22/09/2022
Katuwang ang WTRC, ang ASKI School ay namahagi ng libreng mga libro para sa mahihirap na mag-aaral sa Kindergarten.
Bahagi at layunin ng ASKI School na mapunan ang ibang mga gastusin ng mga magulang sa pag aaral ng kanilang mga anak katulad ng bag, gamit, uniporme at mga libro.
Maaari din kayo maging bahagi at makatulong sa mga mag-aaral na ito sa pamamagitan ng inyong mga donasyon. Maaari kayo makipag ugnayan sa account na ito para sa ibang mga katanungan at tulong pinansyal.
29/07/2022
PANAWAGAN PARA SA MGA NAGING ESTUDYANTE NG ASKI SCHOOL OF KNOWLEDGE SIMULA 2013-2021.
ANG PAARALAN AY MAY HANDOG NA PROGRAMA PARA SA INYO AT SA INYONG MGA MAGULANG.
Magsadya lamang sa aming tanggapan at makipag ugnayan sa ating Punong Guro-Maám Jovy Soriano para sa detalye.
28/05/2022
Maaari na po magpalista para sa SY 2022-2023 ang mga Nursery at Kindergarten na may edad na apat at limang taon bago ang Oktubre 31,2022 👍
Error 404 (Not Found)!!1
31/01/2022
Second Distribution of Milk and Vitamins to twenty (20) below height and weight students.
Bagamat may pandemya, patuloy padin na pinapatupad ang feeding program ng ASKI School upang makatulong sa mga mag-aaral at kanilang magulang na mabigyan sila ng tamang nutrisyon upang magkaroon ng tamang laki at timbang.
Ito ay ipinamahagi ngayong araw kasabay ng pamimigay ng Weekly module sa mga magulang.
Sa programang ito katuwang ng paaralan ang Wholistic Transformation Resource Centre (WTRC).
13/01/2021
Sa pagdidiriwang ng ika-79th kaarawan ng ating School President, malugod po namin iniimbitahan ang lahat na dumalo sa ASKI School Presidents Day. A celebration of faith, hope and love for our dear president Ms. Aurora Mangalili sa ika-14 ng Enero taong kasalukuyan sa ganap na ika 9:00 ng umaga.
Para sa mga hindi makakasama sa Zoom, Mapapanuod din ang programa ng live dito sa ating page.
See you po 💕
13/07/2020
Ngayong araw, ang Wholistic Transformation Resource Center (WTRC) ay nagbahagi ng tulong sa limampung (50) mag-aaral at kanilang pamilya na lubos na naapektuhan ng COVID-19 Pandemic. Ang mga produkto na ipinamahagi ay inangkat mula sa mga kliyente ng ASKI Microfinance sa pakikipag ugnayan sa ASKI Multipurpose Cooperative (AMPC) upang maidala at makarating sa bawat pamilya. Bilang karagdagan, namahagi din ng mga handwashing kit at ilang pamamaraan at paalala kung paano makakaiwas sa sakit na ito.
Ipinakilala din ang Pioneer Accident Insurance na naglalayong maipaseg**o ang bawat myembro ng pamilya sa abot kayang halaga. Sa halagang 20 pesos masisig**o na ang kaligtasan ng bawat myembro ng pamilya.
Ang bawat isa ay labis na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Ayun sa kanila ito ay napakalaking tulong sa panahon ngayon na kung saan napakahirap kumita ng pera at walang hanapbuhay.
08/07/2020
THE TRANSFORMER. Ang ASKI School ay malugod na binabahagi ang kauna unahang newsletter na tinawag na “THE TRANSFORMER”. Dito inilathala ang mga programa ng paaralan at ang naging katuparan ng mga programa sa nakalipas na taon. Ang mga programa ng ASKI School ay naayon sa layunin nito na magbigay ng kabuoang pagbabago sa mga mag-aaral at pamilya sa kanilang pisikal, emosyonal, espiritwal, at social na aspeto.
Ang mga mag-aaral ay mula sa mahirap na pamilya na ang pangunahing pinagkukunan kanilang mga magulang ng pang-araw araw ay pamamasada, konstruksyon, at paggawa sa bukid. Bukod sa kalidad at libreng edukasyon, ang paaralan ay may Programang Pagpapakain, Kalinisan at Pangkalusugan (health and hygiene), programang pang espiritwal, Parenting Program, Livelihood Program para sa mga magulang at Teachers Training Program para sa mga g**o upang masig**o na maibigay ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
Muli, sa mga nais maging bahagi ng adhikaing ito, ang ASKI School ay bukas para sa inyong mga donasyon. Maaari kayong magdonate sa pamamagitan ng ASKI Barya Card (ASKI8888) o BPI Bank Account (008623113168) o makipag ugnayan sa aming Principal-Mam Jovy Soriano - Cruz sa numerong 09672878023
Maraming Salamat po.
03/07/2020
Sa mga nais maging bahagi ng mga programa ng ASKI School narito po ang mga paraan upang maipaabot ang inyong tulong 😊
BPI Account Name: ASKI SCHOOL OF KNOWLEDGE INC
BPI Account Number: 008623113168
Salamat
03/07/2020
Ang ASKI School ay mabusising kinikilala ang mga karapatdapat na mag-aaral na mapapabilang sa mga programa ng paaralan. Sa bawat taon, isinasagawa ang screening at binibisita sa kanikanilang bahay upang magsagawa ng interview at evaluation. Sinisigurado ng pamunuan na ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mahirap na pamilya at nangangailangan ng tulong at programa ng Aski School-Knowledge. Sa mga nais maging bahagi at makatulong sa adhikaing ito ng ASKI, maaari po kayo magbigay ng anumang tulong at makipag ugnayan sa aming School Principal- Mam Jovy Soriano - Cruz. Maraming Salamat po
BPI Account Name: ASKI SCHOOL OF KNOWLEDGE INC
BPI Account Number: 008623113168