25/06/2026
✨🥖 𝖨𝗌𝖺𝗇𝗀 𝖬𝖺𝗍𝖺𝗆𝗂𝗌 𝗇𝖺 𝖲𝗂𝗆𝗎𝗅𝖺 𝖳𝗎𝗇𝗀𝗈 𝗌𝖺 𝖬𝖺𝗌 𝖬𝖺𝗀𝖺𝗇𝖽𝖺𝗇𝗀 𝖪𝗂𝗇𝖺𝖻𝗎𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇! 🧁✨
Matagumpay na isinagawa ang Training Induction Program (TIP) para sa mga iskolar ng Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA na sasailalim sa Bread and Pastry Production NC II.
Ang programang ito ay nagsisilbing unang hakbang sa paglinang ng kaalaman, kasanayan, at disiplina na kinakailangan upang maging handa sa trabaho at magkaroon ng mas maraming oportunidad sa buhay. Sa bawat tinapay na kanilang gagawin at bawat pastry na kanilang lilikhain, kasabay nitong hinuhubog ang kanilang mga pangarap tungo sa tagumpay.
Congratulations sa ating mga STEP Scholars! Nawa’y maging inspirasyon ang pagsasanay na ito upang lalo pang paunlarin ang inyong kakayahan at makamit ang inyong mga mithiin. 💪👨🍳👩🍳
Sa TESDA, Kayang-Kaya! ❤️💙