NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK

NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK, School, NEUST-Sumacab Campus, Cabanatuan City.

Photos from The Wheel's post 27/08/2026
25/08/2026

Hindi Ko Na Inilalagay ang Siko Ko sa Kabilang Lamesa

Noong bata ako, madalas kong inilalagay ang siko ko sa lamesa ng kaklase ko. Doon kasi ako komportable. Mas maayos akong nakasusulat dahil napapahinga ang isa kong kamay. Para sa akin noon, normal lang iyon. Hindi ko naiisip kung may epekto ba iyon sa katabi ko, ang mahalaga lang ay komportable ako.

Habang tumatagal, napapansin kong minsan ay natatamaan ng kaklase ko ang kamay ko. Naiinis pa nga ako kapag nagagalaw ang siko ko o kayaโ€™y napuputol ang pagsusulat ko. Ang nasa isip ko noon, sila ang dahilan kung bakit ako naaabala. Hindi ko naisip na baka ako pala ang unang naging dahilan ng kanilang hirap.

Paglipas ng mga taon, saka ko lang naunawaan ang isang simpleng bagay. Hindi ko pala kailangang ilagay ang siko ko sa lamesa ng iba para maging komportable. Maaari naman akong humanap ng paraan na hindi nakaaabala sa katabi ko. Unti-unti kong natutunang may mga bagay na tila maliit lamang, ngunit may malaking epekto sa ibang tao.

Madalas, ginagawa natin ang mga bagay na nagpapagaan sa atin, pero hindi natin napapansing may ibang nahihirapan dahil dito. Dahil hindi natin nararamdaman ang kanilang nararanasan, iniisip nating wala lang iyon. Ngunit kapag inilagay natin ang sarili natin sa kanilang sitwasyon, mas maiintindihan natin kung bakit sila nasasaktan o nahihirapan.

Ngayon, hindi ko na inilalagay ang siko ko sa kabilang lamesa. Hindi dahil hindi na iyon komportable, kundi dahil mas pinipili ko nang isipin ang espasyong kailangan ng iba. Natutuhan kong ang tunay na paggalang ay nagsisimula sa maliliit na bagay. Sa pagbibigay ng sapat na puwang, sa pag-iwas na makaabala, at sa pag-unawang hindi lang tayo ang dapat maging komportable.

Minsan, ang pagiging mabuting tao ay hindi nasusukat sa malalaking sakripisyo. Nagsisimula ito sa mga simpleng desisyong isaalang-alang ang kapakanan ng iba. Dahil sa huli, mas magaan palang mabuhay kapag ang kaginhawaan natin ay hindi kapalit ng paghihirap ng ibang tao.



โœ๏ธ๐ŸŽจ| Asseth Jevanie Nabong

19/08/2026

๐–ณ๐–ค๐–ฑ๐–ณ๐–ด๐–ซ๐–ธ๐–  2026 | ๐–ฒ๐–พ๐—‹๐—’๐–พ ๐—‡๐—€ ๐—†๐—€๐–บ ๐–ซ๐–พ๐—„๐—๐—Ž๐—‹๐–บ ๐—Œ๐–บ ๐–ถ๐—‚๐—„๐–บ ๐–บ๐— ๐–ช๐—Ž๐—…๐—๐—Ž๐—‹๐–บ๐—‡๐—€ ๐–ฅ๐—‚๐—…๐—‚๐—‰๐—‚๐—‡๐—ˆ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐–ก๐—Ž๐—๐–บ๐—‡ ๐—‡๐—€ ๐–ถ๐—‚๐—„๐–บ 2026, binubuksan ng ๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–, ๐™†๐™ค๐™ก๐™š๐™๐™ž๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™™๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™‰๐™ช๐™š๐™ซ๐™– ๐™€๐™˜๐™ž๐™Ÿ๐™– ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™˜๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™๐™š๐™˜๐™๐™ฃ๐™ค๐™ก๐™ค๐™œ๐™ฎ ang ๐‘ป๐‘ฌ๐‘น๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐’€๐‘จ 2026, isang serye ng mga lektura na naglalayong magbahagi, magpalalim, at magpayaman ng kaalaman hinggil sa Wikang Filipino at Kulturang Filipino.

Alinsunod sa temang โ€œ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ค๐™ฅ๐™ช๐™ก๐™–๐™ง ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„,โ€ binibigyang-diin ng serye ang patuloy na paglinang at paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan, habang kinikilala ang mahalagang ambag ng mga katutubong wika at makabagong teknolohiya bilang mga katuwang sa pagkatuto, pananaliksik, at pagpapalaganap ng kaalaman.

Sa pamamagitan ng Tertulya, binibigyang-daan ang mga ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค/๐™–๐™ก๐™ช๐™ข๐™ฃ๐™ช๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™™๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค na maging katuwang sa patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga sa wika.

Sa pagbubukas ng serye, tampok ang isang g**o/alumnus ng medyor sa Filipino na magbabahagi ng kaniyang kaalaman, karanasan, at pananaw hinggil sa isang paksang makatutulong sa higit na pag-unawa at pagpapahalaga sa wika at kulturang Filipino.

๐‘๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐“. ๐‚๐ข๐ซ๐ข๐š๐œ๐จ, ๐‰๐ซ., ๐Œ๐€๐„๐, ๐‹๐๐“
Teacher III, Santa Rosa National High School (SHS Filipino Teacher)
Batch ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
Wika sa Panahon ng AI: Filipino, Pananaliksik, at Pananagutan

Sama-sama nating tuklasin, talakayin, at pahalagahan ang wikang patuloy na umuunlad kasabay ng panahon ngunit nananatiling nakaugat sa ating kultura at pagkakakilanlan.

19/08/2026

๐–ณ๐–ค๐–ฑ๐–ณ๐–ด๐–ซ๐–ธ๐–  2026 | ๐–ฒ๐–พ๐—‹๐—’๐–พ ๐—‡๐—€ ๐—†๐—€๐–บ ๐–ซ๐–พ๐—„๐—๐—Ž๐—‹๐–บ ๐—Œ๐–บ ๐–ถ๐—‚๐—„๐–บ ๐–บ๐— ๐–ช๐—Ž๐—…๐—๐—Ž๐—‹๐–บ๐—‡๐—€ ๐–ฅ๐—‚๐—…๐—‚๐—‰๐—‚๐—‡๐—ˆ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐–ก๐—Ž๐—๐–บ๐—‡ ๐—‡๐—€ ๐–ถ๐—‚๐—„๐–บ 2026, binubuksan ng ๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–, ๐™†๐™ค๐™ก๐™š๐™๐™ž๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™™๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™‰๐™ช๐™š๐™ซ๐™– ๐™€๐™˜๐™ž๐™Ÿ๐™– ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™˜๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™๐™š๐™˜๐™๐™ฃ๐™ค๐™ก๐™ค๐™œ๐™ฎ ang ๐‘ป๐‘ฌ๐‘น๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐’€๐‘จ 2026, isang serye ng mga lektura na naglalayong magbahagi, magpalalim, at magpayaman ng kaalaman hinggil sa Wikang Filipino at Kulturang Filipino.

Alinsunod sa temang โ€œ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™†๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ค๐™ฅ๐™ช๐™ก๐™–๐™ง ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„,โ€ binibigyang-diin ng serye ang patuloy na paglinang at paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan, habang kinikilala ang mahalagang ambag ng mga katutubong wika at makabagong teknolohiya bilang mga katuwang sa pagkatuto, pananaliksik, at pagpapalaganap ng kaalaman.

Sa pamamagitan ng Tertulya, binibigyang-daan ang mga g**o at ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค/๐™–๐™ก๐™ช๐™ข๐™ฃ๐™ช๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™™๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค na maging katuwang sa patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga sa wika.
Sa pagbubukas ng serye, tampok ang isang g**o/alumnus ng medyor sa Filipino na magbabahagi ng kaniyang kaalaman, karanasan, at pananaw hinggil sa isang paksang makatutulong sa higit na pag-unawa at pagpapahalaga sa wika at kulturang Filipino.

๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฆ๐ž๐ฅ ๐’. ๐•๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐œ๐ก๐š, ๐Œ๐„๐, ๐‹๐๐“
Teacher III, Restituto B. Peria National High School
Batch ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
"Kahalagahan ng Kultura sa Isang Lugar at Paggamit ng Talasalitaan"

Sama-sama nating tuklasin, talakayin, at pahalagahan ang wikang patuloy na umuunlad kasabay ng panahon ngunit nananatiling nakaugat sa ating kultura at pagkakakilanlan.

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 18/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ | ๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘‡๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž๐‘” ๐‘›๐‘Ž ๐‘€๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘›๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘” ๐‘๐‘ข๐‘’๐‘ฃ๐‘Ž ๐ธ๐‘๐‘–๐‘—๐‘Ž

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ข ๐˜Œ๐˜ค๐˜ช๐˜ซ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.

๐˜’๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐™๐™ค๐™œ๐™š๐™ก๐™ž๐™ค ๐™Ž๐™ž๐™ ๐™–๐™ฉ, ๐™๐™ค๐™œ๐™š๐™ก๐™ž๐™ค ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™๐™–๐™จ, ๐˜ข๐˜ต ๐™‡๐™–๐™ข๐™—๐™š๐™ง๐™ฉ๐™ค ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™คโ€”๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ข ๐˜Œ๐˜ค๐˜ช๐˜ซ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ.

#๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™‰๐™œ๐™’๐™ž๐™ ๐™–2026 #๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค #๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™Ž๐™–๐™ง๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™’๐™ž๐™ ๐™– #๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค #๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ๐™‰๐™–๐™‰๐™ค๐™ซ๐™ค๐™€๐™˜๐™ž๐™Ÿ๐™–๐™ฃ๐™ค #๐™‰๐™ช๐™š๐™ซ๐™–๐™€๐™˜๐™ž๐™Ÿ๐™– #๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ

โœ’๏ธ | ๐Ÿ–ผ๏ธ: ๐ˆ๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐‰๐จ๐ฒ ๐„. ๐‹๐จ๐ฉ๐ž๐ณ

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 17/08/2026

Isang bansa, iba't ibang wika, ngunit iisang pagmamahal para sa Kulturang Filipino.

Masdan ang ganda at himig ng "Mahal kita" sa iba't ibang sulok ng ating mahal na Pilipinas ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ



โœ๏ธ๐ŸŽจ| Anne Eurica Marcaida

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 16/08/2026

Ang mga bantas ay hindi lamang simpleng simbolo sa pagsulat, ito ang nagbibigay-linaw, wastong kahulugan, at tamang damdamin sa bawat pahayag. Sa bawat tuldok, kuwit, tandang pananong, at tandang padamdam na ating ginagamit, mas nagiging malinaw at makabuluhan ang ating pakikipag-ugnayan.

Sama-sama nating tuklasin ang ibaโ€™t ibang gamit ng mga bantas at alamin kung paano nito binibigyang-buhay, linaw, at saysay ang ating Wikang Filipino.



โœ๏ธ๐ŸŽจ| Catherine D. Constantino

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 15/08/2026

ARALIN SA WIKANG FILIPINO

Ang wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon, ito rin ang tagapag-ingat ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa bawat konseptong ating matututuhan, mas lalo nating mauunawaan ang lalim, ganda, at yaman ng Wikang Filipino.

Sama-sama nating tuklasin ang ibaโ€™t ibang mukha ng ating wika, mula sa salita hanggang sa diwa nito.



โœ๏ธ๐ŸŽจ| Pauleen Kaye Feliciano

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 14/08/2026

Alam mo ba? ๐Ÿค”

Lagpas na sa ating mga baybayin ang yaman at kasaysayan ng wikang Filipino!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒŽ

Mula sa mga kilalang unibersidad sa Amerika, Europa, hanggang sa Timog-Silangang Asya, pati na rin sa Hilagang-Silangang Asya patuloy na pinagyayaman at itinuturo ng ating mga g**o sa iba't ibang panig ng mundo ang yaman ng ating wika, kultura at panitikan sa mga dayuhan.

Hindi na lang tayo basta nakikipag-usap sa mundo, itinuturo na rin natin kung paano tayo mag-isip at magmahal gamit ang sarili nating wika.

โœ๐Ÿป: Rockwell Balimbin
๐ŸŽจ: Abbygail Bernabe

Photos from NEUST Sentro ng Wika at Kultura - SWK's post 13/08/2026

Sama-sama nating itaguyod ang wastong paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino.๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ





โœ๏ธ๐ŸŽจ| Ivy Joy Feliciano

Want your school to be the top-listed School/college in Cabanatuan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


NEUST-Sumacab Campus
Cabanatuan City
3109