Outfit 008/Imelda Integrated School

Outfit 008/Imelda Integrated School

Share

"Hala Bira, Imelda Aarangkada"
serve with pride
Cabanatuan City Council

05/04/2026

πŸ™πŸΌ

π—₯π—˜π—π—’π—œπ—–π—˜! 𝗛𝗲 π—Άπ˜€ π—Ώπ—Άπ˜€π—²π—».

The grave is empty, and with it, every doubt that love could ever be defeated.
What was lost is restored. What was defeated now lives.

Scouts, carry it forward. Let it shape how you lead, how you serve, how you forgive. Rise, not once, but every day.



03/04/2026

The cross stands. The nails are still there in memory. The crown of thorns reminds us of the cost. It was pain. It was love. All of it given for us.

It challenges us to live intentionally, letting every choice be guided by care, courage, and love.

β€œIt is finished.” But the story doesn’t end. It moves through us.

01/04/2026

Junior High School Level

Ang masining at matikas na pagpapasok ng mga kulay sa araw ng Moving Up Ceremony ng Junior High School ng Imelda Iskawts, Outfit 008

Isang makabuluhang pagpapakita ng dangal, pagkakaisa, at kahusayan para sa Inang Paaralan.

Sa bawat hakbang at galaw, pinatutunayan ang disiplina, lakas, at dedikasyon sa paglilingkod ❀️✨
Handang humarap sa susunod na yugto ng kanilang paglalakbay.

HU HA! πŸ’₯
Tatak Outfit 008! Tatak Imelda! πŸ”₯

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero




01/04/2026

Elementary Level

Ang masining at matikas na pagpapasok ng mga kulay sa araw ng Pagtataas Antas ng Elementarya ng Imelda Iskawts, Outfit 008 🎌✨
Isang simbolo ng dangal, pagkakaisa, at kahusayan na buong pagmamalaking inihahandog sa Inang Paaralan πŸ«πŸ’™

Sa bawat hakbang at galaw, ipinapakita ang disiplina, lakas, at pusong handang maglingkod
Inspirasyon para sa mga batang nagsipagtapos πŸŽ“πŸŒŸ

HU HA! πŸ’₯
Tatak Outfit 008! Tatak Imelda! πŸ”₯

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero




Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 01/04/2026

"Buong Pusong Paglilingkod,para sa Inang Paaralan"

Noong Marso 30–31, 2026 πŸ—“οΈ, matagumpay na nakapaglilingkod ang mga Imelda Iskawts 🫑 para sa ginanap na Moving Up ng Kinder at JHS πŸŽ“, Graduation ng Elementarya, at Recognition Program πŸ…. Ipinakita nila ang tikas, lakas, disiplina, at dedikasyon para sa Inang Paaralan.

Sa loob ng dalawang araw na paglilingkod, kaisa ang Outfit 008, sama-sama silang nagtulungan upang maging maayos at organisado ang programa. Naging katuwang sila sa pagbabantay sa bawat daan, paghahanda ng first aid, at pagpapanatili ng seguridad ng lahat.

Tunay ngang hindi lamang sa pagpapasok ng mga kulay makikita ang husay at tikas ng mga Imelda Iskawts, kundi pati sa kanilang paglilingkodβ€”taglay ang pusong handang mag-alay, sipag, at malasakit.

Buong puso silang naglingkod nang may dangal at serbisyong walang pag-aalinlanganβ€”para sa Inang Paaralan 🏫✨

Mula sa Outfit 008!
Isang mainit na pagbati po Batch 2025-2026 Graduates and Completers!🫑

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼: Jimmy Querijero
πŸ–ΌοΈ: Sophia Kaye Sison



Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 28/03/2026

Good morning, Scouts! 🌍

We, the Outfit 008 proudly joins and celebrate the Earth Hour. Since we won’t be able to gather together, we still participate in our own homes.πŸ•―οΈ

Let's do our part for the planet!πŸ’š

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council




16/03/2026

Lion at Agila, nagkaisa sa pag Sayaw!

Kumasa ang Outfit 008 Imelda I/S at Outfit 143 NEUST sa tiktok dance kung saan ipinakita kung paano ngaba gumawa ng Resolution sa Scout Youth Forum sa pamamagitan ng pag sayawπŸ˜‚ sa ginanap na CSYF noong Marso 7-8 2026.

Outfit 008 x Outfit 143⚜️πŸ”₯




Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 16/03/2026

Mga Iskawts na Lumahok at nag bigay karangalan sa naganap na CSYF, kinilala sa Imelda Integrated School🫑πŸ”₯

Isang malaking karangalan ang muling nakamit ng Imelda Integrated School matapos magpakitang-gilas ang dalawang natatanging Iskawt sa ginanap na Council Scout Youth Forum ng BSP Cabanatuan City Council na idinaos sa Our Mother of Perpetual Help Shrine (Dambana) noong Marso 7–8, 2026. πŸ•οΈβœ¨

Ipinamalas ni Outdoorsman Scout Sophia Kaye Sison ang kanyang talino, husay, at kahusayan sa pamumuno na nagbigay sa kanya ng karangalang Council Scout Representative 2. πŸŒŸπŸ‘

Hindi rin nagpahuli ang isa pang mahusay na Iskawt ng paaralan na si Outdoorsman Scout Francheska Villar, na kinilala bilang Observer 1 dahil sa kanyang ipinakitang dedikasyon at kakayahan. πŸ’ͺ🌿

Buong dangal at taas-noong irerepresenta nina CSR Sison at Observer Villar ang BSP Cabanatuan City Council sa nalalapit na Regional Scout Youth Forum na gaganapin sa Tarlac Province sa darating na Marso 17–19, 2026. πŸ†πŸŽ‰

Taos-puso silang nag pasasalamat kay E.S. Emman Rivera sa patuloy na pagtitiwala, gabay, at suporta. Lubos din ang kanilang pasasalamat sa kanilang kapwa Iskawt na naging inspirasyon at lakas sa kanilang tagumpay. πŸ€πŸ’š

Kaninang Umaga sa naganap na Flag Raising Ceremony, sila'y kinilala maging ang 3 pang mga natatanging iskwats na nakiisa at nag bigay rin ng parangal sa Inang Paaralan.πŸ†

πŸŽ‰ Mabuhay ang mga Iskawt ng Imelda Integrated School! Patuloy na maglingkod, manguna, at magbigay inspirasyon! ⚜️

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero
πŸ–ΌοΈ:Sophia Kaye Sison





Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 16/03/2026

πŸ•οΈβœ¨ IMELDA INTEGRATED SCHOOL, AKTIBONG NAKIISA SA COUNCIL SCOUT YOUTH FORUM! βœ¨πŸ•οΈ

Nitong Marso 7-8, 2026, Lumahok ang limang (5) Iskawt ng Imelda Integrated School sa taunang Cabanatuan City Council Scout Youth Forum na ginanap sa Our Mother Perpetual Help Parish(Dambana), kung saan ipinamalas nila ang kanilang talino, mga makabuluhang ideya, at kakayahan sa pamumuno bilang bahagi ng aktibong kabataang Iskawt ng lungsod. ⚜️

Dumalo ang Outfit 008 na may tatlong (3) Voting Delegates na sina Outdoorsman Scout Sophia Kaye Sison, Outdoorsman Scout Francheska Villar, at Outdoorsman Scout Jhared Gamboa. Kasama rin nilang nakiisa ang dalawang (2) Observers na sina Outdoorsman Scout Jimmy Querijero at Explorer Scout Jaymar Gunsay. Buong puso nilang inirepresenta ang Imelda Integrated School, dala ang diwa ng pagkakaisa, serbisyo, at pamumuno. 🌟

Ang kanilang partisipasyon ay patunay ng patuloy na paghubog sa kakayahan ng mga kabataang Iskawt upang maging mga responsableng lider at aktibong mamamayan ng komunidad. πŸ’š

Lubos ang kanilang pasasalamat kay Sir E.S. Emman Rivera sa kanyang walang sawang sakripisyo, gabay, at pagtitiwala na nagsilbing inspirasyon sa kanilang paglahok sa gawaing ito.

Nagpapasalamat din sila sa buong pamilya ng Iskawting ng IIS, sa patuloy na suporta at paniniwala sa kakayahan ng bawat Iskawt. 🀝

✨ Mabuhay ang mga Iskawt ng Imelda! Patuloy na maglingkod, manguna, at magbigay inspirasyon sa kapwa kabataan. ⚜️

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero
πŸ–ΌοΈ:Sophia Kaye Sison




Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 12/03/2026

Pagkakaisa at Pagtutulungan, Kaagapay sa Tagumpay✨πŸ”₯

Nakiisa ang mga Imelda Iskawts sa isinagawang Clean Up Drive sa kanilang paaralan ang Imelda Integrated School matapos ang matagumpay na pangkalikasang na gawain, Marso 12, 2026 Huwebes.

Pinangunahan ito ng Batch Rizal sa pag lilinis ng kapaligaran at kaayusan sa paaralan, ipinakita nila sa aktibidad na ito ang kanilang Dedikasyon,Disiplina,Pagkakaisa at Tulungan.

Isang patunay muli ito ng Diwa ng Iskawting, at tunay na pag-lilingkod para sa Inang Paaralan at mga kabataang Imeldians.

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero
πŸ–ΌοΈ:Sophia Kaye Sison



Photos from Outfit 008/Imelda Integrated School's post 09/03/2026

πŸ₯ΎπŸžοΈ Hiking

Isa sa mga pinaka hindi malilimutang aktibidad na nilahukan ng mga Imelda Iskawts ay ang hiking, kung saan nasubok ang kanilang lakas, tiyaga, at pagkakaisa 🀝. Habang tinatahak nila ang mahaba at mapanghamong landas sa gitna ng kalikasan 🌿, naranasan nila ang pagod, hirap, at init ng paglalakbay. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, ang bawat hakbang ay naging bahagi ng isang makabuluhan at kapana-panabik na karanasan.

Pagdating sa dulo ng kanilang paglalakbay, agad napalitan ng saya, tuwa, at paghanga ang kanilang pagod nang masilayan at maramdaman ang malamig at preskong tubig ng Gabaldon Falls πŸ’§πŸžοΈ. Ang lamig at ganda ng talon ay tila agad nagpagaan sa kanilang pakiramdam, na para bang hinugasan nito ang lahat ng pagod at hirap ng kanilang paglalakbay.

Tunay ngang naging makulay 🌈, masaya, at puno ng alaala ang karanasang ito para sa mga Imelda Iskawts na lumahok sa 29th Scout Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines – Cabanatuan City Council πŸ•οΈ. Isang karanasang mananatili sa kanilang puso at alaala habang-buhay.

Boy Scouts of the Philippines-Cabanatuan City Council

✍🏼:Jimmy Querijero
πŸ“·andπŸ–ΌοΈ:Sophia Kaye Sison

Want your school to be the top-listed School/college in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Imelda Integrated School
Cabanatuan City
3100