29/07/2026
TINGNAN!
Pagmamahal na Isinasabuhay sa Pamamagitan ng Paglilingkod
Isang taos-pusong pasasalamat sa Light of the World Church Ministry, sa pangunguna ni Pastor Gaddy L. Santonia at ng mga miyembro ng kanilang ministry, sa pagbibigay ng mga bagong tahing uniporme para sa 10 piling mag-aaral ng Sumacab Elementary School.
Ayon kay Pastor Gaddy, naging posible ang proyektong ito dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanilang ministry sa pamamagitan ng talento sa pananahi ng isa nilang miyembro, si Sister Rose. Ang kaniyang husay at malasakit ay naging daan upang makapaghatid ng saya at pag-asa sa mga batang nangangailangan.
Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang nakapagbigay ng bagong uniporme, kundi naghatid din ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga mag-aaral. Nawa'y lalo pa kayong pagpalain sa patuloy ninyong paglilingkod at pagbabahagi ng pagmamahal sa kapwa.
Maraming salamat, Light of the World Church Ministry! Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang komunidad na nagkakaisa para sa kapakanan ng bawat bata.