10/10/2026
APAT NA KALAHOK, APAT NA MEDALYA! CALAWAGAN ES, OVERALL 2ND RUNNER-UP SA DISTRICT MATHEMATICS OLYMPICS!
Masayang ipinagmamalaki ng Calawagan Elementary School ang pagkakamit ng Overall 2nd Runner-Up sa katatapos na District Mathematics Olympics, kung saan lahat ng apat na mag-aaral na kumatawan sa paaralan ay matagumpay na nag-uwi ng medalya!
🥇 JULIENE CELINE M. MAPINDAN
1st Place – Grade 5 Mathematics Quiz Bee
🥈 ARWIND RINZ MARCUS R. ORENIA
2nd Place – Grade 6 Mathematics Quiz Bee
🥉 CLARIZ JOY P. LUCIANO
3rd Place – Grade 4 Mathematics Quiz Bee
🥉 CRIZ ROVI D. TALANIA
3rd Place – Rubik's Cube Challenge
Hindi rin matatawaran ang sipag at dedikasyon ng kanilang mga coaches na sina Julieta V. Fernando at Leonora G. Mendoza, sa pangunguna at paggabay ng Master Teacher na si Loriza A. Marcellana at School Principal na si Cezainne C. Soriano.
Pasasalamat din sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak.
Congratulations, Team Calawagan!
Ang inyong tagumpay ay karangalan ng buong paaralan at inspirasyon sa kapwa ninyo Batang Calawagan.