21/08/2026
Nagwagi ang mga mag-aaral ng Eastern Cabu National High School (ECNHS) sa iba’t ibang patimpalak ng 2026 Division Buwan ng Wika at Kasaysayan, na ginanap ngayong Agosto 21 sa CDRRMO Training Center, Cabanatuan City Hall.
Naiuwi ni Prince Kelly Morla at Samantha Nicole Bolisay, kapwa mag-aaral ng JHS ng ECNHS, ang unang puwesto sa Poster Making at Pagsulat ng Sanaysay.
Nanalo ng ikatlong gantimpala si Angel Aliah J. Marquez, mag-aaral ng SHS, sa Pagsulat ng Sanaysay at ika-apat naman si Jhon Rhee M. Limos sa Poster Making.
19/08/2026
Tigil na Habagat. Pagod na ang layout artist. 🤣
Be safe ECNHSians!
Classes are still on Flexible Learning on August 20,2026!
18/08/2026
May pasok ba ang mga bata sa end-of-term block kasi ang mga teachers sa block na ito ay magco-compute ng marka at gagawa ng mga learners’ record katulad ng report card?
Ito at iba pang katanungan, sasagutin sa Panel Discussion Segment ng DepEd Hour, Miyerkules, 6:00 ng gabi sa DWJJ 684 kHz, MultiNet Channel 16 at 52, at CABtV page.
Makinig at manood upang maging updated. Dahil sa DepEd Hour, No FOMO ka dito!
17/08/2026
📣 ATTENTION, ECNHSIANS!
Alinsunod sa direktiba ng Provincial Government of Nueva Ecija at sa Executive Order No. 24, Series of 2026, SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas—pampubliko at pribado—sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija ngayong Martes, Agosto 18, 2026.
🌧️ Ang suspensyon ay bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat),batay sa DOST-PAGASA Weather Advisory No. 64.
💙 Paalala sa lahat ng ECNHSians:
• Lahat ng klase ay isasagawa sa pamamagitan ng Flexible Learning.
• Manatiling alerto at ligtas sa inyong mga tahanan.
• Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa Eastern Cabu National High School, DepEd, PDRRMO, DOST-PAGASA,at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.
• Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa.
• Unahin ang kaligtasan ng bawat isa.
📚 Mag-ingat, manatiling updated, at ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Flexible Learning kung ligtas ang inyong sitwasyon.
Stay safe and dry, ECNHSians! 💙
17/08/2026
The track is calling, and the next generation of ECNHS athletes is ready to rise! 🏃🏃
EASTERN CABU NATIONAL HIGH SCHOOL ATHLETICS TRYOUTS — MEN & WOMEN 🏆
Open to ALL Grade 7–12 students! Show your potential in:
Sprints, Marathon, Long Jump, Shot Put, Discus, Javelin
📅 August 20
⏰ 4:00 PM – 5:00 PM
📍 ECNHS Gym, Cabu, Cabanatuan City
🎓 Eligibility: Students born 2009 onwards
⚠️No parental consent and no BSP/GSP membership, no tryout.
📌 Registration / Inquiries:
Sir Keiffer Gem Dylan V. Rivera
Senior High School Building