26/06/2026
📍 Bagong PSDS ng Distrito IX, Bumisita sa Bakero Elementary School
Hunyo 23, 2026 – Malugod na tinanggap ng Bakero Elementary School ang bagong talagang Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Distrito IX, Gng. Gemma C. Tan, sa kanyang pagbisita sa paaralan.
Layunin ng kanyang pagbisita na makita at masuri ang pangkalahatang kalagayan ng paaralan sa unang buwan ng pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027. Inikot ni Gng. Tan ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng paaralan upang personal na masaksihan ang kalagayan ng mga g**o, mag-aaral, at ng kabuuang kapaligiran ng paaralan. Nagbigay rin siya ng mga paalala, gabay, at mensahe ng suporta sa mga g**o at kawani upang higit pang mapalakas ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
Gayundin, nagtungo rin si Gng. Tan sa Pamahalaang Barangay ng Bakero upang magbigay-galang at magpakilala sa pamunuan ng barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Ramiro Y. Cruz Jr. Ang nasabing courtesy visit ay nagpapatibay sa ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan, mga g**o, at kawani ng Bakero Elementary School sa pagbisita ni Gng. Gemma C. Tan. Ang kanyang presensya at gabay ay nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagsisikap ng paaralan na makapagbigay ng mahusay, ligtas, at makabuluhang edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Malugod po naming kayong tinatanggap sa Distrito IX, Gng. Gemma C. Tan! Nawa'y maging matagumpay ang inyong pamumuno at patuloy na gabayan ang ating mga paaralan tungo sa mas mataas na antas ng kalidad ng edukasyon.