20/09/2026
M.V. GALLEGO FOUNDATION COLLEGE INC., GINAWARAN NG PAGKILALA SA TANGLAW CENTRAL LUZON
Tumanggap ng pagkilala ang Manuel V. Gallego Foundation Colleges, Inc. (MVGFCI) mula sa Commission on Higher Education (CHED) sa isinagawang TANGLAW Central Luzon 2026.
Tinanggap nina Dr. Joseph L. Gallego, pangulo ng MVGFCI, at Prof. Rene Boy E. Abiva, Director ng Community Extension and Outreach Program at Manuel V. Gallego Center for Creative Arts and Cultural Heritage, ang naturang pagkilala.
Kinilala ang MVGFCI para sa entry nitong “Talipapa Antolohiya: Mga Tulang Pambata,” na naging bahagi ng pagkilala sa mga inisyatiba sa kultura, pagkamalikhain, community engagement at edukasyon.
Samantala, iniugnay rin ng institusyon ang naturang pagkilala sa naging performance nito sa 2026 World University Rankings for Innovation (WURI).
Noong Mayo 7, 2026, nakamit ng MVGFCI ang ika-55 puwesto sa buong mundo sa Culture/Values (B4) Top 100 category ng WURI.
Ayon sa institusyon, ito ang unang WURI-related award na natanggap ng MVGFCI.
Itinuturing ito ng paaralan bilang panibagong milestone sa patuloy nitong mga programa sa innovation, culture at community development, kasabay ng pakikilahok nito sa mga pandaigdigang pagkilala sa larangan ng akademya.