24/09/2026
Kapag may tamang gabay, magiging posible ang tagumpay.
Pakinggan si Nicolo, isa sa mga topnotchers ng Criminologist Licensure Examination, at para kaniya, ang kanyang tagumpay ay nabuo sa bawat aral at bawat taong naniniwala sa kanyang kakayahan. Sa PHINMA AU, natagpuan niya ang kalidad ng edukasyong humubog sa kanyang disiplina at kumpiyansa, at ang mga gurong patuloy na gumabay at sumuporta sa kanya.
Hindi naging madali ang kanyang journey, pero pinatunayan niya na sa sipag, tiyaga, at tamang suporta, magiging posible ang pangarap. Dahil sa PHINMA AU, sasamahan ka namin tungo sa iyong tagumpay.