13/08/2026
Taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa Paligsahan Kaugnay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at kasaysayan 2026 โ District Level.
๐ UNANG PUWESTO โ PAGSULAT NG SANAYSAY
MARK RAEDEN F. PARUMOG
๐ฅ IKALAWANG PUWESTO โ PAGGAWA NG POSTER
JC KEYAN S. QUIAZON
Ang mga parangal na ito ay bunga ng kanilang sipag, tiyaga, husay, at pagkamalikhain, gayundin ng kanilang dedikasyong maipamalas ang talento at kakayahan ng kabataang Pilipino.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ay may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ samantalang ang Buwan ng Kasaysayan 2026 ay may temang โHinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon.โ Ang mga temang ito ay nagbibigay-diin sa pagpapahalaga sa wikang Filipino, kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagbabago ng panahon.
Isang karangalan para sa buong paaralan ang inyong tagumpay. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong pagyamanin ang inyong mga kakayahan, mangarap nang mataas, at gamitin ang inyong talento sa makabuluhang paraan.
Taos-pusong pasasalamat kay Punongg**o Edward J. Sayson sa kanyang patuloy na suporta, gayundin kay Filipino Coordinator Gng. Abigail B. Bautista at sa mga g**ong tagapayo sa kanilang paggabay at paghahanda sa ating mga mag-aaral. Malaki ang naging bahagi ng kanilang dedikasyon sa pagkamit ng mga parangal na ito.
Muli, binabati namin kayo Mark Raeden at Jc Keyan! Ang inyong tagumpay ay karangalan ng inyong pamilya, mga g**o, at buong paaralan.
22/07/2026