofreading
Mahigpit ding ipatutupad ang pagsunod sa 2014 Manwal sa Masinop na Pagsulat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

D. Isumite ang PDF file ng akda kasama ang maikling bio note sa:
[email protected]
Subject at Filename Format
KATEGORYA – BUONG PANGALAN
Halimbawa:
DAGLI – JUANA G. DELA CRUZ
Makakatanggap ang may-akda ng kumpirmasyon ng pagtanggap ng lahok at resulta ng refereeing matapos ang proseso ng pagsusuri.

E. Huling araw ng pasahan: 15 Setyembre 2026

F. Bukas para sa mga sumusunod:

• Kaguruan ng MV Gallego (kasama ang High School)
• Mag-aaral ng MV Gallego (kasama ang High School at Graduate School)
• Kawani ng MV Gallego
• Alumni
• External Partners (PUP Cabiao Campus)
• Partner Communities (Talipapa Elementary School, DS Garcia Elementary School, MS Garcia Elementary School, at ACA Elementary School)

Photos from MVGFC Community Extension and Outreach Program's post 01/08/2026

𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝗺 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗕𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija—Bilang paghahanda sa nalalapit na School Press Conference, nagsagawa ng journalism training ang Talipapa Elementary School sa pagtutulungan ng Community Extension and Outreach Program (CEOP) at Heritage and Internationalization Office ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges, Inc. (MVGFCI), na naglalayong hasain ang kakayahan ng mga batang mamamahayag sa iba't ibang larangan ng pamamahayag.

Inimbitahan bilang mga tagapagsanay sina Frederick Manalastas, Technical Assistant ng Community Extension and Outreach Program, at Camille Torres, Technical Assistant ng Heritage and Internationalization Office, sa pamumuno at paggabay ni Rene Boy Abiva, Director ng dalawang tanggapan. Ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na pakikipagtuwang ng kolehiyo sa mga paaralan upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusulat at paghahanda sa mga kompetisyong pampahayagan.

Pinangunahan ni Manalastas ang pagsasanay sa Editorial Writing at Column Writing, kung saan ibinahagi niya ang mahahalagang prinsipyo sa pagsulat ng mapanuring editoryal at makabuluhang kolum. Binigyang-diin din niya ang wastong pagbuo ng argumento, paggamit ng ebidensya, at malinaw na pagpapahayag ng pananaw bilang mahahalagang kasanayang kinakailangan sa kompetisyon.

Samantala, tinutukan naman ni Torres ang News Writing, kung saan ginabayan niya ang mga kalahok sa tamang pagsulat ng balita gamit ang inverted pyramid, wastong pagbuo ng lead, at pagsunod sa pamantayan ng katumpakan, balanse, at obhetibidad sa pamamahayag.

Magpapatuloy ang journalism training sa susunod na Biyernes sa pangunguna ni Rene Boy Abiva, na magsisilbing tagapagsanay sa Feature Writing. Inaasahang higit pang mapauunlad ng mga kalahok ang kanilang kasanayan sa malikhaing pagsulat at pagkukuwento bilang bahagi ng komprehensibong paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na paligsahan.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng Talipapa Elementary School at Manuel V. Gallego Foundation Colleges, Inc., inaasahang mas magiging handa at kumpiyansa ang mga batang mamamahayag sa pagpapamalas ng kanilang husay sa larangan ng campus journalism.






28/07/2026

Bagong Publikasyon, Itinampok sa Pambansang Dyornal

‎Cabanatuan City — Ipinahayag ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges (MVGFC), sa pamamagitan ng Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies, ang matagumpay na publikasyon ng pananaliksik ni Katuwang na Propesor Rene Boy E. Abiva sa isang kinikilalang akademikong dyornal.

‎Ang kanyang pag-aaral na pinamagatang “Intelektuwal na Pagbabalangkas ng Bayograpiya ni Dr. Manuel Viola Gallego: Wika, Nasyonalismo, at Edukasyon” ay nailathala sa Lusong: Dyornal ng Malikhaing Pagsulat at Araling Pilipino ng Bulacan State University.

‎Nilalayon ng nasabing pananaliksik na suriin at palalimin ang pag-unawa sa mahalagang ugnayan ng wika, nasyonalismo, at edukasyon sa konteksto ng bayograpiya ni Dr. Manuel V. Gallego.

‎Ang publikasyong ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng MVGFC sa pagsusulong ng kahusayan sa pananaliksik, gayundin sa pagpapalakas ng ambag nito sa larangan ng Araling Pilipino.

‎Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies.


Photos from Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies's post 24/07/2026

HAPPENING NOW | Benchmarking Activity ng Internationalization Committee, Isinasagawa sa Limay Polytechnic College

‎LIMAY, BATAAN — Isinagawa ngayong araw, July 24, 2026, ang isang benchmarking activity ng Internationalization Committee sa Limay Polytechnic College bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng mga programang pang-internasyonal ng institusyon.

‎Layunin ng aktibidad na makakuha ng mahahalagang kaalaman at pinakamahusay na mga praktis sa mga larangan ng institutional readiness, policy development at strategic planning, capacity building, international linkages and partnerships, program implementation, at monitoring at evaluation.

‎Dumalo sa nasabing gawain sina Dr. John Patrick A. Garces, Dean ng Institute of Teacher Education at Committee Member ng Internationalization; Dr. Al John Marcelino, Faculty Member ng Institute of Business Management at Committee Member ng Internationalization; at Ms. Camille Torres, Technical Assistant ng Heritage Center at Internationalization Committee.

‎Inaasahang makatutulong ang gawaing ito sa higit pang pagpapahusay ng mga programang pang-internasyonal at sa pagpapatibay ng ugnayan ng mga institusyon tungo sa isang globally responsive na edukasyon.



16/07/2026

🎤 Maliit na Mikropono. Malalaking Tinig. Makabuluhang Panitikan.

Makiisa ngayong buwan ng Agosto para sa unang pagtatanghal ng MicroPHONO: Poetry Reading Marathon, isang bukas at malayang entablado para sa lahat ng Gallegan na nagnanais magbahagi ng kanilang tinig sa pamamagitan ng tula.

📖 Magbasa.
🎙️ Magbahagi.
✨ Magbigay-inspirasyon.

Dito, bawat tula ay may puwang. Bawat tinig ay mahalaga. At bawat salitang binibigkas ay nagiging bahagi ng ating kolektibong kuwento at pamana.

Manatiling nakasubaybay para sa anumang karagdagang detalye.

📅 Every Friday
📍 Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies
🎟️ FREE ENTRY

Halina at iparinig ang iyong tinig—mula sa at para sa mga nasa laylayan. Dahil sa MicroPHONO, ang bawat tinig ay may saysay.







15/07/2026

https://www.facebook.com/share/18wLaJJZLu/

🌊 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒂𝒍𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐. 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐, 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊.

Mula sa ating mga baybayin hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo, ang kasaysayan ng Pilipinas ay kuwento ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saan man sila makarating. Ang dagat ang naging tulay ng ating kalakalan, diplomasya, at ng milyun-milyong Pilipinong bumuo ng mga komunidad sa ibayong-dagat.

⚓ Ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026, samahan ang NHCP sa paglalayag sa temang "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻." Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. 𝑇𝑎𝑟𝑎, 𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛—𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑘𝑙𝑎𝑠𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑎𝑑𝑎𝑙ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑎𝑙𝑜𝑛! 🇵🇭🌊

Antabayanan ang opisyal na kalendaryo ng History Month 2026 sa mga susunod na araw!




Want your school to be the top-listed School/college in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Zulueta Street
Cabanatuan City