14/08/2024
Ang Buwan ng Wika, na ipinagdiriwang tuwing Agosto sa Pilipinas ay isang mahalagang kaganapang pangwika at pangkultura na naglalayong parangalan at palaganapin ang wikang Filipino at ang iba't ibang rehiyunal na wika sa bansa. Isa sa mga pangunahing gawain sa buwang ito ay ang "Tertulyang Pangwika", isang pagtitipon na nakatuon sa pagpapalalim ng pag-unawa at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa hanay ng mga mag-aaral, g**o, at publiko.
Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya", ang NEUST-Sentro ng Wika at Kultura at Instityut ng Lingguwistika at Literatura katuwang ang Departamento ng Treyning ay magsasagawa ng Tertulyang Pangwika na may paksang โ๐๐๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐๐ญ, ๐
๐๐ซ๐ฆ: ๐๐ข๐ค๐, ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ญ ๐๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐งโ.
Matuto at makibahagi sa pagtalakay ng panauhing tagapanayam na si ๐๐ซ. ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ ๐. ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐จ, fakulti ng UP Film Institute, dating dekano ng University of the Philippines College of Mass Communication, at fellow at dating direktor ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing.
Ang tertulya ay gaganapin sa Agosto 14, 2024, Miyekoles, sa Wright Hall, Mini Convention Center, NEUST Kampus ng Sumacab at ๐ป๐ฆ๐น๐๐๐ฅ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ & ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐ฃ๐ sa ganap na 08:00 ng umaga hanggang 05:00 ng hapon.
Inaasahan ang pakikiisa nang harapan ng lahat ng mga g**o/dalubg**o na nagtuturo ng Filipino mula sa iba't ibang kampus ng NEUST, habang ang mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino at iba pang kalahok mula sa ibaโt ibang departamento, paaralan, at pamantasan ay maaaring makiisa nang ๐๐บ๐๐ญ๐ฆ๐น ๐ท๐ช๐ข ๐ก๐ฐ๐ฐ๐ฎ & ๐๐ข๐ค๐ฆ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐๐ช๐ท๐ฆ.
Magpatala gamit ang link na:
https://forms.gle/QRYkvBx7Mzz9jKBz5
Makiisa nang ๐๐บ๐๐ญ๐ฆ๐น ๐ท๐ช๐ข ๐ก๐ฐ๐ฐ๐ฎ
๐๐จ๐จ๐ฆ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ฌ๐ฌ๐๐จ๐๐: ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐
Mabuhay ang Wikang Filipino!
---
๐ป Joan-Lei
30/04/2024
Ang Sentro ng Wika at Kultura, Instityut ng Lingguwistika at Literatura, Literary, Culture and the Arts Development Center, Gender and Development Center at Komisyon sa Wikang Filipino sa NEUST ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, na may temang "Ang Panitikan at Kapayapaan".
Ang pagdiriwang ay hindi lamang nagpapahalaga sa sining at kultura, kundi pagkilala rin sa kahalagahan ng panitikan bilang instrumento sa pagtataguyod ng kapayapaan sa ating lipunan.
Nawa'y maging inspirasyon ang panitikan sa pagtataguyod ng pagkakaisa at respeto sa isa't isa. Mabuhay ang sining ng mga manunulat ng bayan!
Dumalo at makiisa via FB live sa Tertulyang Pampanitikan sa Abril 30, 2024 sa ganap na ika-8:00 n.u.
15/08/2023
Ang Nueva Ecija University of Science and Technology kaisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pangunguna ng Sentro ng Wika at Kultura, Instityut ng Lingguwistika at Literatura, at Literary, Culture, and the Arts Development Center sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan".
Kaugnay nito ay tunghayan ang gawain ng Pamantasan na Tertulyang Pangwika kaisa sa tema ng pagdiriwang. Matuto, magalak, at makibahagi sa pagtalakay ng panauhing tagapanayam na si Dr. Rhoderick V. Nuncio, Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Pamantasang De La Salle, Lungsod ng Maynila.
Ang Tertulyang Pampanitika ay gaganapin sa Agosto 29, 2023, 08:00 ng umaga sa Doรฑa Asuncion G. Romullo Memorial Hall (DAGRMH), NEUST Kampus ng Heneral Tinio, Lungsod Cabanatuan.
Mabuhay ang mga Katutubong Wika!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
25/06/2023
Ang NEUST sa pangunguna ng Instityut ng Lingguwistika at Literatura, Literary, Culture, and the Arts Development Center, at Gender and Development Center, katuwang ang Departamento ng Treyning at Sentro ng Wika at Kultura ay magsasagawa ng seminar-workshop na may temang "PATAS KASARIAN: Paglinang at Pagpapayaman sa Kakayahan ng mga G**o sa Pagsulat at Pagtatanghal ng mga Akdang Pampanitikan".
Ang nasabing seminar-workshop ay pangungunahan ng tagapanayam na si Frank G. Rivera, isang stage, radio, tv, at film director, playwright, actor, scenographer, poet, raconteor, at visual and folk artist book.
Ito ay gaganapin sa Hunyo 29-30, 2023 sa Nieto Hall, NEUST Sumacab Campus, Lungsod Cabanatuan.
Halina at sama-samang tunghayan ang makulay na panitikan, gayundin ang patas-kasarian!
19/04/2023
Ang NEUST kaisa ang Komisyon sa Wikang Filipino, Sentro ng Wika at Kultura, at Instityut ng Lingguwistika at Literatura katuwang ang Gender and Development Center ay magsasagawa ng Tertulyang Pampanitikan 2023 na may temang "Sabay na Paghakbang: Sa Pagpapayabong ng Kultura at Panitikan ng Nagkakaisang Lipunan na may Pantay na Kasarian".
Ang Tertulyang Pampanitikan ay gaganapin sa ika-28 ng Abril, 2023 sa CAS Seminar Room ng NEUST Campus ng General Tinio, Cabanatuan City sa ganap na ika-8 n.u. hanggang 12 n.t.
Makiisa sa pagtatampok at pagpapayabong ng panitikan, gayundin ang pantay na kasarian!