24/08/2026
๐ต๐ญ FILIPINO: WIKANG MAPAGPALAYA, KASAYSAYAN, AT PAMANANG MAKABANSA
Wika, kasaysayan, at kabayanihanโmga pamana nating dapat kilalanin, pahalagahan, at ipagpatuloy.
Ngayong Buwan ng Wika at Pambansang Araw ng mga Bayani, sama-sama nating bigyang-pugay ang ating wikang Filipino, alalahanin ang kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, at pahalagahan ang kulturang bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Bilang mga hinaharap na g**o, mahalaga ang pagdiriwang na ito sapagkat tungkulin nating maging tagapag-ingat ng wika, tagapagturo ng kasaysayan, at tagapaglinang ng pagmamahal sa bayan. Sa pamamagitan ng edukasyon, naipapasa natin sa susunod na salinlahi ang mga aral, pagpapahalaga, at pamanang iniwan ng ating mga bayani.
Sa temang โFilipino: Wikang Mapagpalaya, Kasaysayan, at Pamanang Makabansa,โ inaanyayahan ng KATIPUNAN at SANFIL, sa ilalim ng paggabay ni Prof. Ailicez V. Lucena, ang buong pamayanan ng Kolehiyo ng Edukasyon na makiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang ng wika, kasaysayan, kultura, at kabayanihan.
๐
Agosto 25, 2026 | 1:30โ4:30 PM
๐ Bulwagan ng Kolehiyo ng Edukasyon at Paligid Nito
๐จ MGA GAWAIN AT PALIGSAHAN (Tradisyunal)
โข Paggawa ng Poster
โข Paggawa ng Slogan
โข Pagbigkas ng Tula
โข Patintero
โข Pinoy Henyo
โข Pader ng Kalayaan
โข Salitang Tampok ng Araw
โข Kasuotang Pilipino
Halinaโt makiisa, makilahok, at magbigay-pugay.
Sapagkat ang wikang ating ginagamit, kasaysayang ating inaalala, at kabayanihang ating ipinagmamalaki ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipinoโat bahagi rin ng ating pananagutan bilang mga hinaharap na g**o ng bayan.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga Bayani ng Bayan!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino! ๐ต๐ญ
**o