Bagong Buhay Elementary School

Bagong Buhay Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Buhay Elementary School, Elementary School, Purok Magsaysay, Bagong Buhay, Cabanatuan City.

15/06/2026

Alam mo ba na sa Revised Anti-Bullying IRR (DepEd Memorandum No. 90, s. 2025), may bagong definitions ng bullying! ๐Ÿค• Hindi na lang ito physical: may cyberbullying, social bullying, at iba pang uri ng bullying na covered ng bagong policy.

Basahin ang Revised IRR dito:https://edcom2.gov.ph/media/2026/06/DM_s2025_090r.pdf

08/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa NEUST LHS YES-O (Youth for Environment in Schools Organization) sa pamamagitan ng ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ para sa pagbabahagi ng mga school supplies at tulong na nagbigay ng ngiti at pag-asa sa ating mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa malasakit, pagkakaisa, at pagbibigay ng pagkakataon sa bawat batang nangangarap. Sa bawat notebook, krayola, at gamit na inyong ipinagkaloob, may kasamang inspirasyon at pag-asang magsisilbing gabay sa kanilang pag-aaral.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon sa paglilingkod at sa pagpapakita na ang kabataan ay may mahalagang papel sa paghubog ng isang mas mabuti at mas maunlad na kinabukasan.

๐Ÿ’š Ang bawat munting tulong ay nagiging malaking hakbang tungo sa tagumpay ng bawat mag-aaral.




05/06/2026

Maraming salamat, Sir Allan David P. Valdez, sa iyong natatanging pamumuno, walang sawang paggabay, at tapat na paglilingkod bilang Public Schools District Supervisor ng District 10.

Hindi lamang mga programa at gawain ang aming natutunan sa ilalim ng iyong pamumuno, kundi pati ang kahalagahan ng dedikasyon, malasakit, propesyonalismo, at tunay na serbisyo para sa kapakanan ng bawat g**o at mag-aaral. Ang iyong mga payo, suporta, at inspirasyon ay nagsilbing gabay upang mas lalo naming pagbutihin ang aming tungkulin bilang mga lingkod ng edukasyon.

Dalangin namin ang iyong patuloy na tagumpay at mabuting kalusugan sa mga susunod pang yugto ng iyong paglilingkod. Ang mga aral, karanasan, at alaalang iniwan mo ay mananatiling bahagi ng aming paglalakbay bilang mga tagapagtaguyod ng dekalidad na edukasyon.

Muli, maraming salamat, Sir Allan. Ang iyong pamumuno ay nag-iwan ng inspirasyon at positibong bakas na hindi malilimutan.

02/06/2026

๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ 2026 | ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

"๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™„๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™ช๐™จ๐™ช๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™ ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ž๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ, ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™๐™ˆ๐™๐™‡๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‰ ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™—๐™–."

Ang Bagong Buhay Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong naglaan ng oras, suporta, at biyaya upang maging matagumpay ang ating Brigada Eskwela 2026.

Maraming Salamat Po!

โœจ ๐‘ฌ๐’“๐’๐’†๐’”๐’•๐’ ๐‘ณ. ๐‘ฎ๐’–๐’•๐’Š๐’†๐’“๐’“๐’†๐’›
๐‘ท๐‘ท๐‘บ๐‘ป๐‘จ โ€“ ๐‘ฉ๐‘ถ๐‘ป ๐’‡๐’๐’“ ๐‘น๐’†๐’ˆ๐’Š๐’๐’ ๐‘ฐ๐‘ฐ๐‘ฐ

โœจ ๐‘ท๐’†๐’•๐’†๐’“ ๐‘จ. ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’Š๐’‚๐’ˆ๐’
๐‘ฒ5 ๐‘ฌ๐’๐’•๐’†๐’“๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘ท๐’“๐’๐’…๐’–๐’„๐’•๐’Š๐’๐’

Dahil sa inyong tulong, mas napapalapit tayo sa ating layunin na magkaroon ng ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat BBESian. Ang bawat donasyon ay hindi lamang tulong sa paaralan kundi isang pamumuhunan sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

๐ŸŒŸ Sa bawat kamay na tumutulong, may pangarap na natutupad.
๐ŸŒŸ Sa bawat pusong nagbibigay, may batang nabibigyan ng mas magandang pagkakataon.

Muli, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa edukasyon. Nawaโ€™y patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan para sa mas maliwanag na bukas ng bawat batang Pilipino.

"Sama-sama para sa paaralan, sama-sama para sa kinabukasan."



02/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 2: FUN RUN

"Bawat hakbang ay may layunin, bawat pagkilos ay may ambag sa kinabukasan ng kabataan."

Ngayong ikalawang araw ng Brigada Eskwela 2026, muling napatunayan ng komunidad ng Bagong Buhay Elementary School na ang pagkakaisa ay susi sa tagumpay. Sa pamamagitan ng ating Fun Run, hindi lamang tayo naglakad at tumakbo para sa kalusugan, kundi para rin sa iisang adhikain: ang makapagbigay ng mas maayos, mas ligtas, at mas masayang paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, barangay officials, volunteers, at mga katuwang na buong pusong nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong oras, lakas, at suporta ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad.

Sa bawat ngiti, pawis, at hakbang na ating pinagsaluhan, mas lalo nating pinagtibay ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa ating paaralan.

โœจ Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon.
โœจ Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa mas maliwanag na bukas.




๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ

02/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 1 KICK-OFF

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026, muling napatunayan na ang tunay na lakas ng paaralan ay nagmumula sa pagkakaisa ng komunidad.

Ngayong unang araw, matagumpay na naisagawa ng Brigada Kick-Off at Information Dissemination bilang paghahanda sa panibagong taong panuruan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga g**o, magulang, alumni, stakeholders, at mga boluntaryo, naipakita natin ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang unang araw ng ating Brigada Eskwela. Ang bawat tulong, gaano man kaliit, ay may malaking ambag sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

๐Ÿ’™ Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon.
๐Ÿ’™ Sama-sama nating buhayin ang diwa ng bayanihan.
๐Ÿ’™ Sama-sama nating ihanda ang Bagong Buhay Elementary School para sa mas maliwanag na bukas.

โœจ Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman





27/05/2026

๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Muli nating buksan ang panibagong yugto ng pagkatuto, pag-asa, at tagumpay para sa bawat batang BBESian!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang, mag-aaral, at stakeholders na makiisa sa ๐Ž๐ฉ๐ฅ๐š๐ง ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š 2026 bilang paghahanda sa ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng klase.

๐Ÿ“ ๐„๐๐‘๐Ž๐‹๐‹๐Œ๐„๐๐“
๐Ÿ“… June 1โ€“5, 2026

๐Ÿ‘ง๐Ÿป ๐Š๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘๐†๐€๐‘๐“๐„๐
โœ… Limang (5) taong gulang sa o bago mag-Oktubre 31, 2026
(DepEd Order 15, s. 2025)
โœ… PSA Birth Certificate
โœ… Accomplished Enrollment Form

๐Ÿ“˜ ๐†๐‘๐€๐ƒ๐„ ๐Ÿ
โœ… Kindergarten Certificate of Completion / ECCD Checklist
โœ… PSA Birth Certificate
โœ… Accomplished Enrollment Form

๐Ÿ“š ๐†๐‘๐€๐ƒ๐„ ๐Ÿโ€“๐Ÿ” | ๐“๐‘๐€๐๐’๐…๐„๐‘๐„๐„ | ๐๐€๐‹๐ˆ๐Š-๐€๐‘๐€๐‹
โœ… SF9 / Report Card
โœ… PSA Birth Certificate
โœ… Accomplished Enrollment Form

๐Ÿ“Œ Para sa mga mag-aaral mula Grade 2 hanggang Grade 6, mangyaring kunin at isumite ang ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐…๐จ๐ซ๐ฆ upang matiyak ang inyong pagbalik at patuloy na pag-aaral sa darating na pasukan.

๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€
June 1โ€“5, 2026

Sama-sama nating ihanda ang paaralan sa pamamagitan ng bayanihan, bolunterismo, at pagkakaisa para sa mas ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran ng pagkatuto para sa ating mga BBESian. ๐Ÿ’™

๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐๐† ๐Š๐‹๐€๐’๐„
June 8, 2026

Tara na at muling magbalik-eskwela!
Sa Bagong Buhay Elementary School, bawat bata ay mahalaga at bawat pangarap ay binibigyang halaga. โœจ



26/05/2026

๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ—“๏ธ June 1โ€“5, 2026

Sa bawat walis na hinahawakan, bawat silid na nililinis, at bawat halamang inaalagaan, ipinapakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan. ๐Ÿ’š

Inaanyayahan natin ang lahat ng magulang, g**o, mag-aaral, alumni, stakeholders, at mga kababayan na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 upang sama-sama nating maihanda ang isang ligtas, malinis, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto.

Kasama sa ating mga gawain ang:
โœ… Paglilinis at magsasaayos ng silid-aralan
โœ… Preparation of school grounds and assigned garden
โœ… Fun Run & Zumba Activities
โœ… Brigada Booth
โœ… Community Volunteer Activities

Sa bawat walis, punla, pawis, at pagtutulungan, mas napapalakas natin ang pagmamahal sa paaralan at sa edukasyon ng bawat batang BBESian.

Tara na, mga BBESian!
Magkaisa tayo para sa maayos, makulay, at mas matagumpay na pagbubukas ng klase!



16/05/2026

PRE BRIGADA ESKWELA 2026
May 16,2026

Ayaw pumasok dahil kulang ang gamit sa paaralan?
Huwag mag-alala, kamiโ€™y handang umalalay at umagapay saan man. ๐Ÿ’™

Sa munting lapis, papel, at bag na inyong natanggap,
Pag-asa at inspirasyon ang kasabay na inilaan at ipinagkaloob nang ganap.

Ngiti ng mga bata ang tunay na gantimpala,
Dahil bawat tulong ay hakbang tungo sa magandang kinabukasaโ€™t pag-asa.

Taos-pusong pasasalamat sa
๐‘ต๐’–๐’†๐’—๐’‚ ๐‘ฌ๐’„๐’Š๐’‹๐’‚ ๐‘ฒ๐’๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’•๐’” ๐‘ฌ๐’‚๐’ˆ๐’๐’†๐’” ๐‘ช๐’๐’–๐’ƒ
sa inyong walang sawang suporta at pagbibigay ng school supplies para sa ating mga ARAL Learners.

Sa Bagong Buhay, sama-samang kikilos at magtutulungan,
Upang bawat batang BBESian ay patuloy na mangarap at magtagumpayan! ๐Ÿ’™๐Ÿ“–

13/05/2026

TINGNAN!

Patuloy na nagniningning ang sigla ng pagkatuto sa ika-5 araw ng ating ARAL Summer Class Program.

Sa bawat gawain, pagbasa, pagsulat, at paggamit ng mga manipulative materials, mas lalo pang nahuhubog ang kanilang kakayahan at tiwala sa sarili. ๐Ÿ’›

Sa tulong ng ating masisipag na g**o, volunteers, at mga magulang, patuloy nating pinatutunayan na ang edukasyon ay mas nagiging epektibo kapag ito ay puno ng malasakit, saya, at inspirasyon.

Patuloy tayong magkaisa para sa mas maliwanag na bukas ng bawat batang BBESian.



Want your school to be the top-listed School/college in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Purok Magsaysay, Bagong Buhay
Cabanatuan City
3100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm