31/08/2026
๐ LINGGO NG KABATAAN 2026 | WRAP-UP ๐
Dalawang araw ng saya, laro, talento, tawanan, at pagkakaisa ng kabataan! โ๐ปโจ
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataan ng Barangay Daang Sarile na nakiisa, nakisaya, at naglaan ng oras upang maging bahagi ng ating Linggo ng Kabataan 2026. Dahil sa inyong aktibong pakikilahok, naging mas makabuluhan at mas masaya ang pagdiriwang na ito. ๐ซถ๐ป
Maraming salamat din sa buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Daang Sarile sa sama-samang pagsisikap, oras, at dedikasyon upang maisakatuparan ang dalawang araw na programa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Daang Sarile, sa pangunguna ng ating minamahal na Kapitana Melanie C. Garcia at kay Bokal PB Garcia sa patuloy na suporta at pakikiisa para sa kapakanan at pag-unlad ng ating kabataan.
At syempre, maraming salamat kay Konsi Ruel Apol Escuadro para sa masarap na pamerienda na naging dagdag-saya at dagdag-enerhiya para sa ating mga kabataan! ๐ฅฐ๐ฑ
Ang Linggo ng Kabataan ay hindi lamang tungkol sa mga palaro at aktibidadโito ay tungkol sa pagkakaisa, pakikilahok, at pagbibigay-halaga sa boses at kakayahan ng kabataan.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat sa pagiging bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026!
Hanggang sa muli, kabataan ng Daang Sarile! ๐๐ป
Padayon, Kabataan!