Samahan ng mga Mag-aaral at Guro sa Filipino - CTNHS

Samahan ng mga Mag-aaral at Guro sa Filipino - CTNHS

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng mga Mag-aaral at Guro sa Filipino - CTNHS, School, Camp Tinio National High School, Cabanatuan City.

Photos from Samahan ng mga Mag-aaral at G**o sa Filipino - CTNHS's post 24/11/2024

Mula sa puso ng samahan ng mga mag-aaral at g**o sa Filipino, isang malaking pagbati at taos-pusong pagmamalaki ang aming handog kina ๐—๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น at ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฒ๐—น ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ด! Isang karangalan na masaksihan ang inyong pakikilahok sa patimpalak na Binibini at Ginoong BSP.

Sa inyong laban, hindi lamang ang inyong karisma at kagandahan ang aming ipagdiriwang, kundi pati na rin ang inyong dedikasyon at katapangan. Naniniwala kami na ang inyong kakayahan ay magbibigay karangalan hindi lamang sa inyong mga sarili, kundi sa ating minamahal na paaralan. Gabayan kayo nawa ng Poong Maykapal sa inyong paglaban!

โœ๐Ÿป Anjela Samson

Photos from Samahan ng mga Mag-aaral at G**o sa Filipino - CTNHS's post 13/11/2024

๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†, ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐˜!

Isa sa mga pinakahinihintay na gawain ng mga mag-aaral ang BSP at GSP Day Camp na sa wakas ay matagumpay nang naisakatuparan ngayong araw. Ang Day Camp na ito ay bahagi ng BSP (Boy Scouts of the Philippines) at GSP (Girl Scouts of the Philippines) na layuning magbigay ng mga pagsasanay at aktibidad upang mas mapaigting ang mga kasanayan sa pamumuno, kooperasyon, at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng iba't ibang palaro at aktibidad, muling nabuhay ang diwa ng pagiging isang batang iskawt ng Camp Tiniansโ€”matapang, matatag, at may malasakit sa kapwa.

Nawa'y sa mga karanasang ito, maisabuhay ng mga mag-aaral ang mga pagpapahalaga at aral na ibinahagi sa iskawting. Walang makakapigil sa kasiyahan ng mga batang iskawt, na muling maranasan ang ganitong mga aktibidad, kahit pa ang init ng panahon ang kalaban.

โœ๏ธ Eingel Rhei Gutierrez
๐Ÿ’ป Joella Mallare, Shaneiah Gayla, Zelder Vyse Arive, Ris Ison, Leal Ivan Domincel, Tricia Ricaplaza, Dhavid Madrid

02/11/2024

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ, ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ป

Tagaktak ang pawis,
Nanginginig; nagmamadali,
Mga mata koโ€™y iniiwasang sa kanilaโ€™y mai-gawi,
Akoโ€™y naglalakad habang ang bata'y kinakaladkad,
โ€˜Di normal ang pag-iyak ng bata; masasabi kong โ€˜di siya pagmamay-ari ng mama,
Isinawalang bahala ko ang nakitaโ€”ang mahalagaโ€™y walang makapansin nitong dala kong ulo ng aking asawa.



๐Ÿ—ฃ๏ธ Leal Ivan Domincel

01/11/2024

Ang Araw ng mga Santo ay natatanging pagdiriwang tuwing unang araw ng Nobyembre, isang araw ng paggunita sa mga banal ng Simbahang Katoliko at sa mga mahal sa buhay na pumanaw. Sa pamamagitan ng pagsisindi ng kandila, taimtim na panalangin, at pag-aalay ng bulaklak, inaalala ng mga Pilipino ang diwa at alaala ng mga yumao bilang simbolo ng patuloy na pagmamahal at ugnayan sa kabila ng kamatayan.

Kaya't sa kabila ng pagbabago ng panahon, nawa'y patuloy at buong puso nating alalahanin ang araw na ito. Muli, Mapagpalang Araw ng mga Santo sa ating lahat!

โœ๐Ÿป Ellyka Rosette Vega
๐Ÿ’ป Leal Ivan Domincel

19/10/2024

๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—ก๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ž๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป

Huwag na nating patagalin pa, baka magalit ang pagkain at mawala ang lasa. Ngunit bago tayo kumain, huwag nating kalimutan ang pagpapasalamat sa natamo nating biyaya.

Sa araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino, likas na sa kanila ang pananalangin bago kumain. Dahil ang pananalangin bago kumain ay isang paraan ng pagbibigay ng pasasalamat sa mga pagkain at biyayang ating natatamo. Ito rin ay nagsisilbing tibay at lakas sa pagkakaisa at pagmamahalaan sa hapag-kainan.

Kaya sa ano mang panahon, ano mang pagkakataon, huwag sana nating kalilimutan ang manalangin!



โœ๏ธ Ellyka Rosette Vega
๐Ÿ’ป Ellyka Rosette Vega

18/10/2024

๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ | ๐——๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜

Nangangahulugang malalim na pag-unawa o pagninilay, kadalasang tumutukoy sa masalimuot na pag-iisip o interpretasyon ng mga bagay.

Halimbawa: Sa bawat pagninilay, bumubuo siya ng mas malalim na dalumat sa kanyang karanasan, natutuhan niyang yakapin ang mga pagsubok bilang bahagi ng kanyang paglalakbay

โœ๏ธ Gremory Florendo
๐Ÿ’ป Julla Aquino, Gremory Florendo

18/10/2024

Naghahanap ka ba ng sign at naguguluhan ang isip sa mga bagay-bagay? Ito na ang sign para sa โ€˜yo!

โ€œPagod ka na ba? Sumuko ka na!โ€ Ito ang kadalasang naririnig o nakikita natin kapag dumadating tayo sa punto na hindi na natin alam ang gagawin sa ating buhay. Hindi solusyon ang pagsuko sa kung ano mang pagsubok ang nararanasan mo ngayon. Hingang malalim at isipin ang kada hakbang na gagawin mo dahil hindi naman kailangang magmadali, ika nga โ€œlittle stepsโ€ hinay-hinay lang hindi naman doโ€™n agad natatapos.

Hindi kailangang palaging magpanggap na ayos lang at hindi ka napapagod, kailangan mo rin ng pahinga sa mga bagay-bagay at isiping mabuti ang bumabagabag sa โ€˜yo, hindi naman kailangang may solusyon agad sa lahat ng pinagdadaanan mo, at kung kinakailangan ng suporta at payo ng ibang malapit sa โ€˜yo, โ€˜wag kang mahihiyang lumapit sa kanila dahil sila rin naman ang kakampi mo.



โœ๏ธ | ๐Ÿ’ป Althea Escuadro

15/10/2024

๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ | ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป

Nangangahulugang walang hanggan o walang katapusan at karaniwang ginagamit upang ilarawan ang isang bagay na walang hangganan, katulad ng kalawakan, pagmamahal, o buhay na walang kamatayan.

Halimbawa: Ang kanilang pagmamahalan ay tulad ng isang awanggan, patuloy na lumalalim sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng buhay, walang hadlang, at walang katapusan.



โœ๏ธ Julla Aquino
๐Ÿ’ป Julla Aquino, Gremory Florendo

14/10/2024

Hindi sukatan ng katalinuhan kung gaano mo kabilis o kabagal mauunawaan ang bawat araling pagdaraanan. Ang tunay na matalino ay hahanap at hahanap ng paraan upang bumangon at magpatuloy sa mga magiging pagkakamali at kabiguan.

Ang bawat tao ay mayroโ€™ng ibaโ€™t ibang kakayahan, kung mahina ka sa isang bagay ay paniguradong mayroโ€™n kang ibang kalakasanโ€”hindi kailangang sisihin ang sarili sa mga bagay na hirap kang maunawaan at kainggitan ang mga taong nagtataglay roon ng kagalingan. Tandaang mayroโ€™n ka ring sariling kakayahanโ€”natatangi, at hindi mapapantayan.



โœ๏ธ Sunshine De Leon
๐Ÿ’ป Althea Escuadro, Angelica Ursua

Photos from Samahan ng mga Mag-aaral at G**o sa Filipino - CTNHS's post 13/10/2024

๐™’๐™๐™„๐™๐™€, ๐—ž๐—”๐— ๐—˜๐—ฅ๐—”, ๐—”๐—ž๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก!

Handang-handa ka na bang ipakita ang iyong galing sa pagsulat? Halinaโ€™t sumali sa aming sulat aktibidad bilang pagsalubong sa darating na Undas at Pasko! Ikaw ba ang tatanghaling kampeon?

Sa gagawing aktibidad, ang mga mananalo ay paparangalan bilang 2nd Placer, 1st Placer, at Kampeon. Ang tatanghaling kampeon o mayroโ€™ng pinakamagandang kwento ay gagawan ng isang ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Ž ๐‘จ๐’…๐’‚๐’‘๐’•๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ na ipalalabas ngayong Disyembre upang mas mabigyang pagkilala ang akda. Ang lahat ng mga mananalo ay iaanunsyo sa himnasyo.

Maaaring magpasa ng maikling kwento hanggang huling linggo ng Oktubre rito sa Samahan ng nga Mag-aaral at G**o sa Filipino - CTNHS page. Ang mga nanalo ay iaanunsyo sa unang linggo ng Nobyembre.

Huwag palampasin ang pagkakataon na maipamalas ang iyong talento sa pagsulat. Ikaw ang maestro ng iyong obra, sabay-sabay nating lakbayin ang mundo ng iyong imahinasyon!

โœ๏ธ Eingel Rhei Gutierrez
๐Ÿ’ป Zelder Vyse Arive

13/10/2024

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ? | ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐—ฐ๐—ผ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€

Kilala mo ba kung sino ang may akda ng makasaysayang kwento na Florante at Laura?

Siya si Francisco "Kiko" Balagtas o tinatawag din bilang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Si Balagtas ay ipinanganak sa Panginay, Bigaan, Bulacan, na ngayon ay tinatawag na bilang Balagtas, Bulacan, upang bigyan parangal ang naturang Makatang Tagalog.

Dulot ng kahirapan, kinailangan niyang malayo sa piling ng kaniyang mga magulang na sina Juan Balagtas at Juana Delacruz. Upang siya'y makapag-aral, nanilbihan si Kiko bilang isang utusan sa Tondo, Maynila.

Nagsimulang mahasa ang galing at talino ni Kiko sa paglikha ng tula noong siya'y nagbibinata, at malaunan ay kaniyang nalikha ang kwentong Florante at Laura.

Pinagpatuloy niya ang pagsulat at paglikha ng mga tula hanggang sa siya'y bawian ng buhay noong Pebrero 20, 1862.



โœ๏ธ | ๐Ÿ’ป Princess Hannah Garcia

Want your school to be the top-listed School/college in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Camp Tinio National High School
Cabanatuan City
3100