26/08/2025
"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!"
– Himala (1982)
"You had me at my best. She had me at my worst. And you chose to break my heart."
– One More Chance (2007)
"Akala mo lang wala. Pero meron, meron, MERON!"
- Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? (1998)
Ilan lamang ito sa mga tanyag na pelikulang Pilipino na naging bahagi na ng ating buhay. Mga pelikulang sumasalamin sa ating kultura, tradisyon, at ating mga pang-araw-araw na pamumuhay.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Midway Colleges, Inc., aming ibabahagi sa inyo ang iba't ibang parody ng mga pelikulang Pilipino na mismong mga mag-aaral namin ang bumuo.
Upang ipakita natin ang ating suporta sa kanila, inaanyayahan ang bawat isa na bigyan ng heart reaction ang parody na iyong nagustuhan. Ito ay katumbas ng 20% ng kanilang magiging marka sa nasabing patimpalak.
Sama-sama nating suportahan ang sariling atin.
Mabuhay ang PELIKULANG PILIPINO, Mabuhay ang WIKANG FILIPINO!
Disclaimer: Ang mga bidyo/musika na ito ay isang parody o gawa-gawang bersyon lamang at hindi pagmamay-ari ng gumawa o nag-upload. Wala itong intensyon na lumabag sa anumang karapatan sa intelektwal na pag-aari ng orihinal na may-ari.